top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 15, 2021




Kinumpirma ng dating aktres na si Michelle Madrigal sa kanyang Instagram post na hiwalay na sila ng asawang si Troy Woolfolk. Dumaan daw sila sa proseso ng divorce, pero mananatili pa rin silang magkaibigan at co-parent sa anak nila.


Marami raw kasing nagtatanong na mga kaibigan nila kaya minabuti na nilang isapubliko ang tungkol sa paghihiwalay.


“@twoolf29 and I have been separated and are going through divorce. Of course, we have remained friends and co-parents to our beautiful daughter Anika. We only wanted to share this to be transparent due to the amount of DM’s and comments we get from y’all.


“We hope that y’all can give us the space and respect with our decision. We thank y’all for all the love and support you have given The Woolfolk family. We will always have love for each other and cherish the good times rather than the bad ones,” sambit pa niya.


Walang ibinigay na detalye si Michelle kung ano ang naging rason ng kanilang hiwalayan.


“Omg!! Totoo ba 'to?? Why???”


“Malamang, 2 na sila nag-confirm, eh. Ganu'n talaga. Tawag du'n, life.”


“OK LANG 'YAN MICH! Hindi naman kayo bagay. Ang ganda-ganda mo para sa isang ummm…EWAN!”


“It's just to show na pareho nilang gusto ang maghiwalay, no hard feelings, hindi bitter lols”


“I think ginawa lang ni girl 'yan para sa green card or American citizenship. Usually, ganyan ang ginagawa ng mga Pinay dito. After 2-3 years, divorce then settled na 'yung residence status nila or better yet, 'yung citizenship.”


“She's hot. She will find a better person for her.”


“She’ll find someone better when she stops her hubad2x in social media. The girl needs validation all the time.”


Hindi kaya sa pakikipaghiwalay ni Michelle sa kanyang hubby, eh, bumalik na siya ng 'Pinas and at the same time, magbalik-artista na rin?

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 14, 2021



May paratang kay Liza Soberano na nagra-random e-mail daw ito sa mga fans at nagmamakaawa na bilhin ang mga ibinebenta niyang produkto.


Pinabulaanan naman ito ng talent ni Ogie Diaz. Ayon sa aktres sa kanyang Twitter account, “Rumors have been spreading around that I have been emailing people in desperately begging them to buy HKT Essentials. First of all, I don’t have an iCloud account. I use a Samsung phone, therefore my emails are all Google.


“Second, why would I email individuals asking them to buy my products. I can just post on Instagram, Twitter or YouTube. Please stop it with all this fake news. Stop wasting your time making fake news about me or anybody for that matter.


“But on another point, what’s so embarrassing about being a business owner who’s trying to sell products? As long as what you’re selling are of quality and you’re not scamming people go for it. Your hustle is your hustle. Don’t let anyone tell you otherwise.”


Ayon naman sa mga netizens, “Parang wala naman akong nababalitaang issue na ganyan, Liza, hmm.”


Sagot ng isang commenter, “Check Twitter, nagkalat Sis 'yang message, hehe.”


“Walang masama sa pagbenta. Ang cheap lang ng spamming.”


“Ang cheap din na pinatulan n'ya 'yan. 'Kaloka!”


“Tapos 'pag 'di nag-comment, guilty? Sa'n po lulugar?”


“She just made a statement to clear things up. What's cheap there? Buti sana if nang-away ang lola mo.”


“Tama naman. Ano ba'ng masama sa pagbebenta? Lol, jusko, mukha ba 'yang naghihirap si Liza, eh, sa pagkakaalam ko, may mga endorsements pa naman 'yan at business.”


“Gigil na naman sa Twitter ate ninyo. Puwede namang 'NOT TRUE,' tapos. May drama pa eklavu chu chu. Mukhang cheap tuloy."

