top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 18, 2024



Sports News

Laro ngayong Huwebes – Etihad Arena

12:00 AM USA vs. Serbia 


Nagising sa tamang oras ang Team USA at napigil ang huling paghabol ng Australia, 98-92 sa simula ng USA Basketball Showcase kahapon sa Etihad Arena ng Abu Dhabi. Ang laro ay bahagi ng paghahanda ng dalawang bansa para sa Paris 2024 Olympics ngayong buwan. 


Mula sa huling tabla na 19-19 ay bumuhos ng 13-2 ang mga Amerikano upang isara ang unang quarter 32-21. Kontrolado nila ang laro hanggang biglang humabol ang Boomers sa 4th quarter at unti-unting umangat sa 61-78 butas. 


Naging apat na lang ang agwat matapos ang three-point play ni sentro Jock Landale, 90-94, at 9 na segundo sa orasan. Isinalba ni Devin Booker ang USA sa apat na free throw at naubusan ng oras ang Australia. 


Nanguna sa mga Amerikano si Anthony Davis na may 17 puntos at 14 rebound bilang reserba habang ang isa pang reserbang si Booker ay may 16. Inilipat ni Coach Steve Kerr si Anthony Edwards sa first five at agad nagbagsak ng 14 habang 14 din si Joel Embiid. 


Nagtapos na may 20 si Landale habang nag-ambag ng 17 si Josh Giddey.  Haharapin ng Boomers ang Serbia ngayong araw sa parehong palaruan. Maghaharap din ang USA at Serbia sa Huwebes. Hindi naglaro sina Kevin Durant na binabantayan ang kalusugan at Derrick White na nagsasanay pa bilang pinakabagong kasapi ng koponan kapalit ng nagpapagaling na si Kawhi Leonard. 


Pagkatapos ng Abu Dhabi ay tutuloy ang mga Amerikano sa London para tapatan ang Timog Sudan at 2023 FIBA World Cup kampeon Alemanya bago pumunta ng Pransiya.  Nabunot ang USA, Serbia, Timog Sudan at Puerto Rico sa Grupo C ng Olympics habang ang Australia ay nalagay sa Grupo A kasama ang Canada, Espanya at Gresya. 

 
 

ni MC @Sports | July 16, 2024



Sports News

Tuloy na pinauga ng NorthPort Batang Pier ang kanilang lineup matapos ang 2nd round ng 2024 PBA Rookie Draft kahapon. Naipasok si Zav Lucero sa Magnolia Hotshots at si Ben Adamos sa Barangay Ginebra San Miguel sa isang hiwalay na deals.


Kapalit ng mga young bigs, tinanggap ng NorthPort si veteran guard Jio Jalalon maging ang bihirang gamitin na si Abu Tratter ng Magnolia, habang balik din sa Batang Pier si Sidney Onwubere mula sa Ginebra.


Aprubado umano ang trade ng PBA. Si Jalalon ayon sa NorthPort ay beteranong gagabay sa mas batang squad maging si Onwubere. Samantala, ang foot-5 na si Tratter ay may 4.8 markers, 3.0 boards, at 0.4 assists pero limitado si Onwubere sa 3.3 points, 3.3 rebounds, at 0.6 assists per contest.


Kinuha ng Hotshots si Lucero -- dating standout ng University of the Philippines -- matapos pumoste ng averages 12.1 points, 5.4 rebounds, at 2.0 assists para sa Terrafirma Dyip team sa unang taon sa PBA.


Nagpatuloy pa rin ang Barangay Ginebra San Miguel sa pagpapalit ng roster. Muling nakipag-trade ang Tim Cone-coached squad sa TerraFirma Dyip at inilipat ang 2024 PBA Rookie Draft second-round selections na sina Didat Hanapi at Paolo Hernandez ayon sa isang source ng ABS-CBN News.


Kapalit nila ang Dyip's Season 50 second-round pick. Ang 6-foot-2 na si Hanapi ay naglaro sa Adamson University noong college. Si Hernandez ay isa sa main weapons ng Mapua University. Inaasahan silang makakasama ni 10th overall pick Mark Nonoy, second-round pick CJ Catapusan, at third-round draftee Peter Alfaro.


Ito ang second trade ng dalawang koponan sa loob ng 3 araw nang unang kunin ng Kings si Stephen Holt, Isaac Go, at eventual third-overall pick RJ Abarrientos kapalit nina Christian Standhardinger, Stanley Pringle, at Nonoy. Pending pa ang approval ng trade sa liga, nanatili sa Gins sina Abarrientos at third-round pick Paul Garcia bilang rookies sa lineup.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 16, 2024



Sports News


Laro ngayong Miyerkules – Xinzhuang Gym 5:00 PM Strong Group vs. Malaysia



Nasubukan sa unang pagkakataon ang Strong Group Athletics at tinakasan ang Ukraine, 82-74, sa ikatlong araw ng 2024 William Jones Cup Lunes ng gabi sa Xinzhuang Gym ng New Taipei City.


Naging bayani muli si Chris McCullough sa last two minutes at inihatid ang kanilang pangatlong panalo sa tatlong laro. Bumira si McCullough ng three-point play, tres at isang free throw upang maagaw ang bentahe at lumayo, 77-72, at 52 segundo sa orasan.


Humirit ng shoot ang Ukraine pero isinigurado ng mga free throw nina Jordan Heading at Keifer Ravena ang resulta. Nakaiwas ang SGA sa disgrasya at sinimulan ng mga Ukrainian ang second half sa 11-0 upang lumamang, 52-43.


Nagising ang mga Pinoy at lumapit papasok sa huling quarter, 54-56. Sinimulan ni Heading ang laban sa pagbuhos ng 18 ng kanyang kabuuang 24 puntos sa unang quarter at umabante ang SGA, 27-21. Tinapos ni McCullough ang trabaho sa 13 ng kanyang 28 sa huling quarter habang itinala ni Ravena ang lahat ng kanyang 10 sa parehong quarter.


Nanguna sa Ukraine si Anatoliy Shundel na may 17 puntos at Rostyslav Novitskyi na may 12 at walong rebound. Ang Ukraine ay #36 sa FIBA Ranking, isang antas ang lamang sa #37 Gilas Pilipinas. Liliban ang SGA ngayong Martes at babalik sa Miyerkules kontra sa parehong walang-talo Malaysia simula 5:00 ng hapon.


Sa ibang resulta kahapon, umangat ang Malaysia sa 2-0 at tinalo ang United Arab Emirates, 83-70, habang wagi rin ang Japan Under-22 sa Brisbane South Basketball League Guardians ng Australia, 76-65.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page