top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 04, 2021



Humingi ng paumanhin ang undersecretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na si Kristian Ablan sa pagdawit sa pangalan ng anak ni Kris Aquino na si Bimby sa comment niya sa Facebook.


Matagal nang sinabi ni Kris na kapag nagkaasawa at anak na si Bimby, hindi raw niya ipapamana sa magiging daughter-in-law niya ang kanyang mga luxury bags.


Sa FB page ng Preview magazine lumabas ang sinabi ni Kris nang mainterbyu ito.

Isa sa mga nagkomento sa Twitter si Kristian Ablan, na isa rin sa mga followers ni Kris sa Instagram.


Sabi ni Usec. Ablan sa naging statement ni Kris, “Eh, son-in-law?”


Nambuyo pa ang isang netizen sa komento ng undersecretary at sabi, “Kasi nga po, si Bimby ang gagamit.”


Sumagot naman ang isa pang netizen, “@kris_ablan lalaki nga si Bimby, mas marunong ka pa.”


Depensa ni Ablan sa una niyang sinabi, “I didn’t know she doesn’t have a daughter.”


Marami nang sumawsaw at nag-comment kaya muling nag-post si Usec. Kristian Ablan saying… “Hi Twitter: I’ve read your posts about my FB comment. My colleagues aren’t here because they say it's toxic. But I stay because this is where the critical thinkers are & we need to listen. I acknowledge that I’ve been gender insensitive w/ the post & will be more mindful next time.


“I was just informed by my officemates that what I did is called gender micro aggression. Okay, I will read up on this and be more careful next time when I comment on showbiz news.


“Hi Twitter. Apologies if anyone got offended with my reaction on the FB post about Kris Aquino’s bags. No intentions to offend.”


Pero hindi tinanggap ng mga followers ni Kris ang apology at palusot ni Ablan at samu't sari ang komento nila…


“Sana kasuhan siya ni Kris.”


“Gender micro aggressions are small, seemingly innocuous comments that can pile up over time and affect a person’s sense of self and identity.”


May nagsasabi namang, “Dapat sagutin 'yan ni Kris…Ako nga, hindi nanay ni Bimby pero nginig laman ko sa galit. Bastos, eh.”


"'DIDN'T KNOW SHE DOESN'T HAVE A DAUGHTER' ??????? NAPAKASINUNGALING.”


“Grabe. Ang tanda na ng taong ito, tapos abogado pa, minor talaga ang tinarget para i-bully. Napaka-unethical for a lawyer.”


“'Yung reaction pa niya sa Twitter is like, 'sorry not sorry'."


“Ano ba'ng qualifications ng mga nasa PCOO, expert in trolling? Sumasawsaw pa kasi, eh!”


“'Yung naturingan kang professional at opisyal ng gobyerno pero may oras ka pa para mag-comment ng walang katuturan sa Facebook.”


“Palusot.com. I feel sorry for people like this guy - sana 'pag nagkaroon ka ng anak na gay, may asawa kang Kris Aquino na makikipagpatayan para sa anak niya kasi mukhang walang maaasahan na suporta galing sa 'yo!”


“And also, whatever Bimby’s sexual preference is, you have no right to mock him and it’s none of your business! Nakakainit ng ulo.”


“I didn't know pa raw na walang daughter si Kris. Kuya, since nag-comment ka sa IG niya, so you follow her, so dapat alam mo na 2 na lalaki anak niya, 'di ba? Mema?! PCOO, Home of Trolls!”


Marami ang nagsasabing netizens na gawan daw ng action ni Kris ang PCOO undersecretary.


Abangan na lang natin kung ano ang aksiyong gagawin ng celebrity mom sa isyung ito.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 03, 2021



Napanood namin ang exclusive interview kay Maine Mendoza sa YouTube channel ng Rider PH Studios regarding her digital show sa BuKo Channel na ang concept ay may pagka-fun lifestyle-travel-adventure.


Ayon kay Maine, ang show nila ay different from the other lifestyle shows. May challenges daw kasi ang kanilang programa.


Nakaka-ilang episodes pa lang daw ang kanilang programa pero may realization daw talaga siyang nakukuha rito.


Aniya, “Na-realize ko po talaga na ang magtanim ay hindi biro.”


Sa episode nilang 'yun, nasa isang farm sila at actual na nagtatanim.


“Natuto po akong maggapas. At nakita ko po talaga kung gaano pala kahirap ang buhay ng mga farmers. Ang daming realization in the end.”


May isa pang episode na ipinalabas ang team ni Maine kung saan nakasakay siya sa big bike at kitang-kitang tumatagaktak ang kanyang pawis sa gitna ng kainitan ng araw.


