top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 24, 2021




Nagsalita na si Bea Alonzo hinggil sa akusasyong inabandona niya ang kanyang huling proyektong Kahit Minsan Lang sa ABS-CBN.


Matatandaang lumutang ang balitang lumipat ang aktres sa GMA-7 kahit may nakabinbin pa siyang trabaho sa Kapamilya Network.


Ani Bea, "Ang gusto ko lang i-share is that nagpaalam ako nang maayos at wala akong inapakang tao."


Ang Kahit Minsan Lang ang dapat na huling teleseryeng pagbibidahan ni Bea sa ABS-CBN bago ito tuluyang na-shelve dahil sa pandemic.


Maraming Kapamilya fans at ilang executives ang naglabas ng sama ng loob sa paglipat ni Bea sa GMA-7.


Sa eksklusibong panayam sa bagong Kapuso aktres nu'ng August 17 via Zoom, sinabi niyang nalulungkot siya sa mga nangyayari.


Pero, inaasahan na raw niyang may mga tao talagang hindi matutuwa sa kanyang paglipat.


Paglalahad ni Bea, “Nalulungkot ako because ayun nga, may mga ganu'ng reactions.


“Although siyempre, before making that decision, I knew that you cannot please everybody. So nag-e-expect na ako na may magre-react.


“Siyempre, kapag nandoon ka na sa sitwasyon na iyon, hindi mo maiiwasang malungkot, 'di ba? Lalo na kasama mo 'yung mga tao.


“I have been working for ABS-CBN for 20 years and I’ve known some people na naging malapit din sa puso ko, 'di ba?”


Hindi na rin nagbanggit ng name ang aktres kung sinong Kapamilya ang sumama ang loob sa desisyon niya.


"Gusto ko lang i-share is that nagpaalam ako nang maayos at wala akong inapakang tao."

Patuloy pa ng aktres, “Siguro, may mga bagay-bagay na hindi ko kailangang ipaliwanag sa lahat ng tao, but ang gusto ko lang i-share is that nagpaalam ako nang maayos at wala akong inapakang tao.


“Malinis ang kunsensiya ko kaya siguro ganito rin kagaan iyong pakiramdam ko.”


Hindi na lang din daw niya pinapansin ang mg negatibong komento hinggil sa kanyang pag-alis sa dating home studio.


“Ayoko na ring pag-usapan 'yan because I would rather focus on the positive things that’s happening to my life and to be honest, I don’t want to fight with anyone and I’d rather not engage.


“Sa totoo lang, ang dami-daming blessings sa buhay ko sa lahat ng aspeto.


"Para sa akin, magpo-focus pa ba ako sa negative? Dito na lang ako sa positive kasi I’m so blessed already.


“But having said that, I know na wala akong ginagawang masama and alam ng bosses ng ABS-CBN iyon," muling sambit ng 33-year-old actress.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 23, 2021




Nag-react ang TV host na si Willie Revillame sa bagong Shopee commercial endorser na si Jackie Chan.


Ayon sa Wowowin host, nakaramdam siya ng hiya sa sarili nang mapanood ang Shopee commercial ng Chinese actor na nagsasayaw.


Sey ni Kuya Wil sa kanyang programa, "Nahiya ako sa Shopee!"


Esplika niya, "Kasi nu’ng kinuha akong [brand] ambassador, ayokong sumayaw! Pero tsina-challenge mo 'ko, Jackie Chan!"


Sa naturang online shopping app commercial ay nagsalita pa ng Tagalog ang international actor.


Tanging si Kuya Wil ang hindi nagpakita ng Shopee dance sa kanyang TVC. Sina Jose Mari Chan, Kris Aquino at Jackie ay pare-parehong nag-Shopee dance.


Biro ni Kuya Wil, lagi naman daw niyang binabanggit sa kanyang show ang pangalan ni Jackie kapag sumisigaw siya ng, "Bigyan ng jacket 'yan!"

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 21, 2021




How true na habang nasa Zoom meeting ang former DILG secretary na si Mel Senen Sarmiento ay nasa condo unit daw ito ni Kris Aquino?


Post ng isang may username na @yamooyen, “Former DILG Sec. Mel Sarmiento in a Zoom meeting this morning. Blooming then si Sir, eh, iba talaga 'pag in love #KrisAquino


Sumagot ang isang netizen sa post ni @yamooyen, “I watched this too! Smart guy! Ganda pa ng background. Hahaha! Ayaw na ata umuwi ni Sir."


Ang sinasabing background ay ang images na nakikita sa Instagram account ni Kris Aquino kung saan nag-give away siya noon ng whirlpool.


Mukhang sa living room ni Krissy ang background ni Sec. Mel sa Zoom meeting nito. Nandu'n kasi ang bouquet of pink roses na bigay daw ng kalihim sa TV host, maging ang lampshade na parehung-pareho sa nakikita sa IG ng TV host.


Anyway, sabi nga ng mga netizens, “Pagbigyan na. Let's be happy for them.”


“Grabe 'yung ayaw umuwi, hahaha!”


May nagsasabi namang, “Bagong lipat lang kasi si Sir, same condo (building), wala pang ayos ang unit niya kaya nakigamit sa kapit-unit.”


“Ayieeee, sana, siya na ang forever ni KCA.”


“Du'n sa roses pa lang, obvious na. Heard the guy is well liked and decent, sana 'di mag-backout sa kaartehan at kadramahan ni Kris. Sooner or later, her narcissism will rear its ugly head.”


“Let’s cross our fingers. Kahit naman madrama at maarte si Tetay, deserve niya rin namang maging happy. She's getting older and sooner or later, hihiwalay na rin si Bimby, gusto rin naman niya ng makakasama pagtanda.”


“Sana 'yan na talaga ang THE ONE ni Krissy.”


“Kaka-start lang ng relationship, kasi sabi nu'ng namatay si PNoy, tapos ganyan na ka-invested, walang uwian sa bahay. Sana, forever na 'yan. Mahirap pa namang ma-brokenhearted si Kris, sobrang ingay.”


“Wishing them well! Sana, mag-work naman na.”


Isa naman ang nagtanong ng, “Living under one roof na? Wala pa naman house si Kris ngayon after she sold the one in Greenmeadows. Baka soon, they will buy a house together. Balita ko, mayaman din si Sarmiento. I hope "the one" niya na 'yan. She deserves to be happy.”


Uhmmm… hindi naman siguro darating sa puntong makikipag-live-in si Kris. Naniniwala pa rin siya sa sagradong matrimonya ng dalawang taong nagmamahalan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page