top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 27, 2021


ree

Umabot sa Batanes ang ilang volcanic debris mula sa isang pumutok na bulkan sa Japan.


Dahil dito ay pansamantalang ipinagbawal ng provincial government nitong Biyernes ang paglangoy at iba pang aktibidad sa Maydangeb Beach at Hohmoren Cove sa Batanes para maiwasan ang peligrong dulot ng volcanic debris na nakarating sa lugar. 


Batay sa impormasyon ng provincial government mula sa Phivolcs, ang pumice at volcanic ash ay nanggaling sa pumutok na Fukutoku-Okanoba Volcano sa Japan kamakailan. 


Maaari umanong maging sanhi ng abrasion at reduction of visibility sa dagat ang volcanic debris.


Inatasan na ni Batanes Gov. Marilou Cayco ang provincial environment and natural resources office para magsagawa ng coastal clean up sa dalampasigan ng Mahatao, Ivana at Uyugan.

 
 

ni Lolet Abania | September 16, 2021


ree

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Batanes ngayong Huwebes na nagkaroon na ng community transmission ng COVID-19 sa lalawigan matapos na apat na local residents na walang travel history ay tinamaan ng naturang sakit.


Sa Facebook post ng Batanes government, tatlong pasyente ay naka-isolate na sa Batanes General Hospital habang ang isang pasyente ay sumailalim sa quarantine sa Department of Agriculture-Batanes Experiment Station.


Ayon sa provincial government, nagsasagawa na ng intensive contact tracing para sa mga na-expose sa naturang pasyente.


“Dahil sila ay walang travel history, ito ay matuturing na kauna-unahang kaso ng community transmission sa probinsiya,” pahayag ng lokal na pamahalaan.


Bukod sa pagsunod sa minimum health standards, ipinaalala rin sa mga residente na ang mass gatherings at non-essential travels ay hindi pinapayagan.


Gayundin, ipinagbawal na rin ng Batanes government ang mga indibidwal na may comorbidity, menor-de-edad, senior citizens at buntis na lumabas ng kanilang bahay.


Naglagay na muli ang mga awtoridad ng checkpoints sa mga borders.


Ang Batanes ay minsan nang naitalang COVID-19-free, subalit hanggang nitong Setyembre 16, nai-record ang 20 kabuuang kumpirmadong kaso, kung saan apat ang active cases, walang nasawi at 17 ang nakarekober.


Maliban sa COVID-19, ang Batanes ay dumanas din ng pinsala dulot ng Bagyong Kiko.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 7, 2021


ree

Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang namataang tropical storm sa north northwest ng Itbayat, Batanes ngayong Sabado, alas-5:00 nang umaga, at pinangalanan itong Huaning, ayon sa PAGASA.


Kaninang 11:00 AM, naglabas ng tropical cyclone bulletins ang PAGASA para sa TS Huaning na may international name na Lupit.


Samantala, bandang alas-3 nang umaga, nang wala pa sa loob ng PAR ang TS Lupit, mabagal ang pagkilos nito at taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kph mula sa sentro nito at pagbugsong umaabot sa 80 kph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page