top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 18, 20244




Hindi pa rin suportado ng mga Arizona Republicans ang inihihirit ng mga Democrats na alisin ang batas na nagsimula nu'ng 1864 na nagbabawal sa abortion.


Ito ay matapos nagkasalubong ang kapulungan sa 30-30 sa isang procedural motion na nagbibigay-daan sa isang panukalang batas na tuluyang alisin ang pagbabawal sa abortion.


Kinakailanga ang isa pang karagdagang boto mula sa isang Republican upang maging posible ang botohan sa pagtanggal ng nasabing batas na binuo nu'ng hindi pa ganap na estado ang Arizona at wala pang karapatan sa boto ang mga kababaihan.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 18, 2021



Isa ang patay at 12 katao ang sugatan sa naganap na drive-by shooting spree sa Arizona, US noong Huwebes, ayon sa awtoridad.


Tumagal umano nang isa at kalahating oras ang pamamaril ng gunman sa walong komunidad bago siya nahuli ng mga pulis sa traffic stop.


Bukod sa nasawi, tatlong indibidwal din ang nabaril ng gunman at ang 9 na iba pa ay nagtamo ng minor injuries.


Saad ni Peoria Police Spokesman Brandon Sheffert, "We don't know what the motive was, we don't have an idea of what this person was thinking when he went out and did this.


"Obviously, we want to figure that out, because there's a lot of scared people.”


Hindi naman umano nanlaban ang suspek nang arestuhin ng awtoridad at kasalukuyan pa ring inaalam ang motibo nito sa pamamaril.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page