top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 31, 2023



Dear Chief Acosta,

Inihahanda ko ang lahat ng mga dokumento, kasama ang birth certificate ko para sa ina-apply-an kong trabaho. Napansin ng aking pinsan na luma na ang birth certificate ko. Sinabihan niya ako na mag-request ako ng bago kasi expired na ito. May expiration ba talaga ang validity ng birth certificate? -- Brent

Dear Brent,

Para sa iyong kaalaman, naisabatas noong ika-28 ng Hulyo 2022 ang Republic Act No. 11909, o kilala bilang “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act.” Itinatakda nito ang permanenteng bisa ng mga sertipikasyong inilalabas ng Philippine Statistics Authority at local civil registries ukol sa estado ng isang tao, gaya ng birth certificate na hawak mo. Ayon dito:

“Section 3. Permanent Validity. — The certificates of live birth, death, and marriage issued, signed, certified, or authenticated by the PSA and its predecessor, the NSO, and the local civil registries shall have permanent validity regardless of the date of issuance and shall be recognized and accepted in all government or private transactions or services requiring submission thereof, as proof of identity and legal status of a person: Provided, That the document remains intact, readable, and still visibly contains the authenticity and security features: Provided, further, That this is without prejudice to an administrative or judicial correction that may be conducted pursuant to Republic Act No. 9858 entitled, & quote; An Act Providing for the Legitimation of Children Born to Parents Below Marrying Age, Amending for the Purpose the Family Code of the Philippines, as Amended”; Republic Act No. 9048 entitled, “An Act Authorizing the City or Municipal Civil Registrar or the Consul General to Correct a Clerical or Typographical Error in an Entry and/or Change of First Name or Nickname in the Civil Register without the Need of a Judicial Order, Amending for this Purpose Articles 376 and 412 of the Civil Code of the Philippines & quote; Republic Act No. 10172 entitled, “An Act Further Authorizing the City or Municipal Civil Registrar or the Consul General to Correct Clerical or Typographical Errors in the Day and Month in the Date of Birth or Sex of a Person Appearing in the Civil Register without Need of a Judicial Order, Amending for the Purpose Republic Act Numbered Ninety Forty-Eight”; and Republic Act No. 9255 entitled, “An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father, Amending for the Purpose Article 176 of Executive Order No. 209, otherwise known as the Family Code of the Philippines,” or in accordance with other existing laws, rules and regulations, and judicial decrees: Provided, finally, That the permanent validity of the Certificate of Marriage is applicable only in an instance where the marriage has not been judicially decreed annulled or declared void ab initio as provided for under the Family Code of the Philippines or any subsequent amendatory law on marriage. In cases when the texts on the certificate appear illegible, or an administrative correction or a judicial decree has been approved, the concerned person shall thus submit the new, amended, or updated certificate.

This provision likewise applies to reports of birth, death, or marriage registered and issued by the Philippine Foreign Service Posts, and transmitted to the PSA.

Section 5. Prohibition Against Requiring a New Copy of a Certificate. — National government agencies and instrumentalities, government-owned and-controlled corporations, local government units, private companies, private and public educational institutions, and other nongovernment entities are prohibited from requiring the submission of another or newer copies of certificates of live birth, death, or marriage, and reports of birth, death, or marriage when a valid certificate can already be presented.”

Ang layunin ng nabanggit na batas ay tanggalin ang paulit-ulit na proseso sa pagkuha at paggamit ng civil registry documents. Kung kaya, ayon sa batas, permanente na ang validity ng birth certificates at iba pang civil registry documents, at dapat kilalanin at tanggapin sa lahat ng gobyerno o pribadong transaksyon o serbisyo na nangangailangan ng pagsusumite nito, bilang patunay ng pagkakakilanlan at legal na katayuan ng isang tao – sa kondisyon na ang dokumento ay nananatiling buo, nababasa, at nakikita pa rin na naglalaman ng pagiging tunay.


Ang sinumang taong lalabag sa batas na ito, kapag napatunayang nagkasala, ay parurusahan ng pagkakakulong at/o pagmumultahin, sa pagpapasya ng korte. Kung ang paglabag ay ginawa ng isang pampublikong opisyal o empleyado, maaari rin siyang mapatawan ng temporary disqualification na humawak ng pampublikong opisina.


(Sec. 8, R.A. No. 11909)


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 30, 2023


Ang ating Saligang Batas ang nagbigay ng garantiya sa karapatan ng mga empleyado na magkaroon ng sariling organisasyon para mapangalagaan ang kanilang pansariling interes. (Section 3, Article 13)


Kaugnay nito, ang mga miyembro ng isang unyon ay may mga responsibilidad at kaakibat na karapatan.


