top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En
Search

by BRT @News | October 6, 2026

Naujan, bawal muna ang pagpasok ng buhay na baboy

Photo: File

Pansamantalang ipinagbawal sa Naujan, Oriental Mindoro ang pagpasok ng mga buhay na baboy para maiwasan ang African Swine Fever (ASF).

Sakop nito ang mga baboy na ibebenta, ipaparami, kakatayin o dadalhin sa ibang dahilan.

Maglalagay din ng ASF checkpoints sa mga pasukan ng bayan para inspeksyunin ang mga sasakyang may dalang baboy at mga kaukulang dokumento.

Hinigpitan din ang pagpasok ng frozen pork at iba pang produktong baboy.

Ayon sa lokal na pamahalaan, wala pang naitalang ASF sa Naujan at sa buong Oriental Mindoro.

ni Jenny Rose Albason @News | October 9, 2023

Naitala sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang unang kaso ng African swine fever (ASF).

Sa isang pahayag, iginiit ni Governor Bonz Dolor na ang mga kaso ng ASF, ay hindi nakakaapekto sa kalusugan ng tao.

Nagmula umano ito sa mga barangay ng Dannggay at Bagumbayan sa bayan ng Roxas.

Nag-utos siya ng sample testing para sa 'highly contagious pig disease' sa limang bayan sa Roxas gayundin sa isang baryo sa bayan ng Mansalay kung saan iniulat ang kaso ng ASF.

Maglalagay rin aniya ng checkpoints sa mga border ng Roxas at Bongabong towns at sa Roxas-Mansalay boundary. Dagdag pa ni Dolor, ipinagbabawal na rin ang pagbebenta ng baboy sa pamamagitan ng Danggay o Roxas ports simula ngayong araw, Lunes.

ni Madel Moratillo | June 5, 2023

Nanawagan ang National Federation of Hog Farmers Inc. na magbigay ng subsidiya para sa bakuna kontra African Swine Fever (ASF).

Ayon kay NFHFI President Chester Tan, kung hindi ito kayang mailibre ng gobyerno sana kahit kalahati man lang ng presyo ay matulungan ang mga maliliit at medium scale na magbababoy sa bansa.

Hindi pa aniya tiyak ang presyo ng bawat dose ng bakuna pero sa kanilang pagtaya ay posibleng abutin ito ng P400 hanggang P600.

Masyado aniya itong malaki para sa mga maliliit na magbababoy.

Una rito, sinabi ng Bureau of Animal Industry na napatunayang epektibo ang ASF vaccine sa mga clinical trials na ginawa sa anim na hog farm sa Luzon.

Matatandaang noong 2019 nagkaroon ng outbreak ng ASF sa bansa.

RECOMMENDED
bottom of page