top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 11, 2021



Mukhang ‘di na matiis ni Jinkee Pacquiao ang pambabatikos na inaabot sa mga bashers dahil sa kanyang pagdidispley ng mga mamahaling gamit at kasuotan sa social media.


Sa kanyang Instagram Stories kamakailan ay may makabuluhang post si Jinkee na, "Think of ways to encourage, praise, and build up others."


Ipinagtanggol naman si Jinkee ng kaibigan niyang si Annabelle Rama sa kanyang social media account.


Ayon sa mommy nina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez, “I’ve been reading almost all newspapers, kasi addict ako sa news. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa Pilipinas at sa buong mundo.”


Kaya araw-araw din daw niyang nababasa ang mga banat kay Jinkee.


Mahaba ang post ni Annabelle kung saan may pinatutungkulan siyang isang manunulat.


Komento ng mga netizens sa mahabang litanya ng celebrity mom…


“Hala si Madam, sumawsaw na rin sa issue. Dumami time ng lahat this pandemic.”


“Very entertaining basta si Manay A ang bumanat! Mahabang basahin ang rebuttal pero nakakaaliw kaya tinapos ko, ha ha ha!”


“Behind all that noise, Tita Annabelle makes sense, pretty consistent naman siya throughout, work for your money, maingay lang nga.”


“Stop deviating the issue. Hindi lahat ng tao ay inggit kay Jinkee at sa pera niya. She is so insignificant to be honest.”


May nagsasabi namang, “Tama lang na na-call out si Jinkee. I get it that she is rich and tama lang to wear expensive things but to flaunt it everyday sa IG? Sobra na ‘yan, especially ngayon na ang mga tao, pumipila sa init dahil sa 1,000 na ayuda at kung ang asawa mo ay senador at nangangarap maging president. Baka maging Imelda the second ‘yan kung mamalasin tayo at manalo ang boxer.”


“Cool lang si MADAM JINKEE. Tama ‘yan! Ituloy mo lang ‘yan, Madam, hanggang sa mamatay sila sa inggit. Life is short; enjoy what u have… as long as u share also your blessings to those in need…”


“Jinkee NEEDS TO TONE DOWN sa hambog and she of all people should KNOW dahil lumaki siyang MAHIRAP. What does she really gain ba by showing those expensive stuff? To show off o para sa ego niya? She needs to remember that the Philippines is still a 3RD WORLD COUNTRY wherein MAJORITY OF ITS CITIZENS ARE POOR!! Have some HEART and DO THE RIGHT THING!!!”

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 10, 2021




Nire-recognize ni Angel Locsin ang kahalagahan ng mga Pinoy health workers.


Ani Angel sa kanyang IG post, “To those who can’t go & console family & friends fighting their battles alone, I feel you. I wish for you to overcome whatever it is you are going through. This crisis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police and even without actors like me. But the world can never work without health workers. Again, thank you for all that you do. Sending everyone strength, hope and love.”


Heto naman ang sinabi ni Spokesperson Harry Roque na hindi ikinatuwa ni Angel nang marinig.


“Hindi ko alam kung saang planeta nakatira ‘yang mga health workers na ayaw kay Presidente kasi buong daigdig po ang sinasalanta ng ganitong problema.”


Maging ang mga netizens ay umalma sa tinuran ni Spox Roque.


“Nakaka-discouraged. Kung ganu’n lang sana kadaling lumayas sa bansang ‘to.”


“Parang si Paolo Contis din ‘tong si Harry Roque, kung anu-ano pinagsasasabi.”


Sinabihan naman ng isang netizen ang aktres na sawsawera.


“Eto na naman si Sawsaw Queen. Wala nang career kaya focused na lang sa pagsawsaw sa pulitika.”


Ipinagtanggol naman si Angel ng ibang netizens, “Paki mo ba? She has every right to make sawsaw, she's a citizen first before being an actor. A citizen that pays higher tax than you.”


“Walang masamang sumawsaw dahil karapatan nating magsalita. Mas masama kung wala kang imik kahit harap-harapan na tayong niloloko ng gobyerno.”


“She pays her taxes, that gives her the right na "makisawsaw" (as you call it) into politics and the Philippines (very bad) governance.”


“Bakit bawal ba? For as long as taxpayer ka, may karapatan kang magreklamo. Sino ka naman para pagbawalan si Angel?”


“She has every right to do so. She pays her taxes and a dutiful citizen. Ikaw nga, panay ang kuda mo, mukhang ‘di ka naman nagbabayad ng tax. Hanggang keyboard ka lang.”


“Bakit ‘di siya mangingialam, eh, BOTANTE S’YA! TAX PAYER S’YA! MAMAMAYAN S’YA DITO! Isip nga paganahin mo!”


“May point si Angel. May right s’ya to speak up.”

 
 

NAGPATUTSADANG ‘AS*HOLE’ SI AGA.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 09, 2021




How true na may iringan na naman umanong namumuo sa magkaibigang Lea Salonga at Aga Muhlach?


Ang dahilan daw ay ang pag-post ng aktor tungkol sa pagkamatay ng famous celebrity photographer na si Raymund Isaac. Nag-post kasi si Aga sa kanyang social media account ng pakikiramay kay Raymund.


Knowing the famous celebrity fotog, marami siyang kaibigan sa showbiz na ang turing niya ay kanya nang pamilya.


Nag-comment naman ang Broadway singer-actress, pero wala siyang pinatutungkulan kung para kanino ang kanyang komento.


Ang isyung ito ay aming napanood sa Showbiz Update ni Ogie Diaz sa YouTube channel. Heto ang komento ni Lea na binasa sa SU (as is), “Going to stay off social media for the rest of the night, seeking news that’s making me angry. It’s also making me question my friendships.


“This is my official stance when news on someone’s passing starts going around (it’s happened enough times even pre-COVID, so let this be a reminder for the future).


“Until we got actual confirmation, say nothing, and until the family makes the announcement, we don’t preempt. And whoever does preempt is an asshole. So don’t be an assh*le.”


May nagsasabing para kay Aga ang komento ni Lea dahil ‘yun daw ang pinagbatayan ng aktres-singer, ang post ng actor na minsan na niyang naging leading man sa movie.


Ayon naman kay Ogie, tiningnan niya uli ang post ng pakikiramay ni Aga, pero nabura na raw ito.


Ayon pa sa talent manager-vlogger, may pangalawa rin daw ngang message ang aktor na parang naghahamon si Aga at nabubuwisit du’n sa nagsabi ng assh*le.


Sabi raw kasi ni Aga, ‘wag siyang hintaying magalit or something like that, at kaya rin daw niyang magsalita.


Ayon pa sa source ni Ogie, ‘napikon daw si Aga.’


Hmmm… kung totoo man ito, hanggang saan kaya aabot ang hidwaang ito ng matagal nang magkaibigan?


Parang ilang buwan pa lang din nang magkabati sila, ‘di ba?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page