top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 3, 2021



Ramdam na ang pagbaba ng temperatura sa Baguio at Benguet dulot ng aktibong northeast monsoon.


Ito ay matapos maitala ang 13°C kahapon nang 5:00 a.m. na mababa sa 15°C hanggang 17°C na karaniwang pinakamababang temperatura ng Baguio sa kasagsagan ng “BER” months.


Naitala rin alas-5:40 kahapon nang madaling araw ang 10°C na pinakamababang temperatura sa Atok, Benguet; habang 15°C sa La Trinidad, Benguet.


Ngayong taon, naitala noong February 22 ang 9.0°C bilang lowest temperature ng Baguio City.

 
 

ni Lolet Abania | October 11, 2021



Tumaas ng 700% ang mga kaso ng dengue sa Baguio City, batay sa report ngayong Lunes.


Ayon sa City Health Services Office ng lungsod, mahigit sa 1,000 dengue cases ang kanilang nai-record mula Enero hanggang Oktubre 4, 2021, mas mataas ito kumpara sa mahigit 100 na nai-record sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Base pa sa ulat, 10 indibidwal ang namatay sa siyudad dahil sa dengue ngayong taon.


Hinimok naman ng mga health officers ang mga residente ng Baguio City na panatilihin ang kalinisan sa paligid at alisin ang mga bagay na posibleng maging breeding ground ng mga lamok na may dalang dengue.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 31, 2021



Pansamantalang ipinagbawal ang “non-essential travels” sa Baguio City nang isang linggo simula ngayong Sabado dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.


Isinailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Baguio City ngunit saad ng lokal na pamahalaan, “But as early as now, we must take the initiative to enhance our COVID-19 management strategy to preempt, if not minimize, this new health threat to our community.”


Samantala, paalala naman ni City Mayor Benjamin Magalong, maaaring mabago ang naturang advisory base sa magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Saad pa ni Magalong, “I appeal for patience and cooperation from the public for this sudden change in policy as this is the appropriate action that is necessary for the situation at hand.”


Nanawagan din si Magalong sa mga residente ng Baguio City na limitahan lamang ang pagbiyahe.


Aniya pa, “Should there be instances where travel outside is absolutely necessary, let us always practice minimum public health protocols at all times, in consideration of our family members and loved ones waiting for us at home.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page