top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 26, 2024


Dear Chief Acosta,


Binugbog ang kaibigan ko na 14 taong gulang lamang. Ang bumugbog sa kanya ay isang lalaki na higit na matanda sa kanya, nasa 35 taong gulang, at nagtatrabaho umano sa isang gym kaya higit din na malaki ang pangangatawan.


Sobrang napuruhan ang kaibigan ko at ikinamatay niya ito. Hindi alam ng tagapangalaga ng kaibigan ko kung saan siya magsisimula. Mayroon diumano nakapagsabi sa kanya na maaari siyang magsampa ng kasong Murder dahil mayroong abuse of superior strength base sa pagitan sa edad at pangangatawan ng kaibigan ko at ng bumugbog sa kanya. Tama ba iyon? Ano kaya ang dapat isaalang-alang sa pagsasampa ng kasong Murder? Sana ay malinawan ninyo ako. -- Junmar


Dear Junmar,


Sa paghahain ng kasong Murder, kinakailangan na mapatunayan na mayroong taong pinaslang, na ang pumaslang ay ang taong inaakusahan, na naganap o mayroon ang alinman sa mga sirkumstansya na nakasaad sa Artikulo 248 ng Revised Penal Code of the Philippines, at ang pamamaslang ay hindi saklaw ng kasong parricide o infanticide. Ang bentahe ng higit na lakas ng pangangatawan ng pumaslang ay isa sa mga sirkumstansya na maaaring magpasok sa nangyaring krimen sa kasong Murder. Para higit na mas maunawaan, nais naming ibahagi ang nakasaad sa Artikulo 248 (1) ng Revised Penal Code of the Philippines:


“Art. 248. Murder. — Any person who, not falling within the provisions of Article 246 shall kill another, shall be guilty of murder and shall be punished by reclusion temporal in its maximum period to death, if committed with any of the following attendant circumstances:


1. With treachery, taking advantage of superior strength, with the aid of armed men, or employing means to weaken the defense or of means or persons to insure or afford impunity.


x x x”


Ganu’n pa man, nais naming bigyang-diin na kinakailangan na mapatunayan ng panig ng nag- aakusa na mayroong lubos na hindi pagkakapantay sa lakas at puwersa ng pumaslang at ng biktima, at sadyang alam at ginamit ng pumaslang ang kanyang bentaheng lakas at puwersa upang maisakatuparan ang pagpatay sa biktima. Sa kasong Shariff Uddin y Sali vs. People of the Philippines (G.R. No. 249588, November 23, 2020), ipinaliwanag ng Korte Suprema, sa panulat ni Honorable Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting na:


“To successfully prosecute Murder, the following elements must be established: (1) that a person was killed; (2) that the accused killed him or her; (3) that the killing was attended by any of the qualifying circumstances mentioned in Article 248 of the RPC; and (4) that the killing is not parricide or infanticide.


xx x


x x x


In this case, the RTC, as affirmed by the CA, ruled that AAA’s young age of 13 years is an obvious indication that her strength could not overcome that of petitioner ‘who is a male and who claimed to work at a construction.’


‘The circumstance of abuse of superior strength is present whenever there is inequality of forces between the victim and the aggressor, assuming a situation of superiority of strength notoriously advantageous for the aggressor, and the latter takes advantage of it in the commission of the crime.’ The appreciation of abuse of superior strength depends on the age, size, and strength of the parties.


It is beyond doubt that petitioner was superior to AAA in terms of age, size, and strength.


Nonetheless, the records fail to show that petitioner purposely selected or took advantage of such inequality to facilitate the commission of the crime. As held in People v. Evasco, the assailant “must be shown to have consciously sought the advantage or to have the deliberate intent to use [his] superior advantage”. Thus, to take advantage of superior strength means to purposely use force excessively out of proportion to the means of defense available to the person attacked.”


Kung kaya’t mahalagang mapatunayan ng tagapangalaga ng iyong namayapang kaibigan na ang taong bumugbog sa huli ang siyang may kagagawan sa kanyang pagpanaw at ang sirkumstansya ng bentahe nito sa lakas at puwersa ay sadya nitong alam at ginamit upang maisakatuparan ang pamamaslang sa iyong kaibigan. Kung magagawa ito ng tagapangalaga ng iyong namayapang kaibigan, maaari siyang magsampa ng kasong Murder para sa nangyaring krimen.


