top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 08, 2021




Si Lovi Poe ba ang aktres na tinutukoy sa blind item na lumabas kamakailan na tuluyan nang lilipat sa ibang network?


May cryptic message na ipinost ang Kapuso actress. Quote ito mula kay Adele na may kinalaman sa trabaho. Ang nakasulat ay: “Cause when hard work don’t pay off and I’m tired.”


Ang daming nagkomento sa cryptic message ni Lovi.


“Tipong ikaw 'yung nauna pero mas malaki ang offer sa bago. Nakakadismaya nga naman talaga!”


“Magpaawa rin dapat siya tungkol sa love life niya nang pag-usapan lagi siya at maging trending sa pagiging feeling victim.”


“Need din kasing 'yung hardwork mo, eh, nagpo-produce ng big results. Kung so-so lang, eh, unless gusto ka ng top exec!”


“Eh, di lipat na!”


“15 years na siya sa GMA. Nag-evolve naman siya. Kaso, iba ang gustong sugalan ng Kamuning.”


“Too early to burn bridges, better cross first."


“Kaya siya lilipat, kasi hindi naa-appreciate hard work niya sa kanyang mother studio?”

“Mukhang 'di nag-counter offer ang GMA."


“Oo nga, pero naku, 'wag naman mag-burn bridges, mahirap na.”


“A-lister naman siya sa GMA, ah. 'Yun nga lang, may dumating na bago. Sayang, puwede naman siyang makipagsabayan du'n, ah. Kapag lumipat kaya siya sa Dos, eh, saan siya ilalagay? Sa Ang Probinsyano?”


“Papansin. Nagamit na 'yan ni Queen Bea. Lipat ka na lang kung gusto mo.”


“Para naman kasi uhaw na uhaw sa mga talents ng Dos 'yung GMA. Itinapon ang mga artists nila na magagaling din at may loyalty. Medyo nakaka-offend naman talaga.”


Advice naman ng isang netizen, “Lumipat na lang siya doon sa kung saan magagawa niya 'yung gusto niya. Kahit papaano, nakapagpundar rin siya sa GMA, nakabili ng bahay, etc... Nag-grow rin siya kahit papaano, hindi na niya maa-appreciate 'yun ngayon dahil iba na ang gusto niya at meron na rin kasing nagpakita ng interes sa kanya. Move on happily, joyfully. Huwag na magpasaring pa dahil walang magandang maidudulot ang pagsunog ng tulay sa kung saan ka nanggaling.”


May nagsabi pang bano raw kasing umarte si Lovi, na kinontra ng iba at ipinagtanggol ang aktres. Ipinamukha rin nila ang acting awards na napanalunan ni Lovi Poe.


“Hindi siya nanalo ng Best Actress sa Cinemalaya para lang sabihan mo ng bano acting.”


“Sino'ng bano? Eh, ang dami niyang acting awards and nominations. Google din po paminsan-minsan. Sadyang 'di lang marunong magpasikat ang GMA."


Ikinumpara pa kay Lovie ang acting ng isang actress na lumipat sa Kapuso.


“Mas magaling pang umarte si Lovi kesa ru'n sa kalilipat lang. May Urian award si Lovi, 'yung bagong lipat, walang prestigious award na napanalunan sa tinagal-tagal sa showbiz.”


“Ganu'n talaga ang buhay. Parang ganito rin 'yung hanash ni Andrea Brillantes.”

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 06, 2021




Fake news daw ang lumabas na balitang sisibakin na si Kim Chiu sa It’s Showtime. Sinagot ito ng Chinita Princess sa segment na Madlang Pi-Poll last Sept. 3.


Ani Kim, “Tatanggalin daw ako rito. Araw-araw kasi ‘yun, eh. Ang sakit din sa ulo.”


Nagsimulang kumalat ang tsismis nang mapansin ng mga tagahanga ni Kim na hindi na ito lumalabas sa mga segments kung saan isa siya sa mga nakatoka bilang host.


So, alam na kung sino ang nagpakalat ng tsismis, 'di ba?


Kasi naman, Kim, ang mga faneys mo, dapat napapagsabihan din. Hindi naman puwedeng in every segment ay nasa screen ka, 'di ba?


At sa true lang, kailangang bawas-bawasan din ang high pitch, masakit po kasi sa tenga.


Kaya siguro naiinis ang iba na panoorin si Kim sa It's Showtime at sabi nga, panira raw siya sa show.


'Yun lang…

 
 

KUNG SINO PA ANG MGA BAGUHAN, BIGLANG-SIKAT AGAD.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 05, 2021




May hinaing pala si Andrea Brillantes hinggil sa kanyang showbiz career. Tipong may halong inggit ang emote ng young actress sa ibang mga newbie young stars na sumisikat agad.


Sa interbyu sa kanya ng ka-love team na si Seth Fedelin sa online show nitong The Boom, natanong si Andrea tungkol sa kanyang career. Diretsong sagot ng young actress, masakit para sa kanya na may mga baguhan sa showbiz na mabilis nakaka-achieve ng kanilang goal.


Ibig sabihin ni Andrea, mga kabagu-bago lang daw, pero sikat na agad.


“Ang tagal ko na kasi sa showbiz, ‘di ba? Sobrang sakit sa ‘kin na 'pag may mga bagong dumadating, sikat na sila agad.”


Patuloy pa ng young actress na tila may hinanakit sa dibdib, “Na ako 'yung hindi na kailangan na... ang sakit… parang plato na binasag ako. 'Yun ako, ako 'yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko.”


“Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon, tapos, hetong bagong 'to, makukuha n’ya lahat. Makikita ko s’ya diyan.”


Tanong pa niya sa sarili, ano raw ang kulang sa kanya, nagdarasal naman daw siya araw-araw.


“Ilang taon na… tapos mapupunta lang sa iba. Ano'ng kulang sa ‘kin? Ano pa ba'ng dapat kong gawin? Ang sakit-sakit… ang sakit-sakit.”


Sa YouTube Channel na Showbiz Update nina Mama Loi at Ogie Diaz, pinagsabihan ni Ogie ang young actress.


Aniya, “Ganu’n talaga ang buhay. Ang importante, nakasayad ang pareho mong paa sa lupa kahit hindi ka, anak, biniyayaan ng magandang height. Ang importante, alam mo kung saan ka nakatapak.”


Iba-ibang komento mula sa mga netizens ang natanggap ng young actress.


May mga nakakaintindi sa hinaing ni Andrea dahil matagal na nga naman daw itong nag-aartista since bata pa siya, at meron din namang hindi.


May nagsasabi namang selfish at ungrateful daw ang dating ng kanyang sagot dahil ang gusto niya ay siya lang ang sumikat.


Meron pang nagtanong kung si Francine Diaz na kasama niya sa Huwag Kang Mangamba ang pinasasaringan ni Andrea.


Kaya raw ba naghihimutok ang young actress ay dahil kinuha ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo bilang beauty ambassador si Francine?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page