top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 7, 2024



Sports Photo

Laro ngayong Biyernes – TD Garden

8:30 AM Dallas vs. Boston


Papasok na mabigat na paborito ang Boston Celtics laban sa bisitang Dallas Mavericks sa Game One ng 2024 NBA Finals best-of-seven ngayong araw sa TD Garden simula 8:30 ng umaga. Hahanapin ng Boston ang ika-18 kampeonato sa kanilang mayamang kasaysayan at una mula pa ang huli noong 2008. 


Nakatutok ang pansin sa mga tambalang bituin Jayson Tatum at Jaylen Brown ng Celtics at Luka Doncic at Kyrie Irving ng Mavs. Sa apat, tanging si Irving lang ang may kampeonato noong 2016 para sa Cleveland Cavaliers.


Nakapaglaro rin si Irving sa Celtics mula 2017 hanggang 2019 kung saan nagsilbi siyang kuya sa mga noon ay mga baguhang sina Tatum at Brown. Ngayon, ang hindi niya naihatid na tropeo sa Boston ay dadalhin sa Dallas na ang nag-iisang kampeonato ay natamasa noong 2011 kung saan manlalaro pa nila ang kasalukuyang Coach Jason Kidd. 


Napipisil na mabubura ng mga superstar ang bawat isa.  Malaki ang ambag na puntos ngayong playoffs nina Tatum (26.0) at Brown (25.0) at Doncic (28.8) at Irving (22.8) kaya lilipat ang laban sa pagalingan ng iba pang kakampi. 


Mahalaga na umangat para sa Celtics sina Derrick White, Jrue Holiday at ang babalik na galing sa lampas isang buwan na pilay na si Kristaps Porzingis. Kokontrahin ito nina PJ Washington, Derrick Jones Jr. at Daniel Gafford. 


Ngayong playoffs, 6-2 ang kartada ng Celtics sa kanilang tahanan patungo sa pagbura sa Miami Heat, Cleveland Cavaliers at Indiana Pacers. Ang Mavs ay 7-2 kapag sila ang bisita, malaking dahilan kaya ginulat nila ang mga mas mataas na kalaro LA Clippers, Oklahoma City Thunder at Minnesota Timberwolves. 


Ang Game 2 ay nakatakda sa Lunes sa Boston pa rin. Lilipat ang serye sa American Airlines Center sa Dallas para sa Game 3 sa Hunyo 13 at Game Four sa 15.  


 
 

ni Clyde Mariano @Sports | June 6, 2024



Sports Photo


Kinuryente ng Meralco Bolts si JuneMar Fajardo ng San Miguel Beermen para hindi ito makaporma mula sa umpisa pa lamang ng laro at padapain sa  93-86 sa PBA Philippine Cup Game 1 final kagabi na ikinatuwa ni coach Luigi Trillo sa Araneta Coliseum.  


Umarangkada sa 79-75 ang Bolts  nang dumale ng 3 si Bong Quinto sa huling 8 minuto ng 4th quarter. Lumayo pa sa 10 puntos ang lamang ng Bolts 85-81. Ganado pa si Chris Newsome sa 87-81. Kumamada ng tig-18 puntos sina Banchero at Newsome habang 15 puntos si Allein Maliksi. Pumangatlo si Marcio Lassiter sa 3 point shooter ng PBA kung saan una si Jimmy Alapag.   


Pumasok ang 2nd half 51-44 na  lamang ng Beermen. Dumikit sa 50-51 ang Bolts sa 2 ni Newsome. Lamang sa 53-57 ang Bolts sa pukol na 3 ni Bong Quinto. 64-all sa 3.51 na nalalabing minuto ng 3rd quarter, pero isinara ni Perez sa 72-70 ang peryodo. 


Pagpasok sa 2nd quarter ay abante pa rin sa 24-21 ang Beermen sa patuloy na laro ni Don Trollano, naipatas pa ni Chris Banchero ng Bolts sa 28-28, inilayo pa ni Jeron Teng ng SMB sa 35-28  sa huling 6 na minuto. Pero nagawang idikit ni Cliff Hodge sa 37-42 ang iskor sa huling 3.15 minuto. Na-personal foul pa rito si CJ Perez  dahil sa pagkakatuhod sa tiyan ni Hodge. 


Bagamat lumamang sa 13-9 ang Beermen sa first quarter ay 3 ulit na binutata ni Brandon Bates ang tangkang basket ni Don Trollano.  


Unang inanunsiyo ni PBA Commissioner Willie Marcial na pumayag na ang PBA board sa pino-propose niyang 'unlimited height ng players sa Commissioner's Cup sa second conference. 

 
 

ni MC @Sports | June 5, 2024



Gilas Pilipinas U-18

Nalagay sa bracket Group B ang  49th-ranked Philippines sa Gilas Pilipinas U-18 kasama ang No. 86 Lebanon, No. 51 Syria at No. 96 Maldives, Group A ay ang no. 66 Iran, No. 48 Samoa, No. 73 Hong Kong at No. 100 Kyrgyzstan.


Makakasagupa ng Gilas ang Maldives sa June 24, Lebanon sa June 25 at ang Syria sa June 26. Ito ay nang mawalis nila sa FIBA Under-18 Women’s Asia Cup SEABA Qualifiers recently ang lahat ng laro at manatili sa   Division A status. 


Ipinakita ang pinakamahusay na performance sa Ratchaburi, ang Philippine squad na ginabayan ni Julie Amos ay tinalo ang host Thailand 103-58, Malaysia 100-68, at Indonesia 73-37. "Winning it all in SEABA means a lot to us,” ani Amos. “We really wanted to qualify to the FIBA Asia Division B, and for us to be there we have to win against the host country Thailand, Malaysia and Indonesia.”


“We prepared every game with a championship game mentality. They worked hard together and played like a solid  team in every game. I think that’s one reason why the girls enjoyed playing together because everybody is willing to sacrifice for each other.”


 “Our success in the Thailand FIBA Qualifiers means a lot to us, in showing that this team has big potential at making a great run in the FIBA Asian Championships coming up in China,” ani Ava Fajardo isa sa Gilas women's top gunner.


Ang opening victory kontra Thailand ang nakatulong sa Filipinas sa FIBA U18 Women’s Asia Cup Division B tournament sa Shenzhen, China sa June 24 to 30.  “It was an impressive run by the girls showing what they are capable of,” ani Gilas Women coach at U18 consultant Patrick Aquino.  Ang rest day ay sa June 27, at ang classification at qualification, semifinals at final phase ay sa June 28 to 30. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page