top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 3, 2022



Muling maghihigpit ang Baguio City sa pagtanggap ng mga turista dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang tatanggapin lang ng lungsod ay mga bisita na nauna nang nakakuha ng QR-coded Tourist Pass o QTP.


Ayon sa Baguio Public Information Office, hindi na nila aaprubahan ang mga bagong leisure travel requests sa Baguio Visita website. Ibig sabihin, hindi muna makakaakyat sa lungaod ang mga turista na nagpaplano pa lang o nagbabalak pa lang na bumisita sa Baguio ngayong Enero


Ang mga pre-approved travel na may QTP lang ang maaaring pumasok sa Baguio at lahat ng pending requests ay considered rejected na o ‘di na aprupado. 


Ang mga Authorized Person Outside of Residence (APOR) naman ay papayagang pumasok sa Baguio kabilang ang mga official trips basta't mag-register pa rin online sa Baguio website. 


Matatandaang noong December 26 ay 4 lang ang active cases sa Baguio, pero matapos ang isang linggo lang ay tumaas ito sa 73 active cases kahapon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 11, 2021



Sinalakay ng mga awtoridad ang isang nightclub na pugad umano ng prostitusyon sa Baguio City.


Nasagip sa raid na ito ang 10 babaeng nagtatrabaho rito at kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare ang Development (DSWD).


Malalaswa umano ang itinatanghal na sayaw sa entablado at bukod pa rito ay nagiging pugad din umano ng prostitusyon ang lugar, ayon sa mga awtoridad. May nag-aalok din daw ng ilegal na droga.


Naabutan pa ng mga pulis ang isa sa mga parokyano sa VIP room kung saan umano nangyayari ang prostitusyon. May nag-aalok din umano doon ng iligal na drogra.


Inaresto naman ang manager at ang floor manager ng club. Pero, iginiit nila na walang prostitusyon at malaswang sayawan sa nightclub.


Mahaharap ang dalawa sa reklamong human trafficking at posibleng ipasara at tanggalan ng permit ang nasabing night club.

 
 

ni Lolet Abania | December 5, 2021



Umabot sa 11.4ºC ang temperatura sa Baguio City ngayong Linggo, ang pinakamababa na naitala ngayong buwan, kasabay ng nararanasang Northeast Monsoon o Amihan na nakakaapekto sa Luzon at Visayas, batay sa ulat ng PAGASA.


Ayon din kay PAGASA weather specialist Chris Perez, ang pinakamababang temperatura ngayong buwan sa bahagi ng Science Garden sa Quezon ay umabot naman sa 20.4°C, na nai-record din ngayong Linggo ng umaga.


“So far, sa monitoring station natin simula noong December 1, ang pinakamababa sa may bandang Baguio City ay umabot ng 11.4°C kaninang madaling-araw. Samantala, dito sa Science Garden sa Quezon City, kanina rin umabot ng 20.4 degrees Celsius ang minimum temperature,” sabi ni Perez sa isang radio interview ngayong Linggo.


Sinabi pa Perez na dahil sa patuloy na nararanasang Northeast Monsoon o Amihan season, ang temperatura ay posible pang bumaba sa Enero o Pebrero sa susundo na taon.


Habang sa Metro Manila aniya, ang minimum temperature ay maaaring maitala sa 19°C hanggang 21°C.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page