top of page
Search

ni Madel Moratillo | June 29, 2023



ree

Dalawang taon lamang magsisilbi ang mga mananalo sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.


Salig na rin ito sa nakasaad sa desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang Republic Act 11935 na nagpaliban sa halalan noong December 5, 2022. Matatandaan na ang pagpapaliban ng halalan ay para makatipid ang gobyerno sa

gitna na rin ng pandemya.


Ayon sa SC, para maiwasan ang kalituhan, ang susunod na BSKE ay gagawin sa unang Lunes ng December 2025 at kada 3 taon pagkatapos nito.


Ayon kay Commission on Elections Chairman George Garcia, dahil dito mas maiksi ang magiging termino ng mga mananalo sa 2023 BSKE.


Tiniyak naman ng opisyal na walang epekto ang SC decision sa gagawing halalan sa Oktubre.


Nasa 95% na aniya silang handa para sa BSKE. Itinakda ang paghahain ng kandidatura para rito sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2.


 
 

ni BRT | June 26, 2023



ree

Nasa sa Philippine National Police (PNP), nagpapatupad na ng mga strategic measure para malinis ang mga ito.


Sinabi ni PNP Chief General Benjamin Acorda, na matagumpay na nalinis na mula sa droga ang nasa 76.67% ng 35,356 na apektadong mga barangay mula sa kabuuang mahigit 42,000 barangay sa buong bansa.


Sa mahigit 35,000 barangay na cleared na, 27,248 dito ay ganap nang nalinis mula sa ilegal na droga.


Napag-alaman na pinakamalaking bilang ng drug-cleared ay sa Calabarzon na nasa 97.06%, sinundan ito ng Cagayan Valley region na nsa 95.55% at Cordillera region na nasa 95.22%.


Nasa 94.52% naman ang drug clearance rate sa Eastern Visayas habang sa Central Mindanao ay nasa 89.37%.


 
 

ni Madel Moratillo | May 27, 2023



ree

Aminado ang Commission on Elections na labag sa batas ang mandatory drug test para sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.


Pero ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, wala namang makakapigil sa kanila kung boluntaryo silang magpapa-drug test.


Una rito, hinamon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato na magpa-drug test.


Ayon kay Laudiangco, makakatulong sa mga kandidato kung boluntaryo nila itong gagawin.


Kaugnay nito, muling tiniyak ni Comelec Chairman George Garcia ang kahandaan sa BSKE.


Naimprenta na aniya nila ang 92 milyong balota kasama ang lahat ng gagamiting election returns, statement of votes, at iba pa.


Ang kulang na lang aniya ay ang training ng mga guro na magsisilbi sa electoral boards.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page