top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 09, 2021



Walang ibang balita ngayon about showbiz kundi ang pagpapakasal nina Angel Locsin at Neil Arce.


Marami ang naghihintay sa magarbong kasalan ng celebrity couple tulad ng sinabi ni Neil last year, pero hindi natupad dahil nagpakasal na ang dalawa kamakailan.


Civil wedding ang nangyari kina Angel at Neil na dinaluhan lang ng 10 katao.


Last August 7 ay inianunsiyo ng aktres na officially Mrs. Arce na siya ngunit hindi niya binanggit ang eksaktong petsa ng kanilang kasal pero nangyari raw ang civil wedding last week pa.


Napakasimpleng wedding ang nangyari dahil ang OOTD nina Mr. & Mrs. Arce ay naka-white top, black jeans at sneakers lang.


Ayon sa kanilang event planner na si La Bell Fete, ang gusto raw ng couple ay "Things simple, nothing pretentious, warm, welcoming, not too feminine, raw, and real."


Caption naman ni Angel sa mga ibinahaging wedding post, "Namimilipit pa ako sa kilig..."


Ayon pa sa aktres, kinunan ang mga larawan, "Sa parking lot sa may tabing bahay. Nagmukhang ibang bansa!"


Ang nag-preside ng kasal nina Angel at Neil ay si Taguig City Mayor Lino Cayetano.


Reaksiyon naman ng mga netizens sa kasal ng celebrity couple: “Congrats and best wishes to both. Sa panahon na ang daming brides ang nape-pressure na pabonggahin ang kasal nila dahil sa society, ‘yung pandemic talaga, tinuruan tayong bumalik sa basic.”


“This is so SUDDEN!!!”


“Wala ‘yan sa kasal, nasa pagsasama. Congrats Neil and Queen Angel, best wishes. Angel deserves all the love and happiness.”


“Ano sudden doon? Dapat nga November pa nangyari ang wedding naunahan lang ng pandemic. Then they tried to do it sa Baguio, naunahan naman ng controversy ng pa-party ni Tim Yap. I guess they gave in to the reality of COVID and sinimplehan na lang muna kaysa nagtagal pa ang wedding.”


“Tama! It brings home the point, the union, symbolism of marriage is more important than the pomp and circumstance. With simplicity, ramdam mo ‘yung sincerity at solemnity ng occasion talaga.”


“Wahh! I'm really happy for you Angel and Neil! Congrats, lodi!”


“Congrats! Napakasimple ng kasal, I love it....”


“Napaka-cool ng wedding nila, baks! Napakasimple lang, pati pics nila, ang gandang tingnan, ‘yung mga tawa nila. Take note, tawa talaga. Ang saya ng ambiance.”


“Salamat naman at na-realize nila na saka na lang ‘yung kasalan na maraming tao.”


“Sobrang sayang tingnan ng mga pics nila, ang gaan at feel na feel mo ‘yung love nila para sa isa’t isa. Tawa kung tawa talaga. Am happy for you, idol, Miss Angel. At last! And I love how Mommy Jean loves you so much.”


“All the means but they chose to celebrate in a very simple way. Congrats! This is so beautiful.”

“They look genuinely happy. Hindi pa-fame.”


“WOW. Imagine that! Walang arte. Just Love! Love! Love!”


“Ang galing!! Wala man lang lumabas o tsismis. Napaka-intimate talaga ng wedding nila.”

“Sobrang genuine ng emotions at happiness nila, hay.”


“To think na kayang-kaya niyang magpakabongga sa kasal pero sinimplehan lang talaga. Breaking the stereotype pa kasi bakit hindi puwedeng ‘di mag-dress ang bride.”


“Alam naman nating the Delta variant is causing havoc in the metro. So dapat ganyan lang, what is important, married na sila. Legal na. Congrats Angel and Neil.”

 
 

TIME SQUARE SA NEW YORK.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 08, 2021




Very happy si Momshie Karla Estrada dahil nasa New York Times Square ngayon ang larawan ng anak na si Daniel Padilla at ng girlfriend nitong si Kathryn Bernardo. Malaking billboard ito para sa kanilang commercial ng Pepsi.


Sa Instagram account nga ni Karla, aniya, “I wish I’m in Times Square right now. At magsisisigaw ako ng 'Anak ko 'yan. Anak ko 'yan!!!' Congratulations KathNiel and the entire team.”


Aba, eh, sino nga ba naman ang hindi matutuwa, napakalaking espasyo ang ibinigay ng softdrinks commercial para sa kanilang endorser na number one love team ng Pilipinas. Dinaig nila ang ibang Pinoy celebrities na napakaliit lamang ng espasyo.


