top of page
Search

ni Lolet Abania | July 4, 2021


Inilagay ang dalawang lugar sa bahaging Luzon sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa Bagyong Emong ngayong Linggo.


Sa alas-5:00 ng hapon na severe weather bulletin ng PAGASA, isinailalim sa TCWS No. 1 ang Batanes at ang northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kabilang na ang Babuyan Islands.


Ayon sa PAGASA, ang sentro ng Tropical Depression Emong ay nasa layong 780 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes nang alas-4:00 ng hapon na may maximum sustained winds na 55 kilometro kada oras malapit sa sentro at pabugsong hangin na aabot sa 70 kph. Kumikilos ito hilaga-hilagang-kanluran ng 25 kph.


Sinabi pa ng PAGASA, asahan na si ‘Emong’ ay lalakas at magiging tropical storm sa susunod na 24 oras na maaaring makaapekto sa buong Batanes-Babuyan Islands.


Gayunman, hihina na ito pagdating ng Martes nang hapon hanggang sa Miyerkules. Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko sa posibleng mga flash floods at landslides dahil sa malalakas na pagbuhos ng ulan.


“Adjacent or nearby areas may also experience flooding in the absence of such rainfall occurrence due to surface runoff or swelling of river channels,” ani PAGASA. Makararanas naman ang mga nasa ilalim ng TCWS No. 1 ng malalakas na pagbugso ng hangin at ulan dahil sa Bagyong Emong.



 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 30, 2021



Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression na namataan sa silangan ng Mindanao ngayong Linggo nang umaga na pinangalanang Dante, ayon sa PAGASA.


Sa tala ng PAGASA, namataan ang bagyong Dante sa 1,000 kilometer East ng Mindanao kaninang alas-4 nang umaga, taglay ang hanging may lakas na 45 km per hour at pagbugsong umaabot sa 55 kph.


Magdudulot ang Bagyong Dante ng “light to moderate with at times heavy rains” sa Caraga at Davao region ngayong araw, ayon sa PAGASA.


Nagbabala rin ang PAGASA ng posibleng pagbaha at landslides


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 18, 2021



Nawawala ang 127 katao matapos tumaob ang barkong sinasakyan ng mga ito sa Mumbai, India ngayong Martes dahil sa Bagyong Tauktae.


Ayon sa Indian navy, kaagad nagpadala ng 2 barko at helicopters sa insidente upang magsagawa ng search and rescue operations.


Tinatayang aabot sa 273 katao ang sakay ng naturang barko at ayon sa defense ministry, 146 sa mga ito ang na-rescue.


Ayon sa awtoridad sa Mumbai, mahigit 10,000 katao ang inilikas at tinatayang aabot sa 600 COVID-19 patients ang dinala sa “safer locations” dahil sa pananalasa ng Bagyong Tauktae.


Noong Lunes nag-landfall ang Bagyong Tauktae sa Gujarat na "extremely severe cyclonic storm", ayon sa Indian Meteorological Department na may lakas ng bugso ng hangin na aabot sa 185 kilometers (115 miles) per hour.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page