top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 30, 2023


Dear Chief Acosta,


Nasa kolehiyo na ang aking pamangkin at nabanggit niya sa akin na siya ay miyembro ng isang fraternity sa kanilang eskwelahan. Sinabi ng pamangkin ko na nakatutulong sa kanyang pag-aaral ang kanilang fraternity sapagkat madalas silang magkaroon ng group study bago ang kanilang mga major exams. Ngunit, kinabahan ako dahil nalaman ko na wala pala silang guro o adviser na nagsusubaybay sa mga gawain ng kanilang fraternity group. Ito ba ay tama? - Lilia


Dear Lilia,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 7 ng Republic Act (R.A.) No. 8049, na inamyendahan ng R.A. No. 11053, o ang "Anti-Hazing Act of 2018", kung saan nakasaad na:


“Sec. 7. Faculty Adviser. - Schools shall require all fraternities, sororities, or organizations, as a condition to the grant of accreditation or registration, to submit the name or names of their respective faculty adviser or advisers who must not be members of the respective fraternity, sorority, or organization. The submission shall also include a written acceptance or consent on the part of the selected faculty adviser or advisers.


The faculty advisers shall be responsible for monitoring the activities of the fraternity, sorority, or organization is established or registered.


In case of violation of any of the provisions of this Act, it is presumed that the faculty adviser has knowledge and consented to the commission of any of the unlawful acts stated therein.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, bago magawaran ng pahintulot o marehistro, dapat idirekta ng eskwelahan ang bawat fraternity, sorority, o organisasyon na magsumite ng pangalan o mga pangalan ng mga faculty advisers na hindi dapat miyembro ng parehong fraternity, sorority, o organisasyon. Nararapat din na ang pagsusumite ng pangalan ng faculty advisers ay may written acceptance o pahintulot ng huli. Ang nasabing faculty adviser o advisers ay responsable sa pagmo-monitor ng mga aktibidad ng nasabing fraternity o sorority group.


Kung kaya sa nabanggit mong sitwasyon, hindi nararapat o hindi pagsunod sa batas ang kawalan ng faculty adviser na gumagabay sa mga aktibidad ng fraternity group na kinabibilangan ng iyong pamangkin. Nais din naming idagdag na anumang paglabag sa nasabing probisyon ng batas ay may karampatang parusa na pagkakakulong at pagbabayad ng multa katulad ng nakasaad sa Seksyon 14 ng R.A. No. 8049.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 22, 2023


Dear Chief Acosta,


Isa nang senior citizen ang aking tiyuhin at wala na siyang kakayahan na magtrabaho.


Sapat lamang ang aking kinikita para sa gastusin ng aking pamilya, kaya hindi ko rin kayang suportahan ang ibang pangangailangan ng aking tiyuhin. Dahil dito, nais ko sanang malaman kung may batas ba na maaari kong mapagbasehan kung ang ating gobyerno ay may maibibigay na tulong pinansyal para sa aking tiyuhin. Maraming salamat. - Maty


Dear Maty,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 1 at Seksyon 2 ng Republic Act (R.A.) No. 7432, na inamyendahan ng R.A. No. 11916, na mas kilala bilang “Expanded Senior Citizens Act”, kung saan nakasaad na:


“Section 2. Definition of Terms. — For purposes of this Act, these terms are defined as follows: xxx


(j) Social Pension refers to the monetary grant from the government to support the daily subsistence and medical needs of senior citizens which shall not be less than One thousand pesos (P1,000.00) per month. xxx


Section 5. Government Assistance. — The government shall provide the following: x x x


(h) Additional Government Assistance


(1) Mandatory Social Pension


Indigent senior citizens shall be entitled to a monthly stipend amounting to not less than One thousand pesos (P1,000.00) to augment the daily subsistence and other medical needs of senior citizens. x x x”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, tayo ay may tinatawag na social pension kung saan ang ating gobyerno ay naglalaan ng monetary grant sa mga senior citizens na maaaring sumuporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan o sa gastusing medikal. Ang halaga ng nasabing social pension ay hindi bababa sa P1,000.00 na ibibigay sa mga senior citizen kada buwan. Kung kaya, sa iyong nabanggit na sitwasyon, ang iyong tiyuhin na isa nang senior citizen ay maaaring makakuha ng social pension na hindi bababa sa P1,000.00 kada buwan bilang tulong sa kanyang gastusin sa araw-araw o medikal na pangangailangan. Isa ito sa mga tulong na inilahad sa nasabing batas para sa ating mga senior citizens.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 21, 2023


Dear Chief Acosta,


Habang naglalakad ako sa kalye ay sinipulan at sinabihan ako ng “Uy sexy!” ng isang taong hindi ko kilala. Dahil dito ay natakot ako at pakiramdam ko ay nabastos ako.


Puwede ko ba siyang ireklamo at kasuhan ng kasong kriminal? - Cecille


Dear Cecille,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 4 ng Republic Act No. 11313 o mas kilala sa tawag na “Safe Spaces Act”, kung saan nakasaad na:


“Section 4. Gender-Based Streets and Public Spaces Sexual Harassment. - The crimes of gender-based streets and public spaces sexual harassment are committed through any unwanted and uninvited sexual actions or remarks against any person regardless of the motive for committing such action or remarks.


Gender-based streets and public spaces sexual harassment includes catcalling, wolf-whistling, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic and sexist slurs, persistent uninvited comments or gestures on a person’s appearance, relentless requests for personal details, statement of sexual comments and suggestions, public masturbation or flashing of private parts, groping, or any advances, whether verbal or physical, that is unwanted and has threatened one’s sense of personal space and physical safety, and committed in public spaces such as alleys, roads, sidewalks and parks. Acts constitutive of gender-based streets and public spaces sexual harassment are those performed in buildings, schools, churches, restaurants, malls, public washrooms, bars, internet shops, public markets, transportation terminals or public utility vehicles.”


Ayon dito, ipinagbabawal sa Safe Spaces Act ang mga hindi kanais-nais na sekswal na pananalita sa pampublikong lugar, kahit ano pa man ang motibo nito, kung ito ay nakakaapekto sa personal space at physical safety ng isang tao. Kabilang dito ang catcalling na nangyari sa iyo. Kaya naman, dahil ikaw ay nabastos sa ginawang aksyon ng nasabing tao, puwede mo siyang kasuhan ng paglabag sa Safe Spaces Act.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page