Kasama rin sa naka-feature sa Pepsi billboard si Mimiyuuuh at ang P-pop group na SB19.


Samantala, pinagsabihan naman ni Karla ang anak na si DJ na huwag mandiri sa kanyang mga paa.


Paliwanag ng celebrity mom, “Binuhat ka ng 9 months n'yan!”


Nakapatong kasi ang paa ni Karla sa legs ni DJ habang nakaupo ito sa couch at nagpapahinga.


Tiningnan ng aktor ang paa ng ina na parang diring-diri.


Kinunan ni Karla ang paang nakapatong sa legs ng anak at saka nilagyan ng caption: “Hi kuya @supremo_dp 'wag mo pandirihan ang paa ko!!! Binuhat ka ng 9 months n'yan!!!”


Sambit pa ni Karla, “Kaya hangang ngayon manas, eh! Nasa Time Square ka, ah! Pa-Pepsi ka naman d'yan! Magandang umaga, anak.”

 
 

SINUNDAN SA TRABAHO.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 07, 2021




May bagong vlog si Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang YouTube channel at 'yun ay nang sundan niya sa trabaho ang mister na si Robin Padilla.


Sa Army Camp nagwo-work ang aktor at naisipan ni Mariel na sundan ang mister para malaman ang ginagawa nito.


May pasingit-singit na tanong si Mariel kay Binoe sa kanyang vlog tulad ng, “'Pag namatay ako nang maaga, mag-aasawa ka ba ulit?”


Sagot ni Binoe, “Ano’ng kinain mo?!" sabay tawa saka sinundan ng “Mabigat ang tanong mo na 'yan… kasi alam kong mauuna ako. At lagi kong sinasabi sa ‘yo 'yun… na kapag nauna ako, gusto ko, mag-asawa ka uli. Totoo o hindi?”


“Lagi!” sagot naman ni Mariel.


Dugtong ng aktor, “Nakadepende 'yan sa mga anak mo.”


“Bakit naging sila?” balik-tanong ni Mariel.


“Aba, eh, kung masasaktan sila, huwag na!” sagot uli ng aktor.


Kaya tanong ni Mariel, “Are you basing it from experience?”


Sabi uli ni Robin, “Baka hindi pa nila maintindihan…”


Sagot naman ni Mariel, “Iniisip ko rin kung gusto kitang mag-asawa ulit?”


Ang bilis ng kambiyo ni Binoe, “Papayagan mo ba ako?”


Ang sagot ni Mariel, “Pero may mga kondisyon.”


Naisingit din ni Mariel na “Si Mocha, nabuntis? May mga ganu'ng pangyayari, 'di ba?”


“So, ibig mong sabihin, may mga taong naniniwala ru'n?” sambit ni Robin.


“Siguro ngayon, hindi na kasi namatay na… 'yung isyu, ha?” sagot ng kanyang misis.


Anyway, back to pagsunod ni Mariel sa work ni Binoe, kasama niya ang dalawa nilang anak na sina Isabella at Gabriela.


Nakarating na sina Mariel sa kampo, pero hindi nila nakita si Robin.


To cut the story short, nagkita rin ang mag-asawa sa mismong office ng actor.


Ayon kay Mariel, gusto niyang sorpresahin si Binoe kung ano ang pinaggagagawa sa kampo.


"Many of you are wondering what Robin actually does and what it’s like in his place of work.


"Don’t worry, you’re not alone! Kasama ang mga bata, we decided to pay tatay a visit to see what really happens when he’s not at home."


Nang makita ni Mariel ang office ni Robin, na-shocked siya dahil ang lahat ng staff ng kanyang mister ay pawang mga babae.


May pagka-sarkastikong sambit nito, "Puro mga babae pala kayo dito, 'no?"


Naaliw naman ang mga followers ng misis ni Binoe.


"I just realized that Mariel is naturally funny."


"Hahaha! Ang dami kong tawa sa iyo, Mariel, nakaka-good vibes ka talaga."


"Mariel Padilla is indeed a comedienne, lol. If I'm watching her vlogs, I am laughing alone, LOL. Nakakawala ng STRESS."


Bandang huli ay nag-picnic ang mag-iina sa ground ng napakalawak na kampo habang nasa likuran nila si Robin na parang guwardiyang binabantayan ang kanyang mag-iina.


“Nasa likod namin si Sir (Robin) at hindi pa naka-pantalon… Mga pinaggagawa ni Sir dito sa kampo, huling-huli… huling-huli ni Nanay sa kamera… malinaw na malinaw na ngayon… alam na alam ko na mga kaganapan dito.”


Hahaha! Gusto yatang hulihin ni Mariel kung may monkey business ang kanyang asawa sa kampo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page