top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 17, 2021



Mula sa Philippine Women's University (PWU), Manila ang topnotcher sa July 2021 Nurse Licensure Examination (NLE), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).


Nakakuha ng markang 89.40% si Haydee Soriano Bacani ng PWU na nanguna sa “5,008 passers out of 7,746 examinees” sa naturang eksaminasyon ngayong buwan, ayon sa PRC.


Sinundan ni Liezl Mercado Tuazon ng Angeles University Foundation si Bacani at nakakuha ng markang 89%.


Sina Marlchiel Nathan Sungahed Arreglado naman ng Saint Paul University sa Tuguegarao City at Ana Maria Kim Ramos Vallente ng Capitol University, Cagayan Capitol College ang pumangatlo sa markang 88.60%.


Pare-pareho namang nakakuha ng markang 88.40% para sa ika-apat na puwesto sina Gregg Philip Lirag Palabrica (Ateneo de Davao University), Francis Miguel Carreon Rosales (University of the East Ramon Magsaysay Mem Medical CTR), at Micah Junabel Munar Ventanilla (Urdaneta City University).


Nakakuha naman ng markang 88.20 para sa ika-limang puwesto sina Yuljohn Taperla Beriña II (University of the Philippines, Manila), Angelie Mae Sophia Rabago Bonifacio (Bulacan State University, Malolos), at Renzo John Phillip Orgo Cabagay (Silliman University).



Samantala, ang Saint Louis University sa Baguio City ang number 1 sa top performing schools ngayon na nakakuha ng perfect score na 100%.



Sinundan ito ng Saint Paul University-Tuguegarao at University of Pangasinan na nakakuha ng 96.08%.


Ang Capitol University (For. Cagayan Capitol Coll.) naman ang nakakuha ng ikatlong puwesto sa markang 93.42%.


Samantala, ayon sa PRC, isinagawa ang July 2021 NLE noong July 3-4 sa mga testing areas sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 14, 2021





Inilabas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong guidelines na ipatutupad sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ‘with heightened restrictions’ sa NCR Plus Bubble at iba pang lugar simula May 15 hanggang 31, ayon sa inianunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kagabi.


Kabilang sa pinahihintulutan ay ang mga sumusunod:


• 20% capacity sa mga indoor dine-in services at 50% capacity sa outdoor o al fresco dining

• 30% capacity sa mga outdoor tourist attraction

• 30% capacity sa mga personal care services, katulad ng salon, parlor at beauty clinic

• 10% capacity sa mga libing at religious gathering

• Pinapayagan na rin ang outdoor sports, maliban sa may physical contact na kompetisyon


Mananatili pa rin namang bawal ang mga sumusunod:


• entertainment venues katulad ng bars, concert halls, theaters

• recreational venues, katulad ng internet cafes, billiard halls, arcades

• amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides

• indoor sports courts

• indoor tourist attractions

• venues ng meeting, conference, exhibitions


Higit sa lahat, bawal magtanggal ng face mask at face shield kapag nasa pampublikong lugar. Bawal ding lumabas ang mga menor-de-edad at 65-anyos pataas, lalo na kung hindi authorized person outside residency (APOR).


Patuloy pa ring inoobserbahan ang social distancing sa kahit saang lugar at ang limited capacity sa mga pampublikong transportasyon.


Maliban sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna ay isasailalim din sa GCQ ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Abra, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur hanggang sa katapusan ng Mayo.


Mananatili naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Santiago City, Quirino, Ifugao, at Zamboanga City.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 4, 2021




Positibo sa COVID-19 ang Baguio City mayor at contact tracing czar na si Benjamin Magalong, ayon sa kanyang Facebook post noong Sabado.


Saad ni Magalong, “It is with a sad note that I would like to inform everyone that as of my RT-PCR test conducted yesterday morning (April 2, 2021), to which my results came out at 4:30pm of the same day, I was tested positive of the Covid-19 virus.” Aniya ay nagsasagawa na rin ng contact tracing para sa mga nakahalubilo niya.


Pahayag pa ni Magalong, “Contact tracing efforts are underway for those whom I have come into close contact with. I also strongly advise everybody to observe the minimum health standards.”


Dagdag pa ni Magalong, “Indeed, this news came out as a devastating blow for me and my family. The seriousness of this pandemic is something that we should not take for granted. It is a difficult situation and I don’t want anyone of you to be in this condition as it is emotionally, psychologically and financially difficult for our loved ones to bear.


“However, despite the predicament I am in, please be rest assured that we are still monitoring closely the City’s situation and coordinating to the proper authorities the necessary things to be done.”


Samantala, nanawagan din si Magalong sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols ngayong panahon ng pandemya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page