top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 19, 2021



Maraming netizens ang nagtatanong kung bakit daw nanahimik ang kampo nina Gerald Anderson at Julia Barretto magmula nang i-expose na nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang tunay na relasyon.


At itinaon daw talaga ng new celebrity couple ang kanilang relasyon nu’ng sila’y nagbakasyon sa Tate. Wala lang tinukoy si Bea na petsa kung kelan niya sinagot si Dominic.


Pero mula nu'ng nagpo-post na ng larawang magkasama sina Bea at Dom ay wala nang post sa kani-kanilang socmed account sina Julia at Gerald.


Heto pa, maging ang in-upload ni Bea sa kanyang YouTube Channel na part 1 ng kanilang road trip ni Dominic sa California, USA ay inintriga ng mga netizens. Wala raw sinabi sa YT Channel na "Life is Beautiful" ni Bea ang "Just Julia" YT Channel ng GF ni Gerald.


Kung dami raw ng viewers ang pagbabasehan, ang laki ng lamang ni Bea kay Julia. Mas dumami ang views ni Bea nang i-upload niya ang sweet moments nila ni Dom sa Tate titled California Road Trip Part 1.


In two days' time pa lang ay umabot na sa 2 million views ang bagong upload vlog ni Bea,


Patunay lang daw ito na marami ang na-curious sa love story ng Bea-Dom.

 
 

SI BRANDON BOYD.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 18, 2021



Ipinost ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram Stories ang photo shoot nila kamakailan ng sikat na rock star na si Brandon Boyd, ang vocalist ng internationally-acclaimed band na Incubus.


Kasalukuyang nasa Los Angeles, California si Heart after niyang magliwaliw sa New York City.


Una nang nabanggit ni Heart sa mga huli niyang post na may collaboration silang gagawin ng sikat na international rock band na Incubus.


Sa showcase naman ni Boyd ay makikitang naka-include ang ilang artworks ng misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.


Last May ay ibinahagi ni Heart ang screenshot ng video call niya with Incubus vocalist.


Then, the following month, ipinakita ni Boyd ang kanyang creative art project, na pinangalanan niyang "Moonlight Arts Collective" kung saan kasama roon ang artworks ni Heart.


Pero sa photo shoot na ibinahagi ni Heart sa kanyang IG stories, walang ibinigay na detalye ang Kapuso aktres kung para saan ba ang larawang ibinahagi.


Isa sa mga footages na ipinakita ng aktres ay ang pagsakay niya sa likod ni Boyd na para ba siyang batang pumasan dito.


Pinasalamatan naman ni Heart si Boyd sa kabaitang ipinakita sa kanya.


“@brandonboyd you're crazy for pushing for this shot - but thank you for being so polite,” caption ni Heart.


Sa isa pang video, may isinulat si Heart tungkol sa project ng rocker, “Moonlight Arts Collective. Soon @moonlightartscollective @brandonboyd.”

 
 

KUNG BUNTIS NA SI SARAH.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 17, 2021



Binabalak daw ni Matteo Guidicelli na bumili ng family SUV para maging komportable ang misis niyang si Sarah Geronimo kapag sila ay nagbibiyahe.


Ipinost ito ni Matteo sa Instagram, pero hindi naman binanggit kung bakit pa siya bibili ng bagong sasakyan gayung may mga sasakyan naman silang nagagamit ni Sarah.


Naintriga tuloy ang mga netizens kaya espekulasyon nila ay preggy na si Sarah at gusto ng aktor na maging komportable ang misis kapag nakaupo sa sasakyan.


O, 'di raw kaya may ineendorsong bagong sasakyan ang aktor?


Heto ang ilang komento ng mga netizens sa post ni Matteo.


“Omgee! Preggy na si Sarah G??”


“Wow!! The fambam is ‘growing’ na ba?”


“Growing family?”


“I think your family is growing.”


“Don’t forget to have a baby car seat too.”


Walang naging reaksiyon si Matteo sa mga nabasa niyang komento sa kanyang comment section.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page