top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 6, 2024




Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) ngayong Sabado na naka-standby ang kanilang mga volunteers upang tumulong sa milyun-milyong mga deboto na dadalo sa Traslacion 2024 sa Quiapo Church at Quirino Grandstand mula Enero 7 hanggang 10.


Binanggit ng PRC sa isang pahayag na magpapadala sila ng higit sa 1,000 na first aiders, Emergency Response Unit (ERU) personnel, at Emergency Medical Teams (EMT) sa 10 first aid stations at welfare desks para sa ruta ng prusisyon.


Magde-deploy ang organisasyon ng mga volunteers mula sa iba't ibang chapters sa National Capital Region (NCR) at lalawigan ng Rizal.


Itatayo rin nila ang isang Emergency Field Hospital (EFH) malapit sa Kartilya ng Katipunan upang palakasin ang EFHs ng Department of Health (DOH) at ng Disaster Risk Reduction and Management Office.


Dinagdag pa ng PRC na mayroong 17 ambulansya, isang fire truck, dalawang rescue boat, at isang amphibian vehicle na ilalagay sa buong ruta ng prusisyon.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 5, 2021



Walo ang sugatan matapos magsalpukan ang bus at ambulansiya sa EDSA Shaw tunnel noong Biyernes nang gabi.


Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Chief Bong Nebrija, isinugod sa Mandaluyong City Medical Center ang walong sugatan sa insidente.


Aniya, pumasok sa bus lane ang ambulansiya na saktong pagdating naman ng bus.


Saad ni Nebrija, “Papasok siya to get in the busway para mapabilis din siya, ma-traffic. May paparating na bus. Ewan ko kung nakita niya, sabi niya, nakita niya, pero apparently, hindi niya iniwasan.”


Nang bumangga umano ang bus sa ambulansiya ay tumaob ito.


Aniya, “Natanggal po ‘yung portion ng center island natin and so many barriers have been knocked down again, ano? At tumaob pa ‘yung ambulansiya.”


Nilinaw din ni Nebrija na priority pa rin ang mga bus sa bus lane.


Pahayag ni Nebrija, “Ang sinasabi ko, even though they could use it, they are not the priority. Ang priority pa rin is ‘yung bus. So if they want to use it and there’s a bus coming in, they need to give way to the bus.


“Eh, lalung-lalo na itong ambulansiyang ito, wala namang laman. Ang kine-claim niya, may pi-pickup-in siyang pasyente. I do not know what’s the level of emergency nu’ng pi-pickup-in niya.”


Samantala, sugatan sa insidente ang driver ng bus, konduktor at anim na mga sakay nitong pasahero.


Patuloy pa ring isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.


 
 

ni Lolet Abania | September 3, 2020




Muling nagkaloob ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng 34 Patient Transport Vehicles (PTV) sa local government units (LGUs) at sa mga ospital ng gobyerno upang makatulong sa paglaban sa sakit na COVID-19.


Ayon kay PCSO General Manager Royina Marzan-Garma, ang donasyon ng ahensiya na mga ambulansiya ay mula sa Patient Transport Vehicle Donation Program. Ito ang ikalimang batch ng PTV na nai-donate ng ahensiya na umabot sa halagang P53 million.


Ipinadala na sa Mountain Province at sa Camarines Sur ang mga naturang ambulansiya, ayon pa kay Garma. Gayunman, nilinaw ni Garma na hindi nagmula sa pondo ng gobyerno ang ipinambili ng PTV.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page