top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 30, 2023



ree

Mga laro ngayong Biyernes – Hagonoy Sports Complex, Taguig

4 p.m. Kapampangan vs. Biñan

6 p.m. Taguig vs. Santa Rosa


Dalawang koponang todo-ganado ang magsasalpukan ngayong Biyernes sa pagpapatuloy ng 2023 National Basketball League (NBL) President’s Cup sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig City. Sasalubungin ng Taguig Generals ang mga bisitang Santa Rosa Lions sa tampok na laro simula 6 p.m. at pareho silang naghahanap ng ikalawang sunod na panalo.

Galing ang Generals sa mahigpitang 104-99 tagumpay sa DF Bulacan Stars habang pinatid ng Lions ang kapit-bahay na Tatak Gel Binan, 86-79, na parehong ginanap noong Linggo sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex. Mag-uunahan ang dalawa na maging unang koponan na magkaroon ng dalawang panalo at hawakan ang maagang liderato ng liga.

Ipinamalas ng Generals ang porma na naghatid sa lungsod ng 2022 Chairman’s Cup at gumana ang mga maaasahang sina Dan Anthony Natividad, Edzel Galoy, Mike Jefferson Sampurna at Jonathan Lontoc. Malaking hamon ang manalo sa tahanan ng kalaro kaya mahalaga na matalas pa rin sina kapitan Jeff Disquitado, Gio Calacalsada, Jazzel Oliver Cardeno at 2019 MVP Shinichi Manacsa.

Sa unang laro, susubukan ng Biñan na bumawi sa pagkabigo sa Lions sa pagharap nila sa bagong koponan KBA Luid Kapampangan. Ang Luid ay kasapi rin ng NBL Youth at kinuha nila ang pagkakataon upang maiakyat sa pro league ang ilan sa kanilang mga manlalaro at piling beterano.

Ang tambalan nina Lhancer Angelo Khan at Bench de Jesus na parehong naglaro para sa kampeonato ng 2023 NBL Youth Under-21 noong Abril. Kumuha ang koponan ng mga may karanasan na sa kolehiyo at ibang liga sa lalawigan gaya nina Jerico Isidro, Cyrus Antiza, Mark Adrian Mallari, Mark Emmanuel Tungcul, Javine Serrano, Frank Oliver Yco at Christian Laurent Garcia.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 27, 2023



ree

Mga laro sa Biyernes – Hagonoy Sports Complex, Taguig

4:00 PM Kapampangan vs. Biñan

6:00 PM Taguig vs. Santa Rosa

Ibigay ang kauna-unahang Laguna Clasico sa Santa Rosa Lions matapos silang manaig sa bisitang Tatak Gel Biñan, 86-79, sa tampok na laro ng 2023 National Basketball League (NBL) President’s Cup Linggo ng gabi mula sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex.


Sa unang laro, nagpasikat ng maaga ang Taguig Generals at ibinagsak ang DF Bulacan Stars, 104-99.


Nagtapat ang mga minsan nang naging magkakampi sa mga dating koponan ng Laguna sa NBL subalit trabaho lang at umarangkada ang Lions, 9-0, at lumaki ito hanggang 49-29 sa second quarter. Hindi basta sumuko ang Biñan at nagawang lumapit ng tatlong puntos ng ilang beses, ang huli sa 77-80 at 3:40 sa orasan.


Mula roon ay umasa ang Santa Rosa sa mga pandiin na puntos nina Shawn Algire, Gio Calacalsada at John Lester Maurillo upang mapreserba ang tagumpay. Pumantay sa 1-1 ang kartada ng Lions at nakabangon mula sa 99-105 talo sa Bulacan noong unang araw ang liga noong Hunyo 16.


Napiling Best Player si Jazzele Oliver Cardeno na may 14 puntos habang may 13 si 2019 NBL MVP Shinichi Manacsa. Double-double si kapitan Jeff Disquitado na 11 puntos at 10 rebound.


Sumandal ang Taguig sa three-point play ni Edzel Galoy na ibinalik sa kanila ang lamang, 100-99, at 54 segundo sa orasan. Hindi na nakapuntos ang Bulacan at isinigurado ng Generals ang panalo mula sa free throw nina Dan Anthony Natividad, Galoy at Noel Santos.


Hinirang na Best Player si Natividad na nagsumite ng 22 puntos, 8 rebound at 7 assist. Sinuportahan siya nina Galoy at Mike Jefferson Sampurna na parehong may tig-16 puntos.




 
 

ni Clyde Mariano @Sports | June 24, 2023



ree

Sinilaban ng Phoenix LPG Fuel Masters ang Terrafirma Car Makers, 104-92, at inangkin ang pang apat na puwesto sa 3-3 at humiwalay sa Blackwater Bossing sa PBA Preseason on Tour sa Ynares Center sa Pasig kagabi.

Hindi nasiraan ng loob at naapektuhan sa pagkatalo sa NLEX, 95-112, kinontrol ang laro at kunin ang pangatlong panalo sa anim na laro at pigilin ang Terrafirma at kunin ang pangatlong sunod na panalo na nanalo sa NLEX at Meralco.

Pinamunuan ni J. Celda nang umiskor ng team high 19 points at nag-ambag si Chris Lalata ng 15 points at 8 rebounds sa panalo ng Phoenix at binalewala ang game 23 points, eight rebounds at four assists ni Terrafirma gunner dating UP Maroons Javier Gomez de Liano.

“Sabi ko sa kanila kalimutan ang pagkatalo sa NLEX at i-focus ang laro sa Terrafirma para masiguro ang panalo. Yan ang ginawa nila,” sabi ni coach Mike Jarin.

Hindi makalayo ang Phoenix sa first half at kumalas sa third period, 60-46, sa tres ni RJ Jazul at pinalobo, 72-56, sa driving lay-up na bihirang gamitin Larry Muyang tungo sa 81-67 third quarter lead.

Hindi pa nakuntento at muling nagpakawala ang Phoenix ng 93-77 midway sa fourth quarter, at napigilan ang dalawang sunod na talo matapos yumuko sa NLEX.

Nagawa ng Terrafirma na maibaba ang lamang ng Phoenix, 90-99, 1:19 natitira sa laro. Subalit naubusan ng oras ang Car Makers at nabigong makuha ang pangatlong sunod na panalo.

Panay ang balasa ni coach Johnedel Cardel ng kanyang mga manlalaro sa hangad makuha ang pangatlong sunod na panalo at umabante sa team standings. Subalit bigo ang Terrafirma coach at natalo ang Car Makers sa pamamagitan ng blowout.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page