top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 07, 2021




Sa virtual mediacon ng pelikulang Revirginized, tinanong si Marco Gumabao kung ano ang naging reaksiyon niya nu'ng malamang hindi lang niya makakasama kundi makakapareha pa ang Megastar na si Sharon Cuneta.


Pahayag ni Marco, “I was at Viva office that day and then, katatapos lang ni Direk Darryl Yap na mag-pitch sa Zoom. I entered Boss Vic del Rosario’s office and then, biglaan, sinabi sa akin ni Boss Vic, ‘O, Marco, may bago kang movie, kasama mo si Miss Sharon.’


“Siyempre, I’m so excited. Hindi ako makapaniwala talaga noong una. So, I thought noong una, anak ako. 'Yun talaga ang unang pumasok sa isip ko. ‘Ikaw 'yung magiging leading man ni Sharon sa movie.’ I was really shocked and I was really excited,” sey ni Marco.


Sa panig naman ni Sharon, sinabi nitong masayang katrabaho ang binatang aktor.


“He’s a dream to work with because he is professional. He is obviously the heartthrob of Viva now. He’s a good boy. We’re both Christians and, you know what, he’s a friend of mine. He’s a dream to work with."


Fake news naman ang lumabas na balitang nagkarelasyon sina Mega at Marco while doing the movie.


Ani Mega, “Dyusko, anak ko na 'yan, younger than KC (Concepcion). In the movie, I call him Pawie. Usually, when there's someone his age that I work with, I call him son. Anybody, son or anak.


“With Marco, I tried to keep it really straight. ‘This is Pawie, this is my honey in the movie.’ So, hanggang promo, pinaninindigan ko 'yun for the sake of the movie,” sey ng Megastar.


Isa sa mga pinag-uusapang eksena sa movie ay ang tequila body shot kung saan dinilaan ni Sharon ang asin sa dibdib ni Marco bago lumagok ng tequila at sabay sipsip ng lemon.


May paliwanag din si Marco tungkol sa kontrobersiyal na trailer sa tequila body shot sa Revirginized at kung ano'ng mga bashing ang kanyang natanggap.


“Everyone’s entitled to their own opinion so, of course, rerespetuhin namin if ever. 'Yun po ang opinyon nila para sa movie namin.


“But for me, before you bash us, or before you say bad stuff about our film, I think it’s best that you watch it first. Based on the trailer, parang it’s all partying, it’s all about having fun. But if you really watch the whole film, makikita n'yo na may lesson sa dulo, especially 'yung scene namin ni Miss Sharon.


“I think that was one of the best scenes of the movie kasi 'yun talaga ang naging turning point for the character of Miss Sharon,” pag-e-explain pa ni Marco.


Napapanood na ang Revirginized na idinirek ni Darryl Yap via Ktx.ph simula kahapon, Biyernes (Aug. 6). Magkakaroon din ito ng theatrical release sa US at Canada sa August 13 at mapapanood din sa Vivamax.

 
 

DAHIL MADATUNG NA.


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 02, 2021




Dahil lantaran na ang relasyon ng ating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang coach-boyfriend na si Julius Irvin Hikaru Takamura Naranjo, inuulan naman ng bashing ang Japanese-American coach halos isang linggo matapos makamit ni Haidie (palayaw kay Hidilyn) ang tagumpay sa weightlifting competition sa 2020 Tokyo Olympics.


Bukod kay Julius, ilan sa mga tumulong kay Hidilyn ay sina Head Coach Gao Kaiwen, sports psychologist na si Ma’am Karen Trinidad, at ang nutritionist na si Ma’am Jeaneth Aro.


Iba siyempre ang conditioning ni Coach Julius sa GF. Nagsilbing inspirasyon at coach ni Hidilyn ang kanyang BF mula nang magkita silang dalawa sa 2017 Asian Indoors Martial Arts Games in Ashgabat, Turkmenistan kung saa'y nakipag-compete rin si Julius sa 62kg weight category representing Guam.


Mukhang doon sila nagkamabutihan hanggang sa inimbitahan ni Hidilyn si Julius na pumunta ng Maynila.


Kahit hindi pa sila GF-BF noon at wala pang kasiguraduhan, tinulungan talaga ni Julius si Hidilyn, even sacrificing his own dreams.


Pero ngayong sikat at mapera na si Hidilyn dahil sa premyong matatanggap bilang unang Pinoy gold medalist sa Olympics, nandiyang intrigahin si Julius ng maraming tao na dapat daw ay libre na lang ang pagtuturo nito at hindi dapat magpabayad sa serbisyo dahil boyfriend siya ni Hidilyn.


May higit pa ngang masakit na komento ang isang netizen na si Ed Padrigo, "Kapit-tuko ngayon si boyfriend kay Hidilyn dahil instant multi-millionaire na ito.”


O ‘di nga ba, sobrang pagmamaliit kay Julius?


Subali't sa gitna ng maraming masasakit na salita at pagdududa at bashing na natanggap ni Julius sa napakaraming tao, heto ang pahayag niya sa Level Up program ng Pep Troika nitong Hulyo 30, Biyernes sa Radyo Katipunan.


Sabi ni Julius, “Let me drink my coffee to that. It is what it is. No one will ever understand this journey unless you’ve been on it.


“And you know what, I don’t have to explain; but to be honest, despite that negativity, we reached that shining light, I was able to pull myself out of that abyss.


“I helped and worked so hard to get Haidie here now, and you know what, that is the most important thing to me.


“Everyone will always have something to say, but look, I or we might be doing something right, and if people are trying to find something negative to try to bring me or us down, let me drink my coffee to it, it’s not gonna work.”


Well, walang kasingsaya naman si Hidilyn sa piling ng coach-boyfriend kahit pa sila'y iniintriga. In fairness, kitang-kita naman ang suporta ni Julius kay Hidilyn na nakapasyal na sa iba't ibang parte ng mundo at the expense of her BF.

 
 

'WAG IBOTO!


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 31, 2021



Pinalagan ng aktor na si Enchong Dee ang papuring ibinigay ni Presidential chief legal counsel Atty. Salvador Panelo sa ating Pinoy pride na si Hidilyn Diaz matapos makasungkit ang 30-year-old na taga-Zamboanga ng gold medal sa ginaganap na Tokyo Olympics 2020 sa weightlifting category.


Sa kanyang Twitter account, nag-post si Enchong last July 27 ng dalawang pictures ni Panelo kung saan kasamang nakasaad ang dating naging pahayag nito tungkol kay Hidilyn at ang pagbati ngayong nanalo nga ang ating kababayan sa Tokyo Olympics.


Sa unang larawan, ganito ang mababasang diumano'y naging statement ni Panelo, “Just because you are a silver medalist, entitled ka sa drugs, bawal po 'yan, Ms. Hidilyn. Our intelligence report is very credible, kasama ka sa drug list.”


At sa pangalawang larawan, ito naman diumano ang naging pahayag ngayon ng legal counsel ni P-Du30, “CONGRATULATIONS Ma’am Hidilyn for the gold. We always know that you will bring honor to our country that’s why the Duterte administration always extend (sic) its support to you!”


Nilagyan naman ito ni Enchong ng caption na: "Jokes on you… never vote for this kind of clown… ever."



Idinenay din diumano ni Atty. Panelo na may sinabi siyang masama kay Hidilyn Diaz noon.


Sa FB page ng legal counsel, nilinaw niyang, “I never said that Ms. Diaz is not entitled to drugs just because she is a sports medalist. Neither did I aver that she was part of a drug list.”


Alam kaya ni Enchong na na-fake news siya?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page