top of page
Search

ni Clyde Mariano / MC @Sports | October 18, 2023


ree


Muling babalik sa hardcourt ang PBA players sa 2023-24 Commissioner’s Cup sa Nob. 5 sa Smart Araneta Coliseum.


Maghaharap sa lone game ang Talk ‘N Text at Magnolia ng 7 pm matapos ang 5 pm opening ceremonies na dadaluhan ng mga top honchos sa PBA na sina Chairman Ricky Vargas, Commissioner Willie Marcial at mga Governors ng 12 participating teams.


The 48th season of PBA is expected to carry the same aura of excitement that characterized the league in the past,” sabi ni Marcial sa press conference sa Diamond Hotel.


Apat ang provincial games na gagawin sa Quezon, Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa Misamis Oriental. Sisimulan ng defending champion Barangay Ginebra Kings ang title retention campaign sa Nov.17 laban sa Converge.


Muling maghaharap ang bitter rival Kings at TNT sa Dis. 25 Christmas Day sa Big Dome. Pero sa panig ng Kings ay maghahanap muna sila ng kapalit na import ni Justin Brownlee.


"As of now, naghahanap kami ng replacement just in case,” ayon kay Team governor Alfrancis Chua.“Hindi namin alam kung too late na but if we’re just gonna wait and biglang ibagsak sa amin ‘yung bomba, mawawalan naman kami ng import," hinggil sa magiging resulta ng B sample sa Asiad.


Nasa bakasyon si Brownlee sa Atlanta habang si coach Tim Cone sa Oregon. Dalawang koponan din ang idaragdag sa liga bukod sa Ginebra San Miguel, Blackwater, Converge, Magnolia, Meralco, NLEX, Northport, Phoenix Super LPG, Rain or Shine, San Miguel, Terrafirma, at San Miguel.


Ayon naman kay TV5 President Guido Zaballero isasaere ng live ang mga laro sa Zoe TV at ABS-CBN. Tatagal ang elimination round ng tatlong buwan at ang huling laro ay sa Enero 14 sa Philsports Arena tampok ang laro ng Converge at Rain or Shine ng 3 pm. at TNT laban sa Phoenix ng 6:15 pm.


Ang walong koponan na papasok sa quarterfinals at ang top four teams ay may twice-to-beat advantage. Ang semifinals ay best-of-five at ang finals ay



 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | October 16, 2023



ree

Mga laro sa Miyerkules – MOA

10 a.m. UST vs. ADMU

12 p.m. UE vs. NU

2 p.m. FEU vs. AdU

4 p.m. DLSU vs. UP


Dumaan sa malaking pagsubok ang National University bago iligpit ang De La Salle University sa overtime, 80-77 sa pagpapatuloy ng 86th UAAP Linggo sa MOA Arena.

Dahil dito, napunta sa Bulldogs ang solong pangalawang puwesto na may 4-1 panalo-talo at isa lang ang hahabulin sa nangungunang University of the Philippines na 5-0.

Bumida sa overtime si kapitan Patrick Wilson Yu na tumira ng tres at sinundan agad ng buslo na nagtayo ng 74-69 lamang sa last two minutes.

Nagbanta na may 14 segundong nalalabi ang DLSU sa magkasunod na shoot nina Mark Nonoy at Michael Phillips, 74-77, subalit inihatid ng dating Green Archer Donn Lim ang mukhang pandiin na puntos, 79-74.

Sa nakakahilong pagtatapos, bumira ng tres si Evan Nelle, 77-79, at isang free throw lang ang naipasok ni Kean Baclaan upang manatiling bukas ang pinto para sa DLSU at 1.3 segundo para makahanap ng milagro. Ibinato ni Nonoy ang bola ang nanatili ang panalo sa Bulldogs.

Ipinilit ni Jake Figueroa ang overtime sa kanyang three-points, 67-67. May pagkakataon ang Green Archers pero nagmintis ng dalawang free throw si Phillips na may 12 segundo sa orasan at hindi rin pumasok ang tres ni Cyrus Austria sabay ng busina.

Sa pangalawang laro, nag-iwan ng mas maraming lakas ang Adamson University upang masugpo ang host University of the East, 72-65. Hindi nagpatawad ang depensa ng Falcons at halos hindi pinapuntos ang Warriors sa huling apat na minuto. Nagtala din ng 13 puntos si Matthew Montebon kasama ang mga pandiin na shoot na nagpaakyat ng kartada ng Falcons sa 3-2 habang bumaba sa sa 2-3 ang Warriors.



 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | October 16, 2023



ree

Mga laro ngayong Martes – FilOil EcoOil

2 p.m. UPHSD vs. SBU

4 p.m. LPU vs. JRU


Lalong ibinaon ng University of Perpetual Help System Dalta ang defending champion Colegio de San Juan de Letran sa ilalim ng 99th NCAA, 74-59, sa aksyon kahapon sa FilOil EcoOil Centre. Ito na ang pinakamalaking talo at ika-pitong sunod para sa Knights matapos maghari sa liga sa huling tatlong torneo.

Kumilos ang Altas sa second half kung saan ibinaligtad nila ang 25-21 bentahe ng Letran at lumamang, 44-39. Tuluyang bumigay ang Knights at hindi napigilan ang arangkada ng Altas na nanalo ng dalawang magkasunod sa unang pagkakataon at umangat sa 3-4 panalo-talo.

Bumida sa Perpetual si Artur Roque na may 22 puntos mula sa anim na tres at 11 rebound. Nag-ambag ng tig-12 puntos sina Jielo Razon at Christian Pagaran.

Sa unang laro, itinala ng San Sebastian College ang 86-70 tagumpay sa Emilio Aguinaldo College. Ito lang ang pangatlong panalo ng Stags sa pitong laro habang nahila pababa ang Generals sa 4-3.

Humugot ang Stags na malupit na numero mula kay Raymart Escobido na may 23 puntos sa 24 minuto. Sumunod si sentro Jessie Sumoda na may 14 puntos at 10 rebound habang gumawa ng 13 si James Una na pinakamataas niya ngayong taon.

Samantala, isinara ng College of Saint Benilde ang linggo sa 72-66 panalo kontra sa nanghihinang Arellano University. Lumikha ang Blazers ng tabla sa 4-3 kasama ang EAC at ang nagpapahingang host Jose Rizal University para sa ika-apat na puwesto.

Patuloy ang mainit na porma ni Miguel Oczon at bumira ng 16 puntos para patibayin ang hawak sa liderato ng NCAA sa paramihan ng puntos.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page