top of page
Search

ni Ali San Miguel @Overseas News | July 29, 2024



Sports News
Photo: U.S. Vice President Kamala Harris / USA Today

Inihayag ng kampanya ni U.S. Vice President Kamala Harris nitong Linggo na nakalikom sila ng $200 milyon at nakapagtala ng 170,000 bagong boluntaryo sa loob ng isang linggo mula nang siya’y naging kandidato ng Partido Demokratiko para sa pagkapangulo.


Umatras sa kanyang reelection bid si President Joe Biden noong nakaraang Linggo at sinuportahan si Harris para sa halalan sa Nobyembre 5 laban kay Republican ex-President Donald Trump.


"In the week since we got started, @KamalaHarris has raised $200 million dollars. 66% of that is from new donors. We've signed up 170,000 new volunteers," saad sa X (dating Twitter) ng deputy campaign manager ni Harris, na si Rob Flaherty, sa X.


Nagpapakita ang mga poll noong nakaraang linggo, kabilang ang isang isinagawa ng Reuters/Ipsos, na magkalapit ang mga numero nina Harris at Trump, na naglalagay sa kanila sa isang mahigpit na laban sa nalalabing 100 araw bago ang eleksyon.

 
 

ni Joy Repol @World News | August 21, 2023



ree

Nagkasundo sina U.S. President Joe Biden at ang mga lider ng South Korea at Japan sa Camp David na palalimin ang kooperasyong militar at pang-ekonomiya gayundin ang pagkondena sa umano’y agresibong pag-uugali ng China sa West Philippine Sea.


Idinaos ng administrasyong Biden ang summit kasama ang mga pinuno ng mga pangunahing kaalyado ng U.S. sa Asya – si South Korean President Yoon Suk Yeol at Japanese Prime Minister Fumio Kishida – sa hangarin na maipakita ang pagkakaisa sa

harap ng lumalaking kapangyarihan ng China at mga nuclear threats mula sa North Korea.


Sumang-ayon din silang magsagawa ng military training exercises taun-taon at magbahagi ng real-time information sa paglulunsad ng missile ng North Korea sa katapusan ng 2023.


Nangako rin ang mga bansa na magdaraos ng mga trilateral summit taun-taon.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 10, 2023



ree

Tutulak sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa darating na Nobyembre upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leader’s Summit na gaganapin sa San Francisco, California.


"I look forward to joining fellow APEC Leaders in California this year. This will be my third trip to the U.S. since I assumed office,” sabi ni Marcos sa courtesy call ng US-ASEAN Business Council na ginanap sa Malacañang.


"With energy security high in the economic agenda, we are particularly interested in sustainable land, water, and ocean solutions that align with our climate goals and support our plans to transform the Philippines into an upper Middle-Income Country by the year 2025," wika pa ng Pangulo.


Una nang dumalo si Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre 2022.


Nagkaroon din ng state visit ang Pangulo sa Washington, DC noong Mayo.


“I have called for Philippine-United States economic engagement to boost two way trade especially critical sector such as infrastructure, agriculture, clean energy including nuclear energy, green metals and critical metals, IT-BPO, and semi-conductor, resilience on climate change,” banggit pa ni Pangulong Marcos.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page