top of page
Search

ni VA @Sports | June 19, 2023



ree

Umalis na noong Sabado ang koponan ng Gilas Pilipinas Women patungong Melbourne, Australia upang sumabak sa FIBA Women's Asia Cup 2023.

Magmula sa kanilang naging preparasyon para sa nakaraang Southeast Asian Games sa Cambodia hanggang makabalik ng bansa, tuluy-tuloy ang ensayo ng koponan at nagpapapahinga lang kapag araw ng Linggo.

"Practice was good, we’re trying to improve ourselves every time, everyday and hopefully when we get to Australia we’ll be much better and ready for FIBA Asia," pahayag ni Gilas Women's head coach Pat Aquino na hangad na mabilis na makagamayan ni Filipino-American guard Vanessa de Jesus ang paglalaro sa team.

Si De Jesus na naglalaro para sa Duke University ay nag-commit na maglalaro sa Gilas Women's squad noong nakaraang linggo.


Inaasahang madadala nito ang kanyang winning experience gayundin ang relentlessness sa Gilas. Umaasa rin si Gilas Women coach Patrick Aquino na marami pang mai-engganyong mga Fil-Ams si De Jesus para maglaro sa national team.


"I got Vanessa for her talent and her intelligence about basketball and for a fact na maliit siya pero she has Filipino lineage. Mahirap nagna-naturalize ka na di masyado nating kilala ito lahi natin so talagang tuloy-tuloy yung pagrerepresenta puso yung ano natin," ayon kay Aquino.


Nagpahayag naman ng kanilang excitement na makalaro si De Jesus sina Gilas Women star center Jack Animam at Isa pang Filipino-American guard, Ella Fajardo.


"I'm excited. You know, I've seen her play in Duke, but I know she's a good player," wika ni Animam. "I'm just excited on what she can bring to the table, what she can bring to our team, especially her experience going against the best talents in the United States."


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 16, 2023



ree

Pitong koponan ang handa na para sa pagbubukas ng 2023 National Basketball League (NBL) President’s Cup ngayong Biyernes, Hunyo 16, sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City. Sasalubungin ng host DF Bulacan Stars ang hamon ng bisita Santa Rosa Laguna Lions sa nag-iisang laro simula ng 6 p.m.

Ang pitong kalahok ay inihati sa dalawang grupo kung saan nasa Grupo A ang Bulacan, Santa Rosa, CamSur Express at KBA Luid Kapampangan. Binubuo ang Grupo B ng 2022 Chairman’s Cup champion Taguig Generals, Tatak Gel Binan at Quezon City Stars.

Lalabanan ng mga koponan ang kanilang mga kasama sa grupo ng tig-isang beses at dalawang beses sa mga nasa kabilang grupo. Dahil dito, ang mga nasa Grupo A ay may siyam na laro habang tig-10 ang Grupo B.

Maagang paborito ang Generals at babalik ang karamihan ng mga manlalarong naging bahagi ng kampeonato noong Enero kontra sa La Union PAOwer. Kumuha ng liban ang PAOwer ngayong conference kaya lalong naging bukas ang pinto sa lahat na maagaw ang tropeo.

Nais ng Bulacan, Quezon City at CamSur na kalimutan ang nakaraan nilang kampanya at kunin ang unang titulo. Ang lalawigan ng Laguna ay kakatawanin hindi lang ng isa kundi dalawa nang koponan at ang mga beterano nila ay ibinahagi na sa Santa Rosa at Binan.

Ang Luid Kapampangan ay unang lumahok sa NBL Youth at ngayon ay aakyat na sa professional league. Ito ay tugmang-tugma sa sinumpaang layunin ng liga na tumuklas at humubog ng sarili nilang mga talento.

Magkakaroon ng payak na pambungad na palabas sa 5 p.m. na pangungunahan ni Gob. Daniel Fernando at mga opisyal ng lalawigan at NBL. Mapapanood ang mga laro sa Aliw 23 at sa Facebook at YouTube ng NBL.


 
 

ni Clyde Mariano @Sports | June 15, 2023



ree

Matapos matalo sa huli nilang tatlong laro, sa wakas nakaganti ang Blackwater Bossing at binawian ang Converge Fiberxers, 102-97 sa PBA Preseason on Tour sa Ynares Arena sa Pasig City kagabi.


Dikit ang laro at kinuha ng Bossing ang matamis na paghihiganti sa fourth quarter naungusan ang Fiberxers at napigilan ang pangalawang sunod na talo NANG yumuko sa North Port, 95-112.


“Natalo kami sa kanila tatlong sunod na laro. Ngayon nakaganti kami sa kanila,” sabi ni coach Ariel Vanguardia.


“Ang sabi ko sa kanila huwag isipin at kalimutan ang tatlong sunod na talo at i-focus ang kanilang attention laro at gawin ang lahat manalo. Ganoon ang ginawa nila. Ako’y natutuwa hindi kami nabigo at nanalo sa pang-apat namin pagharap. Sweet revenge sa amin,” wika ni Vanguardia.


Tinalo ng Converge ang Blackwater sa Commissioner’s Cup at dalawang beses sa Governors Cup. Ngayon nakaganti ang Bossing sa Fiberxers sa kanilang pang-apat na paghaharap sa tuwa ni coach Vanguardia at team owner Dioceldo Sy.


Pinilit at ginawa ang lahat ng Converge na manalo at mapanatili ang paggahari sa Blackwater. Subalit pinaghandaan sila ng Bossing at gustong makaganti sa tatlong sunod na pagkatalo.


Lumaban at gustong kunin ng Converge ang panalo at panatilihin ang kanilang pagdomina sa Blackwater Bossing. Subalit bumigay ang Fiberxers sa huli sa lungkot ni coach Alden Ayo.


Lumapit ang Converge sa 87-93 apat na minuto ang natitira. Subalit umarangkada ang Blackwater 100-89, at iposte ang panalo.


Kinuha ng Bossing ang bentahe sa first quarter, 21-19, sa huling shot ni Baser Amer.


Nakuha ng Fiberxers ang tempo ng kanilang laro at umiskor ng 6-0 run at kunin ang lamang, 25-21, at napanatili ang lamang, 43-39 gumawa ang Converge anim na tres tungo sa 47-44 halftime lead.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page