ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 4, 2020

Handang magpabakuna laban sa COVID-19 sa harap ng camera ang mga dating pangulo ng US na sina Barack Obama, George W. Bush at Bill Clinton upang mahikayat ang publiko na ligtas ito.
Pahayag ni Obama, "I may end up taking it on TV or having it filmed, just so that people know that I trust this science.” Ayon naman sa chief of staff ni Bush, magpapabakuna rin umano ang dating pangulo sa harap ng camera kapag naglabas na ng approval ang U.S. Food and Drug Administration.
Pahayag naman ni Angel Urena, spokesman ni Clinton, handa rin daw itong magpabakuna “as soon as available to him, based on the priorities determined by public health officials. "And he will do it in a public setting if it will help urge all Americans to do the same."

