top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 9, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako at ang aking mga kaibigan ay naglilingkod sa isang aircon service company.


Makalipas ang ilang buwan, kami ay pinagdudahan ng isa sa aming mga amo. Ako ay pinaimbestigahan ng aking amo na nagdulot ng ‘di pagkakaunawaan sa aming magkakatrabaho. Dahil dito, ako at ang aking mga kaibigan ay nag-resign sa aming trabaho. Dahil sabay-sabay kaming nag-resign, nagalit ang aming amo at kami ay kinasuhan ng ‘malicious mischief’ dahil sa pagputol ‘di umano ng mga kable ng aircon sa isang event. Ito ay walang katotohanan at gawa-gawa lamang. Sa katunayan, nakabase lamang ang kanilang kaso sa salaysay ng isang guwardiya at wala ng iba.


Ano ang maaari naming gawin? - Dani


Dear Dani,


Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Menandro A. Sosmeña v. Benigno M. Bonafe, et al., G.R. No. 232677, June 8, 2020, Ponente: Honorable Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier. Ayon sa nasabing desisyon, ang pagsasampa ng kaso nang walang basehan ay maaaring makonsiderang Malicious Prosecution, kung ang mga sumusunod ay mapatunayan:


“This Court has drawn the four elements that must be shown to concur to recover damages for malicious prosecution. Therefore, for a malicious prosecution suit to prosper, the plaintiff must prove the following: (1) the prosecution did occur, and the defendant was himself the prosecutor or that he instigated its commencement; (2) the criminal action finally ended with an acquittal; (3) in bringing the action, the prosecutor acted without probable cause; and (4) the prosecution was impelled by legal malice -- an improper or a sinister motive. The gravamen of malicious prosecution is not the filing of a complaint based on the wrong provision of law, but the deliberate initiation of an action with the knowledge that the charges were false and groundless.


Malicious prosecution does not only pertain to criminal prosecutions but also to any other legal proceeding such as a preliminary investigation.”


Sang-ayon sa nasabing kaso, may apat na elemento na dapat mapatunayan sa kasong Malicious Prosecution. Ang pinakamabigat sa mga ito ay kailangan na mapatunayan na ang pagsasampa ng kaso ay malisyoso sapagkat ito ay sinadya gayong alam ng nagkaso na ito ay pawang kasinungalingan at walang basehan. Sa kasong nabanggit sa itaas, binigyang-diin ng Korte Suprema kung paanong napatunayan na walang basehan ang nasabing kaso. Ayon sa Korte Suprema:


“As above-quoted, there is malice where a criminal complaint was initiated deliberately by a complainant knowing that his charges were false and groundless. So there must be deliberate initiation and knowledge of falsity or groundlessness of the charges. Concededly, as stated above, the mere act of submitting a case to the authorities for prosecution whether upon the correct or wrong provision of law does not make one liable for malicious prosecution.


The burden is upon respondents to prove malice upon the standard of proof of preponderance of evidence - is it more likely than not or probably true that petitioner knew that his charges against respondents were false and groundless and yet deliberately initiated the criminal complaints against them at the Office of the City Prosecutor in Pasay City.


The trial court and the Court of Appeals ruled that respondents have discharged their burden of proof. This Court agrees. We examine the established facts one by one to show that the trial court and the Court of Appeals correctly deduced therefrom the last two elements of malicious prosecution.


The common denominator of the facts, as the trial court and the Court of Appeals ruled, is petitioner’s ill will and bad blood towards respondents. That he was probably motivated by ill will and bad blood to complain against them is established.