Kung hindi man mapatunayan ang sirkumstansyang nabanggit, subalit mapatunayan na ang bumugbog sa iyong kaibigan ang siyang pumaslang sa kanya, kasong Homicide ang maaaring isampa. Alinsunod sa Artikulo 249 ng Revised Penal Code, nakasaad na:


“Article 249. Homicide. -- Any person who, not falling within the provisions of Article 246,50 shall kill another without the attendance of any of the circumstances enumerated in the next preceding article, shall be deemed guilty of homicide and be punished

by reclusion temporal.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 25, 2024


Ang Republic Act (R.A.) No. 7875 o ang National Health Insurance Act of 1995, na inamyendahan ng R.A. No. 9241 at R.A. No. 10606, ay ipinasa ng Kongreso upang bigyang- daan na makakuha ng serbisyong medikal ang mga tao sa abot-kayang halaga, lalung-lalo na sa mga kapuspalad nating kababayan. Ito ay batay sa polisiya ng estado na pagtibayin at ihatid sa mga mamamayan ang mga serbisyong medikal sa mababa at abot-kayang halaga sa pamamagitan ng pagtatag ng Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) at National Health Insurance Program para sa lahat ng Pilipino.


Upang bigyang katuparan ang layuning ito ng estado, nagtalaga ang Kongreso sa National Insurance Act ng mga gabay para sa implementasyon at pagsasakatuparan ng programa. Ilan sa mga gabay na ito ang mga sumusunod:


1.Allocation of National Resources for Health. - Bibigyan ng gobyerno ng prayoridad ang kalusugan na isang istratehiya para magkaroon ng mas mabilis na paglago ng ekonomiya at maisaayos ang kalidad ng buhay.


2. Universality - Bibigyang prayoridad ng programa na mapagkalooban ang lahat ng mamamayan ng kahit man lang basic minimum package ng health insurance.


3.Equity - Ang programa ay dapat magbigay ng pantay-pantay na pangunahing benepisyo. Ang karapatan sa health care ay marapat idinidikta ng pangangailangang pangkalusugan ng isang mamamayan at hindi ng kanyang kakayahang magbayad.


4. Responsiveness - Ang programa ay dapat matugunan ang pangangailangang pangmedikal ng mga miyembro sa anumang estado o yugto ng kanilang buhay.

5.Compulsory Coverage - Ang lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas ay kinakailangang ma-enrol sa National Health Insurance Program.


6. Care for the Indigent - Ang gobyerno ang may responsibilidad na bigyan ng basic package ng mga kailangang serbisyong medikal ng mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng premium subsidy o direktang pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.


Ang tinatawag na benefit package ay iyong serbisyo na alay ng National Health Insurance Program para sa mga miyembro ng programa. Ang mga benefit package na ito ay ang mga sumusunod:


a) Inpatient hospital care:

1. Room & board;

2. Services of Health Care Professionals;

3. Diagnostic, laboratory and other medical examination services;

4. Use of surgical or medical equipment and facilities;

5. Prescription drug and biological, subject to the limitations set by law;

6. In-patient education packages;


b) Outpatient care:

1. Services of health professionals;

2. Diagnostic, laboratory, and other medical examinations services;

3. Personal preventive services; and

4. Prescription drugs and biological, subject to the limitations set by law.

c) Emergency and transfer services;

d) Such other health care services that the corporation and the DOH shall determine to be

appropriate and cost-effective.


Hindi kasama sa mga benepisyong makukuha sa programa ang non-prescription drugs; out- patient psychotherapy and counselling of mental disorders; drug and alcohol abuse or dependency treatment; cosmetic surgery; home and rehabilitation services; optometric services; normal obstetrical delivery; at cost-ineffective procedures na pagpapasyahan ng PHIC.


