top of page
Search

ni Mai Ancheta | May 24, 2023




Isa ng super typhoon ang namumuong sama ng panahon na binabantayan ng PAGASA.


Batay sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA nitong Martes ng hapon, namataan ang

Bagyong Mawar sa silangang bahagi ng Visayas na may kalakasang dalang hangin na hanggang 185 kilometer per hour.


Bagama't wala pang nakikitang direktang epekto ang bagyo sa panahon ng bansa, sinabi ng PAGASA na inasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Biyernes o Sabado.


Inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan ang bagyo sa kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao subalit hindi ito tatama sa kalupaan.


Makakaranas naman ng maulap at manaka-nakang pag-ulan at pagkulog sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.


 
 

ni BRT | April 11, 2023




Inaasahang magiging maulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong linggo.


Ito ay dahil sa LPA na maaaring maging unang bagyo ngayong 2023.


Tatawagin itong ‘Amang’ at inaasahang tatama sa Bicol region bukas, Abril 12.


 
 

ni Loraine Fuasan (OJT) | April 2, 2023




US — Nanalasa ang isang bagyo na nagdulot ng pagbagsak ng bubong ng Apollo Theater sa Illinois.


Tinatayang aabot sa 260 katao ang nasa Apollo Theater nang bumagsak ang bubong, alas-7:00 ng gabi.


Batay sa local officials, isang tao ang nasawi at hindi bababa sa 24 ang sugatan.


Gayundin, isang linggo lamang matapos ang pangyayari, isang pambihirang buhawi naman ang yumupi at nagpataob sa mahabang truck sa Mississippi na ikinamatay ng 26 katao.


Kaagad naman bumisita si US President Joe Biden, upang ipaabot ang kanyang pakikiramay at pagtulong.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page