top of page
Search

ni Clyde Mariano @Sports | May 31, 2024



Sports Photo
File photo: PBA

It's judgement day sa Barangay Ginebra Kings at Meralco Bolts. Sino sa kanila ang lalaban sa defending PBA Philippine Cup champion San Miguel Beermen sa best-of-seven title series.


Malalaman at matutuldukan ang katanungang ito ngayong Biyernes kung saan maghaharap ang Kings at Bolts sa sudden death Game 7 na gagawin sa San Jose, Batangas sa lalawigan ni PBA Commissioner Willie Marcial.


Nakatakda ang sagupaan ng 7:30 pm sa larong “game of survival” at kapwa determinado ang Kings at Bolts na manalo at labanan ang well-rested SMB. Kinuha ng Beermen ang unang final seat nang walisin ang Rain or Shine 4-0.


Iisa ang ambisyon at pangarap nina coach Tim Cone at ang kanyang bagitong counterpart na si Luigi Trillo na manalo at pumasok sa title picture kontra sa top seed SMB.


Sa laro ay nakasalalay ang pride ni Cone laban sa kulang sa karanasan at bagitong si Trillo. Hindi makakapayag ang veteran at certified achiever ng Kings na matalo kay Trillo. Dalawang beses na tinalo ni Cone ang Meralco sa finals noong si Norman Black pa ang coach ng Bolts.


Sa kabila nang natalo sa Game 6 ay naipilit ng Meralco ang “do or die” Game 7, lamang ang Barangay sa Meralco ng man-to-man at nasa kanila ang twin towers na sina Japeth Aguilar at Christian Standardinger.


Hindi lang lamang sa tao, lamang si Cone kay Trillo sa “battle of the mine”,  mahaba ang karanasan ng 66-year old veteran American mentor na taga- Oregon state at siya ang may pinakamaraming PBA titles na napanalunan -25, kasama ang dalawang grandslam at target ang 26th crown.


Sikat at popular ang Barangay Ginebra sa Batangas at paborito ng mga Batangueno na inumin ang Gin kung saan sa nasabing lalawigan nanggagaling ang lambanog at dito umaangkat ang Barangay Ginebra. 


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 30, 2024



Sports Photo
Photo: Minnesota Timberwolves

Laro sa Biyernes – Target Center

8:30 a.m. Dallas vs. Minnesota 


Buhay na buhay pa rin ang kampanya ng Minnesota!  Ginulat ng bisitang Timberwolves ang namumurong Dallas Mavericks, 105-100, sa Game 4 ng 2024 NBA Western Conference Finals kahapon sa American Airlines Center at maiwasang mawalis sa seryeng best-of-seven. 


Sinamahan ni Anthony Edwards ng gawa ang kanyang pananalita at muntikan na magtala ng triple double na 29 puntos, 10 rebound at siyam na assist. Tinulungan siya ni Karl Anthony Towns na may 10 ng kanyang 25 sa huling quarter habang may 14 at 7 assist si Mike Conley. 


Nasayang ang triple double ni Luka Doncic na 28 puntos, 15 rebound at 10 assist. Nalimitahan si Kyrie Irving sa 16 puntos lang at malaking bagay din ang pagliban ni sentro Dereck Lively II na nagpapagaling ng tama sa leeg noong Game 3. 


Bumanat ng magkasunod na 3-points sina Towns at Edwards upang mahablot ang bentahe, 95-90, at hindi na nila ito binitawan sa nalalabing limang minuto. Tumira ng tres si Doncic bilang huling hirit ng Dallas, 100-103, subalit sinagot ito ng shoot ni Sixth Man of the Year Naz Reid para itakda ang huling iskor na may 11 segundo pa sa orasan. 


Uuwi na ang Timberwolves para sa Game 5 sa Biyernes sa Target Center. Nakuha ng Mavs ang Game 1 (108-105) at 2 (109-108) kaya bawal magkamali ang Minnesota at maglaro ng perpekto. 


Naghihintay sa magtatagumpay sa West ang Eastern Conference champion Boston Celtics na maagang tinapos ang Indiana Pacers, 4-0. Kahit anong mangyari sa West, ang 2024 NBA Finals ay magsisimula sa Hunyo 7 sa tahanan ng Celtics TD Garden. 

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 29, 2024



Sports Photo
Photo: Boston Celtics

Laro ngayong Miyerkules – American Airlines Center

8:30 a.m. Minnesota T'wolves vs Dallas Mavericks 


Balik sa NBA Finals ang Boston Celtics matapos ang mahigpitang 105-102 panalo sa Indiana Pacers sa Eastern Conference Finals Game 4 kahapon sa Gainbridge Fieldhouse.  Winalis ng Celtics ang seryeng best-of-seven, 4-0, at hahanapin na ang ika-18 kampeonato sa kanilang mayamang kasaysayan. 


Bumira ng 3-points mula sa kanto si Derrick White na may 45 segundong nalalabi upang wasakin ang 102-102 tabla at tuldukan ang kanilang paghabol mula sa 85-94 sa huling siyam na minuto.  Mula roon ay ginamit ng Boston ang kanilang malupit na depensa upang masigurado ang resulta. 


Nagtapos na may 29 puntos si Jaylen Brown at siya ang napiling MVP ng serye.  Sumuporta si Jayson Tatum na may 26 at 13 rebound habang nag-ambag ng 17 ang bayani ng Game Three Jrue Holiday. Namuno sa Indiana si Andrew Nembhard na may 26 at 13 assist subalit hindi natakpan ang patuloy na pagliban ni Tyrese Haliburton.  Sumunod si Pascal Siakam na may 19 at 10 rebound. 


Samantala, nagluluksa ang NBA sa pagpanaw ng alamat Bill Walton sa edad na 71 dahil sa kanser.  Dumalaw sa bansa si Walton noong 1979 upang gumawa ng dokumentaryo tungkol sa Philippine Eagle. 


Naging bahagi ang 6’11” sentro ng mga kampeonato ng Portland noong 1977 at Boston noong 1986 kung saan kakampi niya si Pacers Coach Rick Carlisle.  Si Walton din ang 1978 MVP, 1986 Sixth Man, nahalal sa Hall of Fame noong 1993 at kasama sa NBA 50th at 75th Anniversary Team. 


Naglaro siya sa Trail Blazers, Clippers at Celtics mula 1974 hanggang 1987 subalit naging kaliwa’t kanan ang kanyang mga pilay kaya 468 beses lang siya nakalaro at nagtala ng 13.3 puntos at 12.5 rebound.  Pagretiro niya ay naging komentarista siya sa telebisyon.  

 
 
RECOMMENDED
bottom of page