top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 11, 2023



ree

Naniniwala si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na dapat sumunod ang mga ASEAN leaders sa international law sa rehiyon.


"In order to harness the potential of our region, I believe that ASEAN must double its efforts especially in these following priority areas: first, ASEAN should uphold international law and the international rules based system which has underpinned the peace, security, stability, and prosperity of our region," pahayag ni Marcos sa pagbubukas ng plenary session ng 42nd Association of Southeast Asian Nations Summit.


Ito ang binigyang-diin ng Pangulo isang araw matapos niyang sabihin na magpapatuloy niyang isulong ang Code of Conduct sa South China Sea sa ASEAN Summit.


Aniya, hindi kakalma ang tensyon sa rehiyon kung walang Code of Conduct.


"You cannot stop trying so yes I will bring that up again. Because when we talk about the issues in the West Philippine Sea, in the South China Sea, hindi magkakalma iyan hanggang wala tayong Code of Conduct,” pahayag ni Marcos sa panayam ng mga mamamahayag, Martes ng gabi sa Meruorah Convention Center sa Labuan Bajo, Indonesia.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 11, 2023



ree

Iginiit ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na dapat nang tugunan ang tumatandang populasyon sa Southeast Asian region.


Sa pagbubukas ng 42nd Association of Southeast Asian Nations Summit Plenary Session, sinabi ni Marcos na dekada na ang patuloy na paglago ng ekonomiya at kaunlaran ay nagbunga ng mas mahabang lifespans sa rehiyon.


Binanggit din ng Pangulo ang ulat ng Asian Development Bank kung saan inihayag niya na isa sa apat na tao sa Asia Pacific ay lalampas sa edad na 60 sa taong 2050.


"According to the Asian Development Bank, one out of four people in the Asia Pacific will be over the age of 60 by the year 2050," saad ni Marcos.


"I think, therefore, it is time that ASEAN should start discussing the concerns of an ageing population, consistent with the ASEAN tradition of valuing our elders," sabi ni Marcos


"We must view this, all this as an opportunity and as a challenge, especially in terms of adequate social benefits on the one hand and social empowerment on the other," wika pa niya.


Dapat din aniya na tiyakin sa ASEAN goals at work plans ang kalusugan ng mga matatanda sa pagbibigay ng ligtas, may dignidad at produktibong buhay.


 
 

ni Lolet Abania | April 27, 2022


ree

Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon na dumalo sa United States-ASEAN summit sa Washington DC, na gaganapin pagkatapos ng May 9 elections.


Sa Talk to the People na ipinalabas ngayong Miyerkules nang umaga, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi makabubuti para sa kanya na dumalo sa May 11-13 summit dahil sa panahong iyon ay malalaman na at mayroon nang bagong pangulo ang bansa.

“May invitation kasi ako sa America to join ASEAN countries to have a dialogue with [US President Joe] Biden. Ang problema kasi the dates are May 11 to 13, ang aming conference. By the time tapos na ang eleksyon, malaman na natin kung sino ang bagong presidente,” saad ng Pangulo.


“Ang mahirap kasi kung ako ang nandu’n, I might take a stand that could not be acceptable to the next administration,” aniya pa.


Ipinahayag din ng Punong Ehekutibo ang tungkol sa kanyang safety kung magta-travel siya patungo sa US para sa nasabing summit.


“Kaya takot rin ako na pumunta roon. Una, mawala. Pangalawa, makapasok ako sa lugar na baka makatay lang ako. Pangatlo is a matter of principle. Noon pa sinasabi ko na talaga na ayaw ko. Reason is akin na lang ‘yun,” paliwanag pa ni P-Duterte.


Ayon sa Pangulo, inatasan na niya sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na pumunta sa US para talakayin ang aniya, ‘maraming bagay’, kabilang na ang ASEAN Summit at ilang kumpidensyal na usapin.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page