ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 23, 2021

Ini-reveal nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na baby boy ulit ang kanilang fifth child sa Instagram post ngayong araw. Parehong nag-post ng piktyur ng sonogram ng kanilang baby sina Kristine at Oyo sa kani-kanyang Instagram account.
Saad ni Oyo, “It’s a boy! Again! Hahahaha!!! “Thank you Lord! “We were really praying for a girl, pero ito ang ibinigay ng Panginoon.
“Babae man o lalaki, we are more than grateful to God. He knows and controls everything.” Hirit pa niya, “So paano na Lord? Ibig bang sabihin may kasunod pa ito???”
Caption naman ni Kristine sa kanyang IG post, “Always grateful for every blessing. For a healthy and normal baby boy.
“Hindi pa man nasasagot ang baby girl na dasal ni Dre, marami pa ring nasagot si God sa mga dasal namin at kahit pa ‘yung mga bagay na hindi namin ipinagdasal. He always has His reasons and His perfect time. Napakabuti Mo, Lord.” Mensahe naman ni Kristine para sa anak nilang si Ondrea,
“So Dre, continue praying and believing that one day God will answer your prayer… pero kung hindi man mapagbigyan, I’m sure God will give you all that you need to embrace being the only baby girl in the family.”
Taong 2011 nang magpakasal sina Oyo at Kristine. Si Ondrea ang kanilang panganay at tatlo ang anak nilang lalaki na sina Kiel, Kaleb at Vin.

