top of page
Search

ni Lolet Abania | January 31, 2021


ree

Naitala ang pinakamalamig na temperatura ngayong Linggo sa Baguio City mula pa sa ginawang monitoring ng PAGASA noong mga 'Ber’ months.


Ayon sa PAGASA, bumagsak ang temperatura sa lungsod ng 9.4 degrees Celsius bandang alas-6:30 ng umaga.


Bunsod umano ang malamig na panahon ng hanging amihan. Batay din sa ulat ng PAGASA, posibleng bumaba pa ang temperatura sa mga susunod na araw.


Samantala, muling nagbukas sa publiko ang Baguio City noong Oktubre matapos na magpatupad ng lockdown sa lungsod dahil sa COVID-19 pandemic.


Isa sa mga pinakatanyag na tourist destinations sa bansa na kilala bilang City of Pines at Summer Capital of the Philippines ang Baguio City.


 
 

ni Lolet Abania | January 27, 2021


ree


Binibigyan ng 72-oras ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang isang hotel sa lungsod upang magpaliwanag kung bakit hindi dapat i-sanction sa nangyaring paglabag sa COVID-19 protocol kaugnay ng naganap na birthday party ng celebrity na si Tim Yap.


Ayon sa inilabas na anunsiyo sa Facebook page ng Public Information Office (PIO) ng Baguio ngayong Miyerkules, “The city government gives hotel 72 hours to explain why it should not be sanctioned over celebrity party protocol breach.”


Ipinahayag naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kinokonsidera niya ang naging “kontribusyon” ni Tim Yap sa siyudad, kasabay ng pagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring paglabag sa COVID-19 protocol matapos na mag-viral ang birthday party nito kung saan dumalo rin ang alkalde.


Si Magalong na isa ring contact tracing czar ay nagsabi na nakita niya ang mga paglabag sa protocol sa naturang okasyon, partikular na ang hindi pagsusuot ng mga bisita ng masks.


Wala ring mga face shields at binalewala ang physical distancing. “Doon sa activity na ’yun, makikita mo, mayroong outright na violation,” sabi ng alkalde. “It’s because siyempre, tao lang, kumakain ka ba naman, bigla inimbitahan kang tumayo, nakipagsayaw ka, nakalimutan mo na,” dagdag ng mayor.


“Hindi ka naman perfect na tao. May magpapa-picture sa ’yo, makakalimutan mo ’yung mask mo, ‘di ba?” Binanggit naman ni Magalong na hindi dapat mag-alala si Yap sa gagawing imbestigasyon.


“Don’t you worry about it. Your contributions to Baguio City, promoting, you’ve been saying good words about Baguio, the help that you’ve extended to our artists -- we’re considering all of this,” ani Magalong.


Sinabi ni Magalong na nauunawaan niya kung bakit ang mga tao sa party, kasama na ang kanyang asawa, ay hindi nakasunod sa COVID-19 protocols. “We’re just human. Sometimes we are so engaged in one particular activity which is so fun that sometimes we forget.”


Gayunman, ang The Manor Hotel kung saan naganap ang birthday party ni Tim Yap, ay hiningan na ng paliwanag sa insidente. Ayon din kay Magalong, nagsagawa naman ng COVID-19 test sa mga guests bago dumalo sa okasyon.


Sinabi rin ni Magalong na nagkaroon ng imbestigasyon ang kanyang opisina tungkol sa isyu at pagmumultahin nila ang mga bisita sa nasabing party, maging ang kanyang asawa, na mapapatunayang lumabag sa health protocols.


“Pati wife ko, ipa-fine ko, pati grupo ni Tim Yap. We will fine them and everyone na ma-identify doon na hindi nagsuot,” pahayag pa ni Magalong.


 
 

ni Thea Janica Teh | August 31, 2020


ree


Simula ngayong araw, Lunes Agosto 31 ay ibababa na ang restriksiyon sa Baguio City dahil sa COVID-19.


Sususpendihin na ang quarantine pass Mall schedules simula ngayong Lunes. Hindi na rin kakailanganin ng mga residente na magpakita ng mall at market pass bago pumasok ng mga private commercial establishments ayon kay Mayor Benjamin Magalong.


Para naman sa mga mamimili sa palengke, kinakailangan pa rin ng pass at patuloy pa rin ang schedule per district para maiwasan ang siksikan.


Dagdag pa ni Magalong, lahat ng residente kabilang ang mga senior citizen ay maaari nan lumabas para makabili ng mga pangangailangan. Ngunit, paalala rin nito na mayroon pa ring virus kaya naman sumunod pa rin sa mga health protocol at huwag lumabas kung hindi kinakailangan.


Samantala, tatanggalin na rin ang liquor ban sa Baguio City simula September 1.


Pinaalalahanan naman ni Magalong ang mga residente na drink responsibly at in

moderation.


Naglabas din ng ilang paalala si Magalong tulad ng refrain from sharing glasses and utensils and drinking excessively; socialize but with social distancing; keep guards up, apply minimum health standard; wash hands, change clothes before spending time with family; disinfect door knobs and other frequently touched surfaces at home at monitor family members for flu-like symptoms.


Noong Sabado, nakapagtala ng 87 active cases ang Baguio City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page