Ang isang unyon ay itinatatag bilang isang instrumento para ang mga empleyado ay mabigyan ng boses sa kanilang mga pinaglilingkurang opisina o ahensya. Sa ganitong klaseng organisasyon, ang kabuuang mga miyembro ang tunay na magpapatakbo nito at hindi ang mga opisyales na itinalaga ng kabuuang miyembro.


Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karapatang ipinagkakaloob ng batas sa mga miyembro ng isang labor organization (Article 241, Labor Code of the Philippines, renumbered as Article 250 as per DOLE Advisory No. 1, Series of 2015, {Renumbering of the Labor Code of the Philippines, As Amended}):

1.Karapatang hindi magbayad ng sobra o ‘di-makatwirang bayad para sa pagpapanimula ng isang lehitimong organisasyon ng manggagawa, maging ang pagpataw ng labis at ‘di-makatwirang multa;

2. Karapatang mahatiran ng buo at detalyadong ulat mula sa mga opisyales at kinatawan ng unyon sa lahat ng pinansyal na transaksyon na nakatala sa konstitusyon at by-laws ng unyon;

3. Karapatang pumili at bumoto ng kanilang mga lokal na opisyales at kinatawan, maging ng mga opisyales sa pederasyon kung saan nakaanib ang kanilang lokal na unyon;

4. Karapatang tiyakin, sa pamamagitan ng sikretong balota pagkatapos ng masusing deliberasyon, ang anumang tanong tungkol sa polisiya na makakaapekto sa kabuuan ng miyembro ng organisasyon, maliban lamang kung ayon sa uri ng organisasyon o dahil sa ‘di maiwasang dahilan ang sikretong balota ay hindi praktikal. Sa ganitong pagkakataon ang nasabing polisiya ay pagpapasyahan ng board of directors ng nasabing organisasyon para sa pangkalahatang miyembro;

5. Karapatan na inspeksyunin ang libro ng organisasyon sa anumang oras na mayroon pang opisina;

6. Karapatang hindi mapatawan ng anumang espesyal o ‘di pangkaraniwang singilin maliban lamang kung ito ay binigyan ng nakasulat na awtorisasyon ng mayorya ng kabuuang miyembro ng organisasyon na nagpulong para sa ganoong kadahilanan.

Kaugnay ng huli, maliban sa mga iniuutos na aktibidades sa ilalim ng batas, walang espesyal na kabayaran, bayad sa abogado, bayad para sa negosasyon, at iba pang ‘di-pangkaraniwang bayarin na ikakaltas mula sa anumang halaga na nakalaan para sa isang empleyado maliban lamang kung mayroong indibidwal at nakasulat na awtorisasyon na nilagdaan ng empleyado. Ang nasabing awtorisasyon ay dapat na naglalaman ng espisipikong halaga, layunin, at kung sino ang makikinabang sa kaltas.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 29, 2023



Dear Chief Acosta,


Isa akong family driver at hindi ako binayaran ng aking amo ng 13th month pay. Sinabi sa akin ng aking kaibigan na ako ay may karapatan na makatanggap ng 13th month pay. Tama ba na may karapatan akong makatanggap ng nasabing benepisyo? -- Jerel Dear Jerel,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa kasong Celia R. Atienza vs. Noel Sacramento Saluta (G.R. No. 233413, 17 June 2019), na isinulat ni Kagalang-galang na dating Kasamang Mahistrado Jose Reyes, Jr. ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema, kung saan nakasaad ang mga sumusunod: “Petitioner is also not liable to the respondent for the payment of holiday pay, 13th month pay and service incentive leave pay because persons in the personal service of another, such as family drivers, are exempted from the coverage of such benefits pursuant to Articles 82, 94 and 95 of the Labor Code, and Section 3(d) of the implementing rules of Presidential Decree No. 851.”

Batay sa nabanggit na desisyon, ang mga employer ay hindi mananagot para sa pagbabayad ng 13th month pay sa mga empleyado na maituturing na nasa personal na serbisyo ng iba, tulad ng mga family driver. Hindi sila kasama sa saklaw ng naturang benepisyo.

Alinsunod dito, wala kang karapatang mag-demand ng 13th month pay dahil ang iyong trabaho bilang family driver ay hindi kasama sa saklaw ng nasabing benepisyo. Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page