top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 26, 2021




Tatakbo palang konsehal si Claudine Barretto sa Olongapo City, Zambales.


Kasama raw ang aktres sa line-up ng mga konsehal sa ilalim ng tiket ng talent manager na si Arnold Vegafria na tatakbo naman daw na mayor.


May ginawa na ring official page ang team nina Arnold at Claudine, ang Bangon Olongapo 2022.


First time na papasukin ng aktres ang mundo ng pulitika.


Maraming celebrities ang gustong baguhin ang kanilang kapalaran, hindi bilang artista kundi sa pulitika naman.


Ang dating child actor na si Nash Aguas ay tatakbo rin daw konsehal sa Cavite.


Si Arjo Atayde na isang mahusay na aktor ay papalaot na rin sa pulitika kung saan tatakbo siyang kongresista sa 1st District ng Kyusi.


Magbabalik-pulitika naman si Aiko Melendez na target din ang Kongreso sa 5th District naman ng Quezon City. ‘Nga pala, may natatanggap umanong threat ang aktres hinggil sa kanyang political career.


Sa October 1 hanggang October 8 ang filing ng candidacy for elections. Malalaman pa natin kung sinu-sino pang mga artista ang tatakbo sa darating na eleksiyon.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 24, 2021



Dahil sa opinion ni Kim Chiu sa “cheating” issue na nagloloko raw ang isang tao ‘pag ‘di na happy sa relasyon, may mga netizens na gusto siyang i-petition sa It’s Showtime.


Inamin naman ni Kim na nakarating sa kanya na maraming netizens ang hindi nagustuhan ang kanyang opinion tungkol sa cheating.


Pero, binawi naman ni Kim ang kanyang sinabi at nagpaliwanag din siya kung bakit hindi siya pabor sa cheating.


Kaya lang, the damage has been done, ‘ika nga. Kumalat na ang sinabi ni Kim sa unang opinion niya sa cheating.


Sabi nga ng mga netizens, panay daw kasi ang kuda ng Chinita Princess, hindi muna iniisip bago ibuka ang bibig para magsalita.


Pabida-bida raw kasi ito at laging gustong makipagsabayan sa thinking ni Vice Ganda, kaya ayun, siya raw tuloy ang nabibiktima ng kataklesahan niya.


Sabagay, hindi naman masisisi si Kim dahil ang opinion niya ay regarding sa kanyang experience. Hindi in general ang sinabi ni Kim kundi personal encounter niya.


Minsan na ring naikuwento ni Kim na naranasan na niyang niloko ng boyfriend noon. Walang name na binanggit si Kim, pero open naman sa lahat na ang first boyfriend niya ay si Gerald Anderson.


Dalawa lang naman ang naging boyfriends ni Kim — si Gerald at ngayon, si Xian Lim.

Inamin naman ng aktres na pinagtatawanan na lang niya ang heartbreak na iniyakan niya nang husto noon.


Sa relasyon nila ni Xian ngayon, sinabi niyang lubos ang tiwala niya sa boyfriend na nasa kabilang istasyon na.


"Ang hirap naman po talaga. Siyempre, wala namang gustong masaktan or walang may gustong niloko ka," sabi pa ni Kim at saka nag-shout out na 9 years na silang magkarelasyon ni Xian.


Pahabol pa ni Kim sa madlang pipol, "Saka ano lang, love, love, love, respect, respect, respect. Let's spread love and happiness."

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 23, 2021




May mga nagtatanong kung bakit hindi raw isinama ni Gerald Anderson ang girlfriend na si Julia Barretto sa Vienna, Austria.


Nasa ibang bansa ngayon ang aktor dahil may gagawin siyang pelikula doon under MAVX Productions.


Sana raw, isinama ni Gerald si Julia para may kasa-kasama siyang mamasyal kapag hindi na busy.


May post ang aktor sa kanyang Instagram Stories na kasama ang ama habang namamasyal sa mga magagandang tanawin sa Austria. Ang inilagay na caption ni Gerald ay: “Fresh Air.”


Binigyang-kahulugan naman ng mga netizens ang simpleng caption na isinulat nito sa ibinahagi niyang larawan nila ng ama.


Anila, “Hindi ba nakakasagap ng magandang hangin si Gerald kapag sila ni Julia ang magkasama?”


“Parang hindi na mainit ang pagmamahal ni Gerald sa girlfriend. Sa larawan, fresh na fresh si Ge…”


May nagtanong naman ng, “Magtatagal ba ang kanilang relasyon?”


“Mabuti pa ang mga exes ni Gerald na sina Kim, Maja, Sarah at Bea, masasaya na sa piling ng kani-kanilang minamahal.”


“Si Gerald, masaya nga ba sa piling ni Julia?”


Well, masaya naman siguro. Hindi nga ba’t nag-join pa si Julia sa Philippine Coast Guard Auxiliary na kinabibilangan ni Gerald?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page