top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 22, 2021




Sa Facebook page ng Pabst Photography 501 ay ipinost nila ang larawan ni Nadine Lustre habang nagse-surfing.


Palibhasa, international surfer ang rumored AFAM boyfriend niyang si Christophe Bariou kaya madaling natuto ang aktres.


Nasunog na nga sa araw ang tan beauty actress dahil lagi siyang nasa Siargao kasama si Christophe.


Natuwa naman ang mga faneys ni Nadine dahil nakikita nilang masaya at naka-recover na raw ang aktres sa breakup nito at ni James Reid.


Komento ng mga netizens, “So cute. Happy for her. Hope she can be herself now. Unlike before, kailangan pang makipagsabayan sa mga barkada ni James.”


“Nakawala na nga si Nadine tapos ‘tong mga tards na ‘to, in denial pa rin na she's pretentious naman talaga before.”


“Mga locals ba itong nagbi-video sa kanya? Medyo stalkerish lang, at least, give her some privacy when she's on holiday.”


“As much as I want privacy sa mga artista, hindi ko naman nakikitang mali itong pic na 'to. She's an artista, natural lang may mag-pic sa kanya at ‘di naman na-disturb si Nadine this time and it was done perfectly naman.”


“Mukhang hindi na siya for vacation na lang d’yan. Nagpa-register na siya sa Comelec d’yan.”

“At least now is for better, hindi puro walwal!”


“May nabasa akong article na Nadine talked to someone kasi magnenegosyo yata siya in Siargao, baks. Lol. Anyway, but ka ba affected if s’ya ang mag-a-adjust sa lalaki? Lol! Si Andi (Eigenmann) nga, ‘andu’n din sa Siargao. Baka life there is really nice kumpara kung saan man.”


“This guy is a good influence on Nadine. Non-toxic kinda relationship.”

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 13, 2021




Sa gitna ng mga pambabatikos ng ilang netizens, nakatanggap pa rin ng national award si Angel Locsin.


Sa Instagram account ng aktres, pinasalamatan niya ang award-giving body na nagbigay sa kanya ng national recognition.


Hindi lang isa kundi dalawa pang awards ang ibinigay ng National Customers' Choice Annual Awards Council sa aktres.


Ang unang award ay NCCAA Legacy Icon Award 2021 for Championing Philanthropy. At ang pangalawa ay National Customers’ Choice Achievement Award 2021 as an Outstanding Public Service Show Host.


Samantala, talagang love na love ni Neil Arce ang kanyang misis na si Angel. Aba, nagpalagay pa ng tattoo si Neil na para kay Angel.


Habang tina-tattoo-an, may nagtanong like ilan na raw ba ang kanyang tattoo sa katawan.


Binilang muna ng businessman-producer ang tattoo, at aniya, “Eleven na lahat-lahat puwera ang ipata-tattoo ko ngayon for Angel.”


Pero, ayon kay Neil, ang lahat ng tattoo niya sa katawan ay may mga meaning.


Tulad daw nu’ng una niyang ipina-tattoo ang isang krus, ‘yun daw ay dahil isa siyang Christian forever. Aniya pa, hindi kasi siya mahilig sa jewelries, kaya ang tattoo raw niya ang kanyang pinaka-accessories.


Ayon kay Neil, first time niyang magpapa-tattoo para sa isang babae, at ‘yun ay para lang sa kanyang wife dahil they are forever.


Sa chest nagpalagay ng ‘angel wings’ si Neil, ang ika-12 tattoo na nakaukit ngayon sa kanyang katawan.


Aniya, “First time ko magpa-tattoo for a girl, for my wife. I will only do that for my wife siyempre. I know I'll be with her forever."

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 12, 2021




Sang-ayon si Angel Locsin na mapatalsik si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa puwesto nito.


Sa interbyu ng King of Talk na si Boy Abunda sa humanitarian actress-philanthropist, tinanong si Angel na kung siya raw ang presidente ng Pilipinas, willing ba siyang i-fire ang DoH secretary?


Ang sagot ni Angel, ipa-fire niya si Secretary Duque para mabigyan daw ng peace of mind ang sambayanan.


Ani ng misis ni Neil Arce, “I think it’s really timely. Kailangan ng peace of mind ng mga tao. I’m going to answer that not because inaakusahan ko ‘yung tao. Walang ganu’n. Magiging objective lang tayo. Kasi ako rin naman, naakusahan publicly without going through due process. So, hindi magandang pakiramdam ‘yun.


“Kung magiging objective lang tayo rito, walang kung anuman ‘yung nararamdaman ko, nararamdaman n’yo, tanggalin n’yo. Kung ano lang ‘yung kailangan natin, I would say kung ako ‘yung presidente ng Pilipinas, yes, I will fire Secretary Duque.”


Dagdag pa ni Angel, “Not because naniniwala ako he is corrupt. Wala po sa ganu’n, but because ‘yung pag-e-explain lang sa mga tao na dito napunta ‘yung tax natin na binabayaran, I think kakain na ‘yun ng oras. Isa sa mga magagandang ibigay sana ng gobyerno natin ngayon, eh, ‘yung peace of mind ng mga tao. At hope na bukas, paggising natin, may magandang mangyayari.


“So, para gawin ‘yun, kakain ng napakaraming oras para ma-explain ‘yung sarili niya. Sino ngayon ang tututok sa pandemic response na kailangan din nating tutukan? Because ito rin ‘yung number one kalaban natin, ‘di ba?”


Concerned naman daw siya sa kalihim, noting that the DOH secretary might have felt overwhelmed with the allegations he’s facing and the pandemic response.


“So, kawawa naman siya masyado kung sabay niyang tututukan. So, ‘yun ang nasa isip ko lang. That’s my opinion. Para ma-pacify ang mga tao, bigyan ng time ‘to para masagot. Bigyan ‘to ng proper evidence, facts, i-clear niya ‘yung pangalan niya.


“Ito naman, may magpapatakbo to pacify the health workers na pagod na pagod din ngayon.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page