top of page
Search

by LBC Express - @Brand Zone | November 23, 2020



Mas pina-wow ng LBC ang ating Kapaskuhan ngayong 2020 dahil sa hatid nitong serbisyo na mas pinadali, mas pinaligtas at mas pinabilis!


Dahil sa nararanasang pandemya, ipinag-utos ng pamahalaan na ipagbawal ang pangangaroling at pamamasko ngayong darating na Kapaskuhan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Pero siyempre, hindi hahayaan ng LBC na hindi makapamasko ang mga bagets pati na rin ang mga feeling bagets sa kanilang online service!


Kahit malayo ay mararamdaman natin ang pagmamahal nina Ninong at Ninang sa “Pina-Wow na Pera Padala” ng LBC. Ito ang lowest fee ever ng LBC na sa Php2 lamang ay maiaabot na natin sa ating mga inaanak at pamilya ang pera.


Bukod pa rito, mas pinadali na ang processing dahil isang valid ID lamang ang kailangan para makapagpadala.


Nangangamba dahil walang malapit na branch ng LBC sa inyong pamilya? ‘Wag mag-alala dahil nakipagtulungan ang LBC sa Palawan Express, Cebuana Lhuiller at M. Lhuiller. Maaari na nating i-claim dito ang padalang pera mula sa LBC.


Hindi lang ‘yan, dahil sa panahon ng pandemya, limitado lamang ang ating paglabas pati na rin ang pagbubukas ng mga branch ng LBC, kaya naman hatid din nito ang Instant Peso Padala online na supervised by Bangko Sentral ng Pilipinas. Dito, maaari na tayong makapagpadala ng pera, anytime, anywhere!


Bisitahin lamang ang kanilang website sa https://www.lbcexpress.com/remittance/ipp-online at voila, instant money padala na sa inyong love ones!


Kaya naman, wala ng dahilan para hindi natin maiabot sa ating mga mahal sa buhay ang pagmamahal natin sa kanila. Sabi nga ng LBC, “there’s no reason not to move money via LBC Instant Peso Padala!”


Mas pinadali, mas pinabilis, mas pinasimple, mas pinalawak at mas garantisado na ang pagpapadala natin ng pera sa tulong ng LBC. Sabi nga sa LBC, we like to move it!


 
 

by SM Supermalls - @Brand Zone | December 21, 2020



Marami mang pagsubok ang dumating ngayong 2020, hindi pa rin makakalimutan ng BDO Unibank at SM Supermalls na mag-find ng ways sa tradisyon nito taun-taon sa pagkilala sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) at sa kanilang pamilya ngayong Christmas season.


Ngayong taon, dahil sa pandemya, ang “Pamaskong Handog” ay ginawang virtual ngunit, punumpuno pa rin ng star-studded guests at performers at iba’t ibang aktibidad kung saan nakilala ang event na ito.


Kaya naman inanunsiyo via media teleconference ang opisyal na paglulunsad ng Pamaskong Handog 2020: Sama-Sama Tayo sa Pasko.


Present sa launching sina BDO Unibank Senior Vice-President Genie Gloria, BDO Unibank Senior Vice-President Jamie Nasol, BDO Network Bank Senior Vice-President Karen Cua at SM Supermalls Senior Vice-President for Marketing Jonjon San Agustin.



Ayon kay Ms. Gloria ng BDO, mapapanood ang Pamaskong Handog sa Facebook Live sa BDO Kabayan Facebook Page at simulcast sa BDO Unibank Youtube Channel noong Disyembre 13. Nakisaya rito sina Piolo Pascual, Christian Antolin, Marcelito Pomoy, Beks Batallion at Donekla.


Bukod pa rito, nakisaya rin ang ilang OFW mula sa iba’t ibang sulok ng mundo sa inihandang virtual games at papremyo.


Kasama sa selebrasyong ito ang ilang sponsors kabilang ang World Remit, Moneygram, Western Union at Ria Money Transfer.


Ang event na ito ay isa sa mga inisyatibo ng BDO na makapagbigay-pugay sa lahat ng OFWs at sa pamilya nito.


Ang BDO Remit ang isa sa mga naging kaagapay ng mga OFWs lalo na ngayong panahon ng pandemya sa safest, trusted at reliable remittance sa pagpapadala ng pera sa kanilang pamilya.


Tinatayang nasa 12.5 milyong OFW ang nasa 150 bansa na kumakayod para sa kanilang pamilya.


Samantala, sinisigurado naman ng SM Supermalls na safe ang pamimili ng kanilang pamilya ngayong Kapaskuhan dahil patuloy nitong sinusunod ang health protocols.


“Even when the country went in quarantine, SM Supermalls has consistently prioritized customer safety and satisfaction with #SafetyMallingAtSM. And even with the increased operation of our malls with the lifting of the lockdowns, we always see to it that each and every mall strictly follows safety practices and sanitation protocols that comply with government directives to ensure a safe malling and dining experience for everyone,” bahagi ni San Agustin.


 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | November 12, 2020



Lumahok ang Manila Electric Company (Meralco) at ang social development arm nito na One Meralco Foundation (OMF) sa Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid 2020.



Ang layunin ay mapabilis ang pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Rolly.



Nitong Nobyembre 7, nagpadala ang Meralco ng 206 na katao na binubuo ng mga engineer, linemen, at support personnel upang tumulong sa power restoration sa Albay, Catanduanes, at ibang bahagi ng Camarines Sur. 



65 na katao naman mula sa grupong ito ay tutulong sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga restoration works na gagawin nito sa Bicol.



Ang Meralco ay nakikipag-ugnayan para sa proyektong ito sa Department of Energy (DOE), National Electrification Administration (NEA), Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. (Philreca), at sa iba pang mga Electric Cooperative sa Bicol.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page