top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 30, 2021




Ayon kay Heart Evangelista, willing siyang patawarin ang mister na si Governor Chiz Escudero kapag nalaman niyang nag-cheat ito sa kanya.


Sa interbyu ni Karen Davila kay Heart, ang topic nila ay tungkol sa cheating at infidelity. Magkasabay na ininterbyu ng broadcaster-newscaster-journalist ang mag-asawang Heart at Chiz.


Sa in-upload ni Karen na video nitong Sabado, August 28, they talked about ‘Marriage Adulting.’


Ang tanong ni Karen, ano ba ang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa?

Ang sagot ni Chiz ay cheating.


Buwelta agad ni Heart, willing siyang patawarin ang asawa kapag nag-cheat ito na ikinagulat ni Karen.


“Yes, because I love him. I don’t love him as a lover, I love him also as a friend,” esplika ng Kapuso actress.


Pero dagdag niya, hindi niya papayagang maging happy ending si Chiz at ang hypothetical mistress nito, na ikinatawa ng Sorsogon governor at ng newscaster-vlogger.


“So, you guys gonna have your happy ending? No, I’m gonna stay with you till the end. I’m not gonna give you your happy ending,” dagdag na sabi ni Heart.


Ang reaksiyon ng mga netizens sa interbyu ni Karen kina Heart at Chiz, “What makes their relationship so healthy and inspiring is that they have good communication and they’re good listeners.”


“I always learn a lot from Heart and Chiz. Heart is so articulate and she speaks her mind with no hesitation but still considering Chiz' feelings.”


“Looking back on how they started, they fought for one another. They really care and love each other and they both deserve happiness and more! I extremely love this couple.”

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 29, 2021




Nagbigay ng reaksiyon si Bea Alonzo sa mga pinasabog ng kaibigang si Janus del Prado sa Instagram hinggil sa kanyang ex-BF na si Gerald Anderson.


Nainterbyu ang aktres ng Level Up sa Radyo Katipunan last August 27. Naitanong kay Bea kung ano ang kanyang masasabi sa mga pasabog ni Janus at pagtatanggol nito sa kanya laban kay Gerald.


"Nagtataka rin ako bakit 'di pa rin natatapos. Probably, because my friends are very protective of me.


"I love them. Lumaki kami nang magkakasama. At itong mga kaibigan ko, nasasaktan sila kapag nakakarinig ng mga bagay concerning me.



"They tend to be protective of me, and they speak for me. Kasi, kaya ko ring makipagpatayan sa mga friends ko, and I guess it goes both ways.


"Siguro, kung wala silang bagay na naririnig, wala rin silang bagay na sasabihin," mahabang esplika ni Bea.


Hindi na nagdetalye pa si Bea sa isyu na iyon. Sambit na lang niya, "I'm never the type of person who would seek revenge."


Naging topic din nila ang bagong karelasyon ni Bea na si Dominic Roque.


Saad ni Bea, "He was there all along as a friend. Barkada kami. And hindi naman na kami mga bata.


"The good thing there is that merong nag-aalaga sa akin. At may integration ang aming mga pamilya."



Ayon pa kay Bea, "Napapasaya niya ako. I hope napapasaya ko siya and we’re trying to bring out the best in us."


May plano na rin ba silang magpakasal ni Dominic?


Ang sagot ng bagong Kapuso actress, "Hindi ako nagmamadali. Hindi na rin ako aayon sa expectations at timetable ng ibang mga tao.


"We are happy and we are enjoying it!"


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 28, 2021




Nakapanayam ni Connie Sison kahapon sa BaliTanghali ng GMA-7 si Senator Manny Pacquiao.


Tinanong ng newscaster kung ano nga ba ang kanyang desisyon tungkol sa pulitika kapag nakabalik na siya ng bansa.


Ayon sa atletang senador, “Pag-uusapan pa namin ng buong pamilya kung tatakbo akong presidente o tatakbo pa ring senador o hihinto na sa pulitika."


Ang sinisiguro raw niya ay, “Hindi ako sasama sa mga corrupt.”


Walang binanggit ang Pambansang Kamao kung sino ang corrupt na tinutukoy niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page