 
 

MGA NAWALAN NG TRABAHO.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 13, 2021




Sa kanyang Facebook post, humingi ng tulong si Sharon Cuneta sa mga private people para sa mga taong nawalan ng trabaho at naghihikahos bunsod ng pandemya.


Mahaba ang post ng singer-aktres na ganito ang nilalaman...


“PAUSE PO MUNA TAYO ABOUT REVIRGINIZED AND EVERYTHING ELSE ABOUT ME SA POST NA ITO."


Kinumusta muna ni Shawie ang sambayanan ngayong nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang NCR at iba pang lugar sa bansa. Hindi raw niya ma-imagine na ang mga taong halos nawalan ng trabaho ay nag-i-struggle kaya marami ang nagugutom.


“I am wracking my brain trying to think of how I and hopefully fellow artistas and singers and other non-famous but more fortunate people can help. Please pray with me so that the Holy Spirit may give me ideas that will work.


“Also, you are most welcome to make suggestions, not just for the duration of the ECQ, but hanggang maayos ang pag-(mis)handle ng Covid crisis na ito sa ating bansa.


“Thank you so much, everyone. Especially to my Sharonians – now my SHARMY (as voted/chosen by them at Sharon 2.0 na ang idol at nanay nila)!


"I'd also like to call on wealthy individuals and corporations who prefer to be anonymous but are very willing to make suggestions to help for the long-term po. Hindi 'yung mamimigay ka ng pera tapos, tapos na. We must help those who have skills to be able to use and earn from them.


"‘Give a man a fish and he will eat for the day. Teach him how to fish and he will eat for a lifetime.’ (Wise words from Confucius if I remember right.) We as ordinary citizens NEED TO COME TOGETHER AND HELP ONE ANOTHER WHEN THE HELP WE NEED IS NOT COMING.


“This is the time to obey God’s command: LOVE ONE ANOTHER. Thank you so much, everyone! May God bless us all and give us wisdom. In the mighty name of Jesus we pray! AMEN.”


Isang netizen ang nagkomento sa mahabang post ng Megastar, “Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado, 'yung walang camera, ha….”


Ang sagot ni Shawie, “Nananawagan nga ako sa ibang gusto ring tumulong. Ang dami mong hindi alam sa mga nagawa ko na at ng pamilya ko, pati mga anak ko, nag-aambag mula sa ipon pati alkansiya. Ang na-‘camera’ gaya ng sabi mo at naisulat na ay kakaunting % lang ng alam ng Panginoong naitulong namin na galing sa puso at walang nakakaalam.


“Besides, KAILANGAN naming ipaalam ang naipaalam na dahil humihingi rin kami ng tulong mula sa iba na nagpapakitang kung kami ay may naitulong, sana sila/kayo rin. 'Yun LANG ang dahilan ng ipinapaalam sa publiko. 'Di na namin kailangan ng papuri o sikat, nagbabawas pa, baka puwede.”


Sa tono ng pananalita ng Megastar, puna ng isang commenter, “Napapansin ko, madaling magalit si Sharon.”


Sumagot pa rin ang Megastar, “Ay, hindi po! Maayos po salita ko today kasi masaya naman po ako.”


Aniya pa, matiyaga lang daw siyang mag-explain sa mga taong hindi makaintindi o ayaw lang daw umintindi sa sinasabi niya.


At kung ayaw pa rin daw tumigil ay bina-block na lang niya.


Hindi rin daw siya nakikipag-away sa kahit kanino.


“Humihingi lang po ako ng tulong sa ibang mga kababayan nating may kakayanan at pusong tumulong. Para hindi lahat umaasa sa gobyerno. Baka lang makausad ng konting bilis pa.


“Kahit maganda ang intensiyon ng isang tao, meron at meron pang mamba-bash. Expected na natin 'to, pero 'wag na lang pansinin.”


Mukhang nangangamoy election 2022 daw dahil sa tinuran ng Mega momshie nina KC Concepcion, Kakie, Miel at Miguel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page