top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 13, 2021



ree

Minarkahan bilang mga terorista ang 19 miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP), kabilang ang founder nitong si Jose Maria ‘Joma’ Sison, base sa Resolution Number 17 ng Anti-Terrorism Council (ATC).


Anila, "The Central Committee is the highest decision and policy-making body of the CPP and also leads and commands the NPA, its main weapon in attaining the Party's goal of overthrowing the duly elected government by seizing and consolidating political power through violent means."


Maliban kay Sison, kinilala rin bilang mga terorista sina Vicente Ladlad, Jorge Madlos, Adelberto Silva, Rey Casambre, Rafael Baylosis, Wilma Tiamzon at Benito Tiamzon.


Sa kahiwalay na resolusyon nama’y kasama rin ang ilang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayyaf Group at Daulah Islamiyah.


Paliwanag pa ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang mga nabanggit umano ay na-verify at na-validate na kabilang sa pagpaplano, pagpe-prepare, pagpa-facilitate at gumagawa ng iba pang hakbang na may kinalaman sa pagiging terorista.


Ayon kay Esperon, “The master red-tagger is no other than Jose Maria Sison. We are merely informing the public, this is of course what we called truth tagging for purposes of public information so that we will not be misled by this movement or triad of the Communist Party of the Philippines, the New People’s Army, and the National Democratic Front.”


Sa ngayon ay pinapa-freeze na sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) maging ang kanilang mga assets.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 9, 2021


ree

Aabot sa 200 armadong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nakaengkuwentro ng mga militar sa public market sa Datu Paglas, Maguindanao noong Sabado.


Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar ng 6th Infantry Division, inokupa ng BIFF na nasa ilalim ng Kagui Karialan faction ang naturang public market at hindi umano pinaalis ng mga rebelde ang mga nagtitinda at sibilyan sa naturang lugar.


Sumuko naman ang mga gunmen noong hapon matapos ang palitan ng putok ng baril at tumakbo sa mga kabundukan ng Maguindanao at Sultan Kudarat. Wala ring naiulat na nasawi sa hanay ng militar.


Kinumpirma naman ni Abu Jihad ng BIFF na ang mga gunmen ay kasapi ng Kagui Karialan faction ngunit aniya ay walang balak okupahin ng grupo ang Datu Paglas.


Saad pa ni Jihad, “Our men were there to rest and were about to return to our camps when soldiers arrived and started firing at us.”


Samantala, ayon kay Mayor Abubakar Paglas, mahigit 5,000 residente ang inilikas habang patuloy na nagsasagawa ng clearing operations sa naturang lugar. Ayon kay Baldomar, natagpuan ang 4 na improvised bombs na kaagad namang na-deactivate ng awtoridad.


Daan-daang motorista at pasahero rin ang na-stranded dahil isinara ang Datu Paglas-Tulunan highway at binuksan lamang matapos makontrol ng tropa ng pamahalaan ang sitwasyon.

 
 
  • BULGAR
  • Feb 21, 2021

ni Lolet Abania | February 21, 2021



ree

Pitong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa tulong ng ilang lokal na opisyal ng pamahalaan.


Nagpasyang sumuko ang mga kasapi ng BIFF sa headquarters ng 2nd Mechanized Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Omar Orozco sa Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.


Ayon kay Orozco, ang ginawang ito ng pitong BIFF ay pagpapatunay na nakikiisa sila sa programang pangkapayapaan ng gobyerno.


Iniharap naman ni Orozco kina 6th Infantry Division Assistant Commander BGen. Jose Narciso, 1st Mechanized Brigade Commander Col. Pedro Balisi at Mayor Midpantao Midtimbang, Jr. ng Guindulungan ang mga nagbalik-loob na BIFF.


Kasama sa isinuko ng mga ito ang isang 60 mm mortar launcher, isang. 50-caliber barret sniper rifle, isang M-16 rifle, isang Garand at isang converted M14 rifle.


Labis naman ang pasasalamat ni 6th ID Chief MGen. Juvymax Uy sa tulong na ibinigay ng mga local officials na naging daan para sumuko ang pitong BIFF.


Umabot na sa 78 miyembro ng BIFF, kabilang ang kanilang mga armas, ang sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page