top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 05, 2021


ree

Sa vlog ng kambal na former PBB housemates na sina Joj at Jai Agpangan, guest nila ang aktres na si Janella Salvador. May challenge silang ginawa, ang Drink or Spill.


Sa nasabing challenge, kapag nag-spill, kinakailangang sagutin nang totoo ang tanong.

Isa sa mga tanong nina Joj at Jai ay "Kumusta na kayo ni Julia Barretto?"


Nagkaroon kasi ng isyu nu'ng nagkapareha sina Janella at Joshua Garcia sa Killer Bride.


Mas may chemistry daw sina Janella at Joshua kesa sa girlfriend noon ng aktor na si Julia.


Naging dahilan pa nga raw 'yun kaya in-unfollow ni Julia ang JoshNella.


Ani Janella, "Sasagutin ko 'yan.... Honestly, 'di na kami nag-uusap ngayon and there was an issue before. 'Di ko na sasabihin kung ano, pero alam n'yo na 'yun."


Pahabol nito, "Pero nag-reach out siya nu'ng nalaman niyang buntis ako. Pinadalhan niya ako ng balloons. Nag-thank you ako, pero hindi na nag-progress ang friendship namin. Pero open naman ako in the future para we can patch up again... why not? But right now, hindi pa."

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 04, 2021



ree

Pumalag si Ben Tulfo sa socmed post ng It's Showtime host na si Vice Ganda tungkol sa Bible verse. May pinatatamaan daw kasi sa kanyang post si Vice na may panay daw ang pagbabasa ng Bibliya pero sumusuporta naman sa mga magnanakaw.


Mukhang tinablan si Ben sa sinabi ni Vice kaya siya nag-react. Sa show daw kasi niyang Bitag ay gumagamit sila ng Bible verse.


“Kami ho sa Bitag, nabubuhay po kami doon sa Bible verse na pinaninindigan ho namin. Hindi ho kami basta nagpo-post na hindi ho namin pinaniniwalaan ‘yun,” sey ng Bitag host.


Hindi raw dapat nilalahat ni Vice at dapat nililinaw daw nito ang sinasabi.


“Maraming tulad ni Vice at kanyang mga kung sinumang chiwariwariwap ang nagsasalita, siguro kasi, wala nang masabi sa kanilang mga palabas na walang katorya-torya, kaya pati itong ginagawa ho namin, nadadamay,” sambit pa ni Tulfo.


“Hindi lahat ng nagpo-post ng Bible verse, para lang sa sinasabing yabang, arte, chorva, hindi kami ganu’n, Vice," hirit pa ni Ben.


Tinawag pa niyang dilawan na balimbing si Vice dahil dati raw ay sinusuportahan nito si Pangulong Rodrigo Duterte, pero nagbago nang maipasara ang istasyon ng ABS-CBN.


Ano kaya ang masasabi rito ng Unkabogable Phenomenal Star?


We are hoping na makuhanan namin ng side ang TV host-comedian hinggil dito.


Samantala, matatandaang lumabas ang Bible verse post ni Vice pagkatapos ng interbyu ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel na Toni Talks kay Bongbong Marcos.


Viral ang interbyu ni Toni kay BBM dahil sa pagkaka-tackle nila sa Martial Law na hindi pinaboran ng mga netizens.


Kaya ang Bible verse na ipinost ni Vice ay in-assume ng mga netizens na para kay Toni. Pero, hindi nga nag-react si Toni, sa halip, si Ben Tulfo ang pumiyok.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 03, 2021



ree

Nagsukat na ng Darna costume si Jane de Leon.


Napaiyak ang aktres habang isinusukat ang kanyang costume dahil wala na siyang agam-agam ngayong matutuloy na ang kanyang paglipad.


Katunayan, malapit na silang mag-taping ng Darna series.


Sabi nga ni Jane sa interbyu ng TV Patrol kamakailan, “Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs. Imagine, nagwa-one rice a day lang ako. More on compound workouts ang ginagawa namin ni coach.”


Dagdag pa niya, “Kinikilig ako na excited na kinakabahan, sa totoo lang. Iba 'yung pakiramdam 'pag malapit na, kasi malapit na talaga kami magsimula.


“Mga Kapamilya, eto na po, magsisimula na po ang Darna. Hindi na ito prank, totoo na po ito. Kaya abangan po natin!”


Ibinahagi rin niya ang naramdaman nang sinukat na niya ang Darna costume.


“Grabe. Goosebumps. Naiyak ako. 'Yung feeling na inilalagay na sa akin 'yung headdress, grabe. Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page