top of page
Search

ni Lolet Abania | June 29, 2022



Sa pinakabagong weather update ng PAGASA, nabatid na halos nakapirme o “almost stationary” ang Tropical Depression Caloy sa buong West Philippine Sea, ngayong Miyerkules ng umaga.


Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, si ‘Caloy’ ay nananatiling halos stationary o kumikilos “generally” west northwestward sa buong araw habang pa-northwestward naman ito sa Huwebes hanggang Biyernes ng umaga.


“On Saturday (02 July), ‘CALOY’ will turn north northwestward towards southern portion of China, where it is expected to make landfall,” pahayag ng PAGASA. Batay sa PAGASA, ang TD Caloy ay posibleng lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng 24 oras, subalit dahil sa kasalukuyang kalikasan ng sirkulasyon nito, ang kanyang track at intensity forecast ani ahensiya, “may still change in the succeeding bulletins.”


Sa ngayon ayon sa PAGASA, ang sentro ni Caloy base sa lahat ng available data, ay tinatayang nasa layong 375 km West ng Iba, Zambales. Habang may maximum sustained winds ng 45 km/h malapit sa center at gustiness ng aabot sa sa 55 km/h.


“The large overall circulation and disorganized structure of ‘CALOY’ suggest a slow pace of intensification in the near term,” saad ng PAGASA. Sa forecast din ng ahensiya, si Caloy ay mananatiling isang tropical depression sa susunod na 48 oras, habang bahagya itong titindi at aabot sa tropical storm category sa Biyernes ng hapon.


Inaasahan na palalakasin ni Caloy ang monsoon trough at ang Southwest Monsoon, kung saan magdudulot ng mga pag-ulan sa buong western sections ng Luzon at Visayas ng Miyerkules.


Ayon pa sa PAGASA, “occasionally gusty conditions reaching strong breeze to near gale in strength are expected over Extreme Northern Luzon, and the western sections of Luzon and Visayas.” “These conditions are more likely in coastal and mountainous/upland localities of these areas,” dagdag ng state weather bureau.


Sinabi rin ng PAGASA, katamtaman hanggang sa maalon na karagatan na aabot sa 3.4 metro ang inaasahan sa buong seaboards ng Northern Luzon at ang western seaboards ng Central at Southern Luzon.


“These conditions may be risky for those using small seacraft. Mariners are advised to take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions,” babala naman ng PAGASA.


 
 

ni Lolet Abania | April 21, 2022



Umakyat na sa 224 ang naiulat na nasawi dahil sa Bagyong Agaton ngayong Huwebes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Base sa 8AM report ng NDRRMC, ang lahat ng bagong naiulat na namatay ay mula sa Eastern Visayas na may kabuuang 202.


Gayundin, nasa 17 indibidwal naman mula sa kabuuang nai-report na nasawi ay mula sa Western Visayas, tatlo sa Davao, at dalawa sa Central Visayas.


Ayon sa NDRRMC, ang bilang ng mga indibidwal na naiulat na nawawala ay umakyat na rin sa 147 mula sa 111, habang ang bilang ng mga nasaktan dahil sa bagyo ay nananatiling walo.


Subalit, ang mga nai-report na 18 namatay, pitong nawawala, at anim na nasaktan ang nakumpirma pa lamang sa ngayon.


Nasa kabuuang 2,081,011 katao o 599,956 pamilya ang labis na naapektuhan ng Bagyong Agaton mula sa 2,421 barangay sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.


Sa naturang bilang, 109,518 indibidwal o 29,911 pamilya ang nananatili sa 447 evacuation centers. Sinabi naman ng NDRRMC, umabot na sa halagang P64,028,560 assistance ang naibigay sa mga apektadong lugar.

 
 

ni Lolet Abania | April 12, 2022



Siyam na lugar ang nananatiling nasa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 dahil sa Tropical Depression Agaton habang isang bagong cyclone ang pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA ngayong Martes.


Batay sa ulat ng state weather bureau, alas-10:00 ng umaga pumasok ang Typhoon Malakas sa PAR at pinangalanan na ngayong Basyang.


Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na nasa Signal No. 1 pa rin dahil sa Bagyong Agaton ay sa southern portion ng Masbate (Dimasalang, Cawayan, Palanas, Placer, Cataingan, Esperanza, Pio V. Corpuz); Eastern Samar; Samar; Northern Samar; Biliran; Leyte; Southern Leyte; northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod) kabilang ang Camotes Island; at Dinagat Islands.


“Agaton is expected to continue meandering in the vicinity of Samar-Leyte area within the next 6 to 12 hours before turning more east southeastward towards the Philippine Sea beginning Tuesday night or Wednesday morning,” pahayag ng PAGASA.


Sa kanilang 11AM weather bulletin, iniulat ng PAGASA na si Basyang ay walang katiyakan na direktang makakaapekto sa weather condition ng bansa.


Sinabi pa ng PAGASA, wala ring kasiguruhan na si Basyang na direktang makakaapekto naman sa sea conditions sa buong coastal waters ng bansa.


Samantala, alas-10:00 ng umaga ang sentro ni Basyang ay tinatayang nasa layong 1,435 km east ng Southern Luzon (15.4°N, 135.0°E) at may kasamang maximum sustained winds na 120 km/h malapit sa sentro, gustiness na aabot sa 150 km/h, at central pressure na 975 hPa.


Ayon pa sa PAGASA, kumikilos si Basyang sa north-northwestward ng 20 km/h. May lakas ng bugso ng hangin o higit pa na nag-e-extend palabas na aabot ng 600 km mula sa sentro.


Sinabi rin ng state weather bureau na mas tumindi pa si Basyang at naging bagyo alas-8:00 ng umaga ngayong Martes habang inaasahan na patuloy pang lalakas at posibleng umabot sa peak intensity ng 150 km/h sa Miyerkules ng umaga.


“Basyang is expected to move northward in the next six hours before turning generally north northeastward for the remainder of the forecast period. The duration of the storm within the PAR region will be brief and may exit the region on Tuesday night,” pahayag pa ng PAGASA.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page