Gaya sa inyong kaso, kinakailangan ninyong mapatunayan ang pagiging malisyoso ng pagsasampa ng kaso laban sa inyo. Kinakailangan na makita ng korte na ito ay walang basehan o kasinungalingan lamang.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 8, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay kumuha ng isang compulsory motor vehicle liability insurance (CMVLI) para sa binili ko na sasakyan. Noong nakaraang buwan lamang ay nabangga ang kotse ko ng isang SUV sa kahabaan ng EDSA. Ngayon ko lamang nakuha ang police report upang mapatunayan na aksidente ang nangyari, at ito ang dahilan ng pagkakasira ng aking sasakyan at pagkakatamo ko ng mga injuries. Nais ko lang malaman, maaari pa rin ba akong maghain ng insurance claim upang masagot ang gastos ng pagpapagawa sa aking sasakyan? Maraming salamat. - Mog


Dear Mog,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Sekyson 397 ng Presidential Decree No. 612 o ang “Insurance Code” na naamyendahan ng Republic Act No. 10607, kung saan nakasaad na:


“Section 397. Any person having any claim upon the policy issued pursuant to this chapter shall, without any unnecessary delay, present to the insurance company concerned a written notice of claim setting forth the nature, extent and duration of the injuries sustained as certified by a duly licensed physician. Notice of claim must be filed within six (6) months from the date of accident, otherwise, the claim shall be deemed waived. Action or suit for recovery of damage due to loss or injury must be brought, in proper cases, with the Commissioner or the courts within one (1) year from denial of the claim, otherwise, the claimant’s right of action shall prescribe.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang sino man na mayroong habol o claim sa isang polisiya o tinatawag na insurance policy, ay nararapat na ipresenta ang kanyang insurance claim, sa pamamagitan ng isang kasulatan, sa responsableng insurance company nang walang kahit anong hindi nararapat na delay. Sa nasabing claim ay dapat nakasaad ang nature, extent at duration ng natamo na injuries. Dapat ding ito ay pinatunayan ng isang lisensyadong doktor.


Karagdagan dito, nararapat na ang Notice of Claim ay maisumite na sa loob ng 6 na buwan mula sa araw ng insidente dahil kung hindi ito magawa, ang karapatan sa paghahabol sa insurance sa ilalim ng Compulsory Motor Vehicle Liability Insurance ay kinokonsidera nang tinalikdan.


Base sa iyong nabanggit na sitwasyon, maaari ka pa ring magsumite ng Notice of Claim sa responsableng insurance company. Dagdag pa rito, nais naming ipabatid sa iyo na ano mang paglabag sa probisyon ng nasabing batas ay may karampatang parusa na nakasaad sa Seksyon 442 ng Insurance Code.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 7, 2023


Dear Chief Acosta,


Kami ng aking asawa ang nag-alaga sa isang bata na iniwan ng kanyang mga magulang. Sa loob ng maraming taon ay itinuring namin siyang aming sariling anak.


Ngayon, ang batang inalagaan namin ay 28 taong gulang na. Maaari pa ba namin siyang legal na ampunin kahit na siya ay hindi na menor-de-edad? - Asul


Dear Asul,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong sitwasyon ay ang Section 31 ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Republic Act No. 11642 o mas kilala sa tawag na “The Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act,” na sumasailalim sa Section 22 ng nabanggit na batas, kung saan nakasaad na:


“SECTION 31. Who May be Adopted. - The following may be adopted:

(a) Any child who has been issued a CDCLAA;

(b) The marital child of one spouse by the other spouse;

(c) A non-marital child by a qualified adopter to improve status to legitimacy;

(d) A Filipino of legal age, if prior to the adoption, said person has been consistently considered and treated by the adopters as their own child prior to reaching the age of majority for a period of at least three (3) years prior to the filing of the petition;

(e) A foster child who has been declared as legally available for adoption;

(f) A child whose adoption has been previously rescinded;

(g) A child whose biological or adoptive parent have died. Provided, That, no proceedings shall be filed within six (6) months from the time of death of said parent/s; or

(h) A relative of the adopter under the relevant conditions stated in this section.”


Sang-ayon sa batas, maaaring ampunin ang isang Pilipino, kahit na siya ay nasa hustong gulang na, kung siya ay itinuring na sariling anak ng kanyang adopters noong siya ay wala pa sa hustong gulang nang hindi bababa sa 3 taon bago ang pag-file ng petition for adoption.


Ibig sabihin, dahil siya ay pinalaki ninyo at itinuring na sariling anak mula noong siya ay menor-de-edad pa lamang, maaaring ninyong ampunin ang nasabing tao, kahit na siya ay nasa hustong gulang na.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page