Na-amaze ang author ng YT Channel na si Jojo Panaligan at tinanong kung hindi ba takot sa init ng araw ang TV host-actress.


“Hindi po. Hindi po ako takot sa araw. Dahil nu’ng una pa naman po akong pumasok sa showbiz, lagi kaming nasa labas sa segment ng One For All, All For One. Na-train po kami nang husto ng Eat…Bulaga!.”


Napag-alaman din namin na kung may mga challenges pang gagawin si Maine sa programa, ang nire-refuse lang daw niya ay ang tungkol sa food.


“Mahirap talaga akong pilitin pagdating sa food. Picky eater kasi ako.


“Hindi ako kumakain ng balut, kare-kare at adobo. Sa family po namin, ako lang ang picky eater. Ayaw ko po ng fish sauce like patis or bagoong.


“Parang masyadong sensitive ang taste buds ko na kahit ang sarap-sarap ng food pero kapag naamoy ko na hindi maganda, ‘di ko po talaga kayang kainin.”


Kuwento pa niya, “Sa Japan nga po, hindi ako kumakain ng sushi, hanggang ramen lang po ako.


“Kaya pagdating po sa food challenge, out po ako d'yan which is parang alam na naman nila.


“Bahala na po ang kasama ko sa mga ganyan… basta STOP po ako d'yan. Mahirap po talaga akong pilitin.”


May goal pa bang gustong abutin ang isang Maine Mendoza?


“Sa lahat ng na-accomplish ko dito sa showbiz in 6 years, happy na po ako ru'n.”


Dahil pandemic at kung saan-saang lugar pumupunta ang team ni Maine, ano raw ang kanilang ginagawa para maging safe?


“Kinukuha po namin ang buong place para po safe ang lahat.”


May goal pa ba siya aside sa showbiz career?


Direktang sagot ni Maine, “My first goal ko talaga is to have my own family and having kids."


Wala naman daw siyang time element, siguro raw, sa family niya, meron.


“Kasi five kaming magkakapatid, kailangan, sunud-sunod po kami… Kumbaga, probinsiya tradition,” paliwanag ni Maine.


Anyway, nakaka-impress si Maine sumagot sa mga tanong. Halos iisa ang komento ng mga netizens sa interview — mahusay daw sumagot si Maine at magaling naman daw ang interviewer.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 02, 2021



Hindi pa inaamin ni Nadine Lustre ang kanyang bagong French boyfriend na si Christophe Bariou, pero panay ang pagliliwaliw nila sa Siargao.

Sabi nga ng mga netizens, mukhang sa Siargao na pansamantalang naninirahan ang aktres dahil du'n daw nakabase ang bagong karelasyon.


Muling naispatan ang aktres angkas ng motorsiklo kasama ang rumored boyfriend.


Payo ng isang faney ng aktres, “Take care y'all lovebirds!”


Komento naman ng iba pang netizens…


“Nawala yata kaartehan niya sa katawan at biglang game siya mabilad at madumihan. Bilis mo naman ma-fall, girl. Kaya mo pa ba?”


“Kasi, a good guy that perfectly match with you may not will come for a second time.”


“In late 20's, aminin ko, ang hirap to find someone who seriously wants to commit. Kaya let's be happy for her if it's true.”


“Dati na siyang sanay mabilad sa araw, magpa-tan, saka wala siyang arte sa katawan since then. She can be glamorous and simple, ikaw ang madumi utak, same ng haters niya, sobrang mga bitter. Nadine is a good soul, she helps a lot of people nang hindi naka-media, kahit nasa malayo pa siya.”


Hindi naka-mask ang rumored boyfriend ni Nadine habang sakay ng motor, kaya may nagtanong na concerned netizen.


“Question, okay lang hindi mag-mask sa Siargao?”


“Bawal din mag-helmet sa Siargao?”


“Yup, when we were there, parang na-OP pa kami kasi kami lang naka-mask. Requirement lang siya to enter places pero once inside, tanggal na rin. You can walk around and people are not wearing masks. When we asked if may cases ba ru'n, sabi, sa malayo at kabilang bayan pa raw kasi merong COVID, sa General Luna, wala naman daw cases. Sobrang nakaka-miss na 'yung huminga freely without mask.”


“Puwede, because Siargao has zero cases, strict inspections, and the fresh air. But if in a crowd, it may be required I guess!”


“Next celebrity to embrace the provincial life.”


“Gumaan ang aura ni Nadine sa guy na 'to. Hindi na siya todo-effort maging pasosyal.”

“Good for Nadine, mukhang love na love siya ni guy. Gumaganda aura ni Nadine ngayon. Nakakaganda talaga ang love."


"Ang cute! Hindi maarte si guy, naka-paa habang nagmomotor! Happy for her. Cute nila.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page