top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 16, 2024




Pinaplano ng lokal na pamahalaan ng Pio Duran, Albay na ideklara ang bayan na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa lumalalang epekto ng El Niño, lalo na sa sektor ng agrikultura.


Ayon sa datos ng lokal na pamahalaan, humigit-kumulang na 1,232 ektarya ng sakahan ang naapektuhan ng matinding init.


Sa 33 barangay sa Pio Duran, 28 ang nag-ulat ng pinsala na nagdulot ng masamang epekto sa mga 1,565 magsasaka.


Umabot na sa tinatayang P82 milyong halaga ang mga nasira at nasayang na produkto.


Bilang tugon, plano ng lokal na pamahalaan na magdeklara ng state of calamity sa munisipalidad upang magbigay ng mas malaking tulong sa mga magsasakang naapektuhan.

 
 
  • BULGAR
  • Jun 12, 2023

ni Mai Ancheta | June 12, 2023




Nagpatupad ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Albay kasunod ng idineklarang state of calamity sa lalawigan dahil sa nagbabadyang posibleng pagsabog ng bulkan.


Mangangahulugan ito na hindi maaaring magtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin sa loob ng 60 araw, alinsunod sa inilabas na memorandum ng DTI na may petsang June 9, 2023.



May katapat na parusa ang sinumang negosyanteng lalabag sa Price Act, at pagmumultahin o babawian ng lisensya sa pagnenegosyo.


Kabilang sa mga isinailalim sa price freeze ay bigas, tinapay, mantika, sabong panlaba, kandila, bottled water, karne, at mga de lata na mabibili sa mga palengke, grocery stores, supermarket at iba pa.


Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon na posibleng mauwi sa pagsabog sa mga susunod na araw.


 
 

ni Madel Moratillo | June 12, 2023



Naglaan ng 1.8 milyong piso ang Department of Health bilang contingency fund sa mga maapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.


Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, inatasan na rin niya ang kanilang central office at Disaster Risk Reduction and Management Office para mag-mobilize ng karagdagan pang pera para dagdag-pondo.


Sa monitoring ng DOH, nasa higit 6,300 indibidwal ang nananatili sa 18 evacuation centers sa Albay.


Tiniyak ni Herbosa na naka-monitor ang kagarawan sa mga nasabing evacuation centers lalo na at lantad ang mga ito sa banta ng pagkalat ng acute respiratory infections maging ng COVID-19.


Nais din nito na magdala ng bivalent COVID-19 vaccines sa mga nasabing evacuation centers para maprotektahan lalo ang vulnerable populations sa virus.


Nagbabala rin si Herbosa sa panganib sa kalusugan ng pagkakalanghap ng sulfur dioxide o ashfall. Payo niya, magsuot ng N95 masks bilang proteksyon.


Una rito, itinaas na sa Code Blue alert ang sitwasyon sa Albay. Sa ilalim nito, lahat ng municipal/district hospitals, provincial hospitals, rural at city health units at offices, maging Albay Provincial Health at Emergency Management Staff personnel ay kailangan mag-report sa Province Health Office


 
 
RECOMMENDED
bottom of page