top of page
Search

ni Rey Joble @Sports News | September 11, 2024



Sports Photo

Maraming kumukuwestiyon sa kakayanan ng Barangay Ginebra na maibalik ang korona ng PBA Governors’ Cup, isang torneo kung saan maraming beses na nila itong napanalunan. Dalawang season ang nakararaan, nalasap ni Justin Brownlee ang kauna-unahang kabiguan sa finals kung saan tinalo siya ni Rondae Hollis-Jefferson at TNT Tropang Giga.


Sa kanyang muling pagtuntong sa PBA, pinangunahan ni Brownlee ang pagbabalik sa porma ng Barangay Ginebra at nitong Martes sa Ninoy Aquino Stadium, ipinoste ng Gin Kings ang 112-98 panalo kontra sa sumisiglang Blackwater.


Triple-double performance ang ipinamalas noong nakaraang laro habang nakapagtala na rin siya ng kanyang career-high na 51 puntos noong Agosto 27 sa 108-102 panalo kontra sister team San Miguel Beer si Brownlee.


Laban sa Blackwater, muling nasukat ang kakayanan ng six-time PBA champion at two-time Best Import kontra sa George King at mga Bossing. Si King ang dahilan sa muling pagsingasing ng Blackwater sa kampanya kung saan pinamunuan niya ang Bossing sa tatlong sunod na panalo kabilang na ang pagtambak sa NLEX Road Warriors, 110-99, noong Biyernes.


Sa laban kontra Gin Kings, dalawang assists na lang ang kinulang sa pagtala ng triple-double performance kung saan may 21 puntos, 11 rebounds at walong assists ang dating NBA player.


Pero mas nanaig ang Ginebra kung saan mas nangibabaw ang tulong ng mga kakampi ni Brownlee, na tumapos na may 20 puntos at 9 na rebounds. Namayani para sa Gin Kings si Scottie Thompson, na kumubra ng sarili niyang triple-double na laro.


Ang dating Most Valuable Player na dinapuan ng katakot-takot na injuries sa nakalipas na dalawang seasons, ay unti-unting nagbabalik ang lakas at kontra Blackwater, ipinakita ni Thompson kung sino ang tunay na Bossing sa hard court kung saan nagposte siya ng mga numero na 21 puntos, 11 assists at 10 rebounds.


“I think Scottie is playing about 85-90 percent right now. He’s not fully 100-percent,” ang sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone. “We have to be careful with him at practice and we want to make sure we don’t wear him out.” “We kinda handle with kid gloves as much as we can. If you call 39 minutes with kid gloves, we’re trying as much as we can, but he’s just too important to what we do and how we do it.”

 
 

ni Rey Joble @Sports | September 10, 2024



Showbiz News

Gaya ng nakagawian, rumesponde si Jayson Castro para bitbitin ang TNT sa nakakakabang 98-91 panalo kontra Converge sa PBA Governors’ Cup nitong Linggo ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium.


Sa halos buong karera ng kanyang paglalaro para sa Tropang Giga, si Castro ang siyang tagasalba ng koponan sa walong beses na kampeonato sa liga, pero muling kinailangan ng mga mas batang kakampi ang gabay ng batikang beterano na nagpakawala ng mga importanteng plays sa krusyal na bahagi ng laro.


Nagpakawala ng importanteng three-point shot si Castro sa gitna ng rumaragasang paghahabol ng FiberXers. Nalusaw ang malaking kalamangan ng Tropang Giga kung saan nakita nilang nakalapit ang FiberXers sa dalawang puntos, 93-91, matapos ang jump shot ni Deshon Winston may 1:29 pa ang natitira sa laban.


Dito na pumagitna si Castro kung saan pinakawalaan niya ang three-point shot para makahinga ng mas maluwag ang TNT, 96-91. Matapos sumablay pagbalik sa opensa ang FiberXers, hindi nagaksaya ang Tropang Giga para igarantiya ang panalo kung saan ang putback ni Calvin Oftana mula sa sablay na tira ng kanilang import na si Rondae Hollis-Jefferson ang siyang sumelyo sa panalo ng Tropang Giga.


Matamis ang tagumpay na nakumpleto ng TNT kontra Converge kung saan dinagit ng huli ang Tropang Giga sa una nilang sultada sa pamamagitan ng game-winning four-point shot ni Scotty Hopson, 96-95, noong Agosto 27. Sinigurado ng mga bataan ni coach Chot Reyes na natuto na sila sa mapait na karanasan.


“I told them this was the exact situation where in last time we played Converge, we were up big and then we allowed Converge to stick around and win the game in the end,” ang sabi ni Reyes. “So we talked about how well we have to defend in the second half. Credit to them (players), they made some good adjustments in the second half, particularly in the third quarter.”


“But just like we expected, they came back. They have a very good team over there, very well-coached. So when they made a run, all we talked about was to expect this. We’ve been there before. We just had to make sure we execute when we needed to execute.”

 
 

ni Clyde Mariano @Sports News | September 9, 2024



Sports Photo

Walang awang pinulbos ng NorthPort Batang Pier ang naghihirap na Terrafirma Dyip nang ipalasap sa perennial tail-ender Car Makers at pang-anim sunod na kabiguan, 133-107, sa PBA 49th Season Governors Cup sa Ninoy Aquino Stadium.


Ang 133 total points ang pinakamalaki nang higitan ang 124 score ng Rain or Shine laban sa NLEX. “We controlled the ball. We connected shots from all angles. All of us played key roles. We have to sustain this game in our next games,” sabi ni assistant coach Renzy Bajar.


Pansamantalang hinawakan ni Bajar, dati ring PBA player ang pag-mentor dahil masakit ang lalamunan ni head coach Bonnie Tan.


Kinontrol ng Batang Pier ang laro sa simula at pinaglaruan ang Car Makers bilang paghahanda sa susunod nilang laro laban sa Converge sa September 11.


Hindi nagdaan sa matinding hirap ang Batang Pier at parang namamasayal sa Rizal Park at hindi man lamang nagpakita ang Terrafirma ng matinding pagtutol at hinayaan ang mga bata ni coach Bonnie Tan na umalagwa at panatilihin ang kanilang kalamangan sa Dyip. “We played good throughout. Our offense and defense complimented each other. Lahat kami nagtrabaho. This is team effort,” sabi ni Arvin Tolentino sa post interview.


Gumawa ang 29-anyos na Angono native ng triple doubles 23 points, kasama ang dalawang tres, 11 rebounds at ten assists at muling itinanghal na best player of the game.


Tumipa si Venky Jois ng 29 points at 15 rebounds, nine defensive. Tinalo ng Australian-Indian import taga Melbourne si Antonio Hester sa kanilang match up.


Hindi makausad ang Terrafirma sa kabila nang nasa kanila ang dalawang dating gunners ng Barangay Ginebra sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger at si Hester ay hindi makatulong sa points production ng Dyip na may 12 points lang. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page