top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 10, 2021



ree

Nag-file na ang mahusay na aktor na si Arjo Atayde ng kanyang kandidatura bilang representante ng Unang Distrito ng Quezon City.


Kasama ni Arjo ang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde nu'ng October 8 nang mag-file ng Certificate of Candidacy.


Independent candidate si Arjo. Wala siyang inaniban na kahit anong partylist.

Nangako naman si Arjo sa mga constituents na hinding-hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan.


Ayon sa aktor, “Pagsisilbihan ko nang tapat ang District 1 ng QC. Hindi ko lolokohin ang mga kababayan natin at hindi ako magnanakaw."


Nagbitaw din ng salita ang ina ng actor, “Suportado kita, anak. Kung papalarin kang manalo, magsilbi ka nang tapat at totoo. At ‘wag na ‘wag kang manloloko o magnanakaw dahil ‘pag ginawa mo ‘yun, ako mismo ang kakastigo sa iyo!”


Dagdag pa ni Sylvia, “Sasapakin ko si Arjo ‘pag nangurakot!” na tiyak gagawin ni Ibyang once na nalaman niyang kumukupit sa kaban ng bayan ang anak kapag pinalad na naupo ito sa Kongreso.


Anyway, edukasyon, pangkalusugan, trabaho, pagtulong sa mga frontliners ang pangunahing gustong tugunan ni Arjo.


At dahil matindi ang baha sa West Riverside, isa rin ito sa mga hahanapan niya ng lunas para masolusyunan.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 09, 2021



ree

Nabahala ang mga supporters at followers ni Maris Racal sa kanyang cryptic post nu'ng October 1 na “Kapoy...ubos na ubos...”


Agad namang nag-reach out ang kanyang mga fans at maging ang mga kapwa niya celebrities. All are hoping na sana raw ay okey lang ang singer at matapang nitong harapin kung anuman ang kanyang pinagdaraanan.


Isa na nga ang actress na si Kathryn Bernardo sa mga nagbigay ng comforting words sa young singer.


"Oh, no... Here for you Maris!!!”


Ang iba naman ay na-curious kung ano raw ba ang ibig sabihin ni Maris sa kanyang post.


Akala ng mga faney ay may kaugnayan sa love life ni Maris at ng boyfriend nitong si Rico Blanco ang kanyang pinagdaraanan.


Para naman hindi mabahala ang mga nagmamahal sa kanya ay nag-post muli si Maris, "OMG! Joke lang. Drama lang. MERON PA PALAAAA."


Ang post pala ni Maris ay patungkol sa kanyang bagong commercial na isang shampoo brand kung saan endorser din si Kathryn.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 08, 2021



ree

May collaboration vlog ang YouTube sensation na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad a.k.a. JaMill at ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.


Ang game sa collab nila na kanilang ginawa ay Never Have I,


Umpisa pa lang ng kanilang laro ay nagbabangayan na ang celebrity couple. Nagkukulitan sila tungkol sa tamang pag-inom ng alcohol.


Ayon kay Derek, dapat ay walang chaser, na kinontra naman ni Ellen.


Unang tanong ay tungkol sa dumi ng tao. Sino raw ang aksidenteng nadumi habang natutulog?


Si Derek ang unang sumagot, “Never, gising ako sa lahat ng dumi moments ko."


Sabad naman ng kanyang fiancée, “Pero may isang time, hindi mo lang alam na may dumi ka na pala."


Dagdag pa ni Ellen, “Chineck niya, tapos nilinis pa niya."


“UST ‘yun, utot sabay ta*,” walang pasintabing sabi ni Derek.


Ibinuko naman ni Derek ang fiancée.


“Always basag, nawala, ipinasagasa, binasag ng girlfriend,” sambit nito habang nakatingin kay Ellen.


Ibig sabihin ni Derek, binasag ni Ellen ang kanyang cellphone.


Agad namang niyakap ng aktor ang fiancée nang makitang iba na ang hitsura ng mukha nito.


Marami pang mga kulitang nangyari sa collaboration vlog ng controversial vloggers at ng celebrity couple.


Kaya lang, pansin ko lang, kahit ano palang lumabas sa bibig ni Derek ay hindi siya nandidiri.


Imagine, nasambit niya nang kaswal na kaswal ang ibig sabihin ng UST.


Actually, 'DUMI' na nga ang ginamit namin sa word na literally, ang sinabi nila ay "ta*".


Kaya kung sinuman ang nagbabasa ng kolum naming ito habang kumakain, pasintabi na lang po.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page