Para makakuha ng mga benepisyo mula sa National Health Insurance Program, ang isang miyembro ay marapat na nakapagbayad ng kanyang kontribusyon para sa 3 buwan sa loob ng 6 na buwan bago ang unang araw na gagamitin niya ang benepisyo. Subalit, ang mga retirees at pensioners ng SSS at GSIS, mga miyembro na umabot na sa kanilang pagreretiro at nakapagbayad ng 120 na buwanang kontribusyon at mga enrolled indigents ay hindi na kinakailangan pang magbayad ng kontribusyon upang makakuha ng benepisyong itinatakda ng National Health Insurance Program.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 23, 2024



Dear Chief Acosta,


Ang pamilya ko ay planong lumipat sa isang siyudad kung saan ako nakahanap ng trabaho.  Sakto sa buwan kung kailan magsisimula na rin ang pasukan sa mababang paaralan na lilipatan ng anak ko. Ang ginagamit lang naming sasakyan para ihatid sa paaralan ang aking anak ay ang aking motor. Pangamba ko ay baka mahuli kami ng mga traffic enforcer sa aming lugar dahil mahigpit daw sila sa pagpapatupad ng traffic rules lalo na sa mga may angkas sa motor.


Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Gusto sana namin malaman kung ano ang batas tungkol sa pagsakay sa motor ng mga bata. Sana ay maliwanagan ninyo kami tungkol dito. Maraming salamat! -- Alex


Dear Alex,


Para sa iyong kaalaman, ang Republic Act No. 10666 (RA No. 10666) na tinatawag na Children’s Safety on Motorcycle Act of 2015, ang batas na may kinalaman sa iyong katanungan.  Ang batas na ito ay bahagi ng pagpapatupad ng patakaran ng Estado para sa mas ligtas na pagsakay ng mga bata sa mga tumatakbong motorsiklo sa mga lansangan. 


Nakasaad sa batas na ito ang ilang mga kondisyon upang makasakay ng tama ang mga bata sa motorsiklo. Ayon sa batas na ito:


Section 4. Prohibition. – It shall be unlawful for any person to drive a two (2)-wheeled motorcycle with a child on board on public roads where there is heavy volume of vehicles, there is a high density of fast moving vehicles or where a speed limit of more than 60/kph is imposed, unless:


(a) The child passenger can comfortably reach his/her feet on the standard foot peg of the motorcycle;

(b) The child’s arms can reach around and grasp the waist of the motorcycle rider; and

(c) The child is wearing a standard protective helmet referred to under Republic Act No. 10054, otherwise known the “Motorcycle Helmet Act of 2009.” (Sec. 4, RA 10666)


Ibig sabihin nito, ang mga motorsiklo na tumatakbo sa mga pampublikong kalsada na may mabigat na daloy at matulin na mga sasakyan ay hindi maaaring magsakay ng bata, kapag: ang paa ng angkas na bata ay hindi pa abot ang apakan ng motorsiklo; hindi pa kayang yapusin nang buo ng bata ang baywang ng drayber o nagpapatakbo ng motorsiklo; at kung wala itong suot na tamang helmet. Ang tanging pagkakataon na pwedeng mag-angkas ng bata sa kabila ng mga nabanggit na pagbabawal ay kung ang bata ay kinakailangang ibiyahe para sa agarang medikal na pansin o tulong. (Sec. 5, RA No. 10666)

 

Mahalaga na malaman ninyo ang parusa sa mga lalabag ng batas na ito. Itinatakda ng RA No. 10666 na ang mga lalabag dito ay pagmumultahin ng halagang P3,000 sa unang paglabag, P5,000 sa pangalawang paglabag, at P10,000 para sa pangatlo at mga susunod pang paglabag.  Bukod sa mga multang ito, ang lisensya ng nagmamaneho ng motorsiklo ay suspendido ng isang buwan matapos ang pangatlong paglabag at agaran namang mapapasawalang-bisa ang lisensya nito matapos ang higit pa sa tatlong paglabag. (Sec. 6, Id.)


Mula sa mga nabanggit na ito, makikita na ang mga nagpapatakbo ng motorsiklo ay kinakailangang sumunod sa mga alintuntunin ng batas hindi lang para makaiwas sa mabigat na parusa kung hindi para sa kapakanan at kaligtasan din ng mga bata at ng iba pang motorista.

 

Sana ay nabigyan kaliwanagan namin ang iyong katanungan. Tandaan na ang aming payo ay batay lamang sa iyong mga isinalaysay at ang aming pag-unawa rito. Ano mang pagbabago sa mga detalyeng ibinigay ay maaaring magbago rin sa aming payong legal.  


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page