top of page
Search
  • BULGAR
  • Jul 15, 2023

ni Mai Ancheta @News | July 15, 2023




Posibleng lumakas pa ang Bagyong Dodong hanggang ngayong Sabado bago ito tuluyang lumabas ng bansa.


Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan pa rin ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong weekend dahil sa pinalakas nitong habagat.


Nakataas ang signal number 1 sa mga lalawigan ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Apayo, Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mountain Province, Kalinga at ilang bahagi ng Isabela.


Magiging maulan ang ilang bahagi ng bansa bunsod ng habagat gaya ng ilang bahagi ng Ilocos Region, MIMAROPA, Zambales at Bataan habang makararanas din ng ulan ang Metro Manila, Cavite, Batangas, Pampanga, Bulacan at Western Visayas.


Nagbabala ang PAGASA ng posibleng flash floods at landslides dahil sa mga pag-ulan na maaaring magpalambot ng lupa


 
 

ni BRT | June 12, 2023




Iniulat ng Weather State Bureau na lumalayo na ang Bagyong Chedeng sa kalupaan ng Pilipinas habang patuloy itong humihina.


Batay sa pinakahuling bulletin na inilabas ng PAGASA, as of 5 a.m. kahapon, maaaring umalis si 'Chedeng' sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Linggo ng gabi o madaling-araw ng Lunes.


Gayunman, patuloy na palalakasin ni 'Chedeng' ang habagat, na magdadala ng monsoon rain sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.


Inaasahang bababa ang hila ng bagyo sa habagat habang lumalayo ito sa bansa, ang pagbuo ng frontal system sa hilaga ng extreme hilagang Luzon ay patuloy na magpapalakas ng habagat mula Martes.


Walang tropical cyclone wind signal ang nakataas sa alinmang bahagi ng bansa, ngunit ang Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Ilocos Region, at iba pang bahagi ng Luzon at Western Visayas ay makararanas ng pagbugsong ulan dala ng habagat.


Magpapatuloy pa rin ang maalon na kondisyon sa halos buong Luzon mula Martes.


 
 
  • BULGAR
  • Jun 7, 2023

ni BRT | June 7, 2023




Lumakas pa ang Bagyong Chedeng habang mabagal itong kumikilos sa Philippine sea sa silangan ng Eastern Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.


Sa tala ng PAGASA nitong alas-5 ng hapon, namataan ang mata ng bagyo 1,150 kilometro ang layo sa silangan ng Southeastern Luzon na may maximum sustained winds na 55 kilometer per hour at pagbugsong 70 kilometer per hour.


Halos hindi naman umano gumagalaw ang bagyo at wala pang direktang epekto sa kahit anong bahagi ng bansa.


Wala pa ring naitalang Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA na dulot ng nasabing bagyo.


Samantala, iniulat ng PAGASA na inaasahang lalakas pa ang tropical depression Chedeng sa susunod na apat na araw at maaaring itaas sa kategoryang tropical storm.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page