top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 28, 2024


Dear Chief Acosta,


Ang aking boyfriend ay kaka-propose lamang sa akin. Kami ay parehas na nasa wastong gulang na at parehas ding Pilipino, ngunit aming binabalak na sa ibang bansa ikasal. Pangarap ko kasi talagang ikasal sa Paris, France. Gusto ko lamang malaman kung valid at kikilalanin dito sa Pilipinas ang aming kasal kahit ito ay ginanap sa ibang bansa. Maraming salamat. -- Pamela


Dear Pamela,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Article 26 ng Family Code kung saan nakasaad na:


“Art. 26. All marriages solemnized outside the Philippines, in accordance with the laws in force in the country where they were solemnized, and valid there as such, shall also be valid in this country, except those prohibited under Articles 35 (1), (4), (5) and (6), 36, 37 and 38.”


Ayon sa batas, lahat ng kasal na ginanap sa labas ng Pilipinas, alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa bansang iyon kung saan ginanap ang kasal, kung ito ay kinukonsiderang valid sa nasabing bansa, ay magiging valid din at kikilalanin sa Pilipinas. Para sagutin ang iyong katanungan, oo, ang isang valid na kasal na isinagawa sa ibang bansa ay kinikilala rito sa Pilipinas. Ngunit, kailangang tandaan na ang mga kasalan na lalabag sa Articles 35 (1), (4), (5) and (6), 36, 37 at 38 ng ating Family Code, kahit na valid sa ibang bansa, ay hindi kikilalanin dito sa Pilipinas. Kabilang dito ang kasal ng isang menor-de-edad, bigamous at incestuous na kasal, at yaong mga labag sa polisiya ng ating estado gaya ng kasal sa pagitan ng step-parent at step-child at mga magkamag-anak sa loob ng ikaapat na antas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 28, 2024


Dear Chief Acosta,


Ako ay nakatira sa isang subdivision na kung saan ang aming homeowners’ association ay naniningil ng sampung piso mula sa mga delivery rider na pumapasok sa aming subdivision upang maghatid ng iba’t ibang produkto sa mga residente. Ito ay ikinagulat ko sapagkat walang pagpupulong o pagkonsulta sa mga miyembro ng asosasyon kaugnay sa patakarang ito. Gusto kong malaman kung tama ba ang ginagawa ng aming homeowners’ association sa pangongolekta ng nasabing halaga mula sa mga delivery rider? -- Luis



Dear Luis,

Ang batas na sasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 9904 o kinikilala bilang Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations. Nakasaad sa Section 10 ng batas na:


“Section 10. Rights and Powers of the Association. - An association shall have the following rights and shall exercise the following powers:


xxx


(d) Regulate access to, or passage through the subdivision/village roads for purposes of preserving privacy, tranquility, internal security, and safety and traffic order: Provided, That: (1) public consultations are held; (2) existing laws and regulations are met; (3) the authority of the concerned government agencies or units are obtained; and (4) the appropriate and necessary memoranda of agreement are executed among the concerned parties...


xxx”


Kaugnay nito, nakasaad sa Rule XIV, Section 99 ng Department Order No. 2021-007, Series of 2021, ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), o ang 2021 Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act No. 9904 na:

“RULE XIV PROHIBITED ACTS Section 99. Prohibited Acts. It shall be prohibited for any person or association:


xxx


f. To exercise rights and powers as stated in Section 10 of Republic Act No. 9904 in violation

of the required consultation and approval of the required number of homeowners or members; xxx

k. To prevent access or entry to, or collect gate fees, toll or any amount for such purpose from, any utility service or delivery provider in order to enter the subdivision/village or community to deliver goods or services ordered by the members or residents...


xxx”


Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas at kaakibat nitong IRR, ang karapatan ng isang homeowners’ association na magpataw ng mga alituntunin kaugnay sa pagpasok o pagdaan sa loob ng subdivision ay may mga kaakibat na rekisito, at kasama rito ay ang pagsasagawa ng public consultation at pagtitiyak na ang nasabing alituntunin ay alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon. Sa inyong sitwasyon, sa kadahilanang ang paniningil ng halaga mula sa mga delivery riders na pumapasok sa inyong subdivision upang maghatid ng produkto sa mga residente nito ay mariing ipinagbabawal ng IRR ng R.A. No. 9904 at ang pagpapataw nito ay hindi rin dumaan ng public consultation -- malinaw na ito ay paglabag sa probisyon ng batas.


Sa pagkakataong ito, marapat na idulog ninyo ang inyong suliranin sa DHSUD upang ito ay agarang matugunan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 27, 2024


Dear Chief Acosta,


Habang ako ay nagdya-jogging noong isang umaga ay may napulot akong pouch na naglalaman ng mahigit Php20,000.00. Hindi ko naman alam kung kanino ito. Nakakatuksong itago na lamang ito sa kadahilanang nangangailangan ako ng pambayad ng tuition fee. Maaari ko bang gawin ito? -- Roxy


Dear Roxy,


Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Article 308 ng ating Revised Penal Code ang mga sumusunod:


“Article 308. Who are liable for theft. -- Theft is committed by any person who, with intent to gain but without violence against or intimidation of persons nor force upon things, shall take personal property of another without the latter’s consent.


Theft is likewise committed by:

1. Any person who, having found lost property, shall fail to deliver the same to the local authorities or to its owner;

xxx”


Kaugnay nito, sa kasong Fernando Pante y Rangasa vs. People of the Philippines, G.R. No. 218969, 18 Enero 2021, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamahang Mahistrado Ramon Paul L. Hernando, napagpasyahan ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema ang mga sumusunod:


“Under Article 308, par. 2 (1) of the RPC, Theft is also committed by one’s failure to deliver lost property to its owner or local authorities. In this kind of Theft, it is essential to prove: 1) the finding of lost property; 2) the failure of the finder to deliver the same to the local authorities or its owner. In the case at bar, both the trial court and the appellate court found that the prosecution witnesses were able to prove that Word lost his bundled money after alighting from his car in front of his residence and forgetting that he had placed them in between his legs. Such fact was corroborated by the prosecution witness who testified that he positively saw the accused-minor pick up the bundle of money under Word's car. In the same vein, all three accused admitted that it was the accused-minor who found the bundle of money in front of the bakery, which they later divided among themselves in the following manner:

US$1,700.00 for Pante; and US$500.00 and US$2,350.00 for each of the two accused-minor.


Despite knowing that the money did not rightfully belong to them, Pante encouraged the two minor accused to keep the money for themselves. He also appropriated the money for himself by buying various items such as a JVC component, gas tank, and construction materials. He only returned the remainder of the money to Word when police authorities showed up in his house.

xxx.”


Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas at kaso, ang Theft o pagnanakaw ay maaari ring magawa kung ang isang tao ay mabibigong maibalik o maihatid ang nawawalang ari-arian sa may-ari nito o sa lokal na awtoridad. Kung ito ay mapatutunayan, ang taong nagkasala ay maparurusahan ng pagkakakulong ayon sa batas.


Kung kaya sa iyong kaso, dapat mong ihatid ang napulot mong pouch na naglalaman ng pera sa mga lokal na awtoridad. Kung hindi, maaari kang makasuhan ng krimen na Theft o pagnanakaw.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page