top of page
Search

ni MC / VA @Sports | July 3, 2023



ree

Nagwagi ang Philippine men’s national basketball team kontra Ukrainian under-20 team, 70-61, sa Kaunas, Lithuania, noong Sabado ng gabi (Manila time) upang ipagatuloy ang pagpapalakas sa 2023 FIBA World Cup sa August.


Ang squad ay pinangungunahan nina Dwight Ramos, Justine Brownlee, Rhenz Abando, Kiefer Ravena, at June Mar Fajardo.


Nagawang makaungos ng Gilas kontra Ukraine sa unang taltong quarter bago tuluyang nagwagi sa 4th frame, at pinal na kunin ang panalo matapos matalo nang magkasunod sa kamay ng Estonia at Finland.


Pero matapos na pumoste ng kanilang unang panalo, hindi pa rin kuntento si Gilas mentor Chot Reyes sa naging laban sa Ukrainians.


"I was very pleased with how quickly we picked up the new things that we worked on yesterday in practice. But to be very honest, although we won this game, I still think there were a lot of defensive lapses,” saad ni Reyes sa panayam ng Samahang Basketbol ng

Pilipinas’ Carlo Pamintuan


“And If I were to rate it, I think this is the worst game that we played since the start. I know this is the game that we won, but I thought that there was a lot more to be desired,” dagdag ni Reyes.


Wala sa Gilas game na iyon sina Ginebra star Scottie Thompson at Meralco’s Chris Newsome dahil sa injuries kaya ipinasok ni Reyes ang player na naroon sa team. “But of course, we came in without our top two point guards so it was kind of understandable. But still, in our overall journey in the process, we focused on cutting down on our turnovers, not giving up offensive rebounds, and then being able to execute the defense that we worked on. I thought that we were able to do that.”


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 2, 2023



ree

Mga laro ngayong Linggo – Angeles University Foundation

4:30 p.m. Binan vs. Bulacan

6:30 PM Santa Rosa vs. Kapampangan


Nagpakilala ng mabuti ang KBA Luid Kapampangan sa makapigil-hiningang 100-98 pagtakas sa palaban na Tatak GEL Biñan sa pagpapatuloy ng 2023 National Basketball League (NBL) President’s Cup noong Biyernes sa Dueñas Gym sa Taguig City. Hindi nagpahuli ang Taguig Generals at umuwing masaya ang kanilang tagahanga matapos ng 98-84 panalo sa bisitang Santa Rosa Lions sa tampok na laro.

Ipinasok ni Jerico Isidro ang nagpapanalong buslo para sa Kapampangan na may limang segundo sa orasan. May pagkakataon pa ang Biñan subalit sinupalpal ni Christian Garcia ang tira ni Raymart Amil sabay ng huling busina.

Bago noon, tinabla ni Lhancer Khan ang laro sa kanyang free throw, 98-98, at 36 segundo ang nalalabi. Nagmintis ang pangalawang tira ni Khan upang buksan ang pinto para sa Biñan subalit nanaig ang depensa at nangyari ang milagro ni Isidro.

Nagtapos si Khan na may 27 puntos at napiling Best Player sa una niyang sabak sa pro-league matapos maglaro para sa kampeonato ng NBL Youth Under-21 noong Abril. Sumunod si Garcia na may 21.

Sumandal ang Generals sa kanilang baguhan Mark Edison Ordonez na nagpaulan ng limang three-points para sa 19 puntos at Best Player at maging unang koponan na may dalawang tagumpay. Lamang lang ng isa ang Taguig sa halftime, 47-46, ngunit isang mas mabangis na Generals ang lumabas para sa third quarter sa pamumuno ni Ordonez at sina Lerry John Mayo at Noel Santos upang tuluyang lumayo, 77-61, at hindi na nakapalag ang Lions.

Hahanapin ng Luid Kapampangan ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagbisita ng Santa Rosa ngayong Linggo sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City simula 6:30 ng gabi. Bago noon, maghaharap ang DF Bulacan Stars at Biñan sa 4:30 p.m.

Samantala, magbubukas ang 2023 NBL Youth Second Conference ngayong Hulyo 8. Gaganapin ito sa Jesus Is Lord Colleges Foundation Gym sa Bocaue, Bulacan.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | July 1, 2023



ree

SIiniguro ni coach Yeng Guiao hindi daranasin ng Rain or Shine ang pangalawang sunod na talo sa loob nang apat na araw matapos manalo ng apat na sunod na beses nang pinadapa ang Converge, 127-110, sa PBA Preseason on Tour sa Ynares Center sa Pasig City kagabi.


Masama ang loob sa unang talo sa Barangay Ginebra, 107-108, pinagbuntungan ng galit at pinaulanan ng baskets ang Fiberxers from all corners at iposte ang walang kahirap-hirap na panalo at panatilihin ang hawak sa pangalawang puwesto sa likuran ng wala pang talong Magnolia 7-0.


Ang blowout na panalo ang pangalawa sa pinakamalaki ng RoS. Tinalo ng Elasto Painters ang dating koponan ni Guiao NLEX Road Warriors hawak ni coach Frankie Lim, 117-88.


Pinangunahan ni Anton Asistio ang mainit na opensiba ng RoS na tumipa 20 points at nagambag sina Shaun Ildefonso 19, Rey Nambatac 17, Glen Mamuyac 13 at Leonard Santillan 10.


Tatlong beses lumamang ang RoS ng 23 points sa second quarter at ang huli, 63-40, sa tres ni Anton Asistio tungo sa 65-46 halftime lead.


Pinalobo ng RoS ang lamang 86-59 at 94-65 on the way sa 98-72 lamang sa third period.


Sigurado at wala nang duda sa panalo, nakipagpalitan ang Elasto Painters sa Fiberxers ng basket for basket hanggang sa matapos ang one sided na laro.


Pamali-mali ang laro at maraming sablay at turnovers ang Converge ang dahilan ng kanilang pagkatalo sa RoS at sumadsad ang Fiberxers sa kartadang 1-4. “I’m elated to the outcome of the game. Gustong manalo at kalimutan ang pagkatalo sa Ginebra. Our offense and defense were in place,” sabi ni Guiao.


Ginawa lahat ng Fiberxers na kunin ang panalo, subalit ang kanilang pagsusumikap ay hindi sapat para pigilan ang nagwawalang Elasto Painters. “We tried to save the game.

Ngunit hindi namin magawa. Our efforts were not enough to give us the win. It’s quite frustrating and disappointing,” malungkot sinabi ni coach Alden Ayo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page