top of page
Search

NEW YORK ANG MGA MUKHA NILA.


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 23, 2021




Nasorpresa ang reel-and-real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong malaman ang balitang ibinalandra sa digital billboards sa Times Square sa New York City ang kanilang Pepsi #HitSarap commercial kasama ang basketball heartthrob na si Ricci Rivero, social media sensation na si Mimiyuuuh, at P-pop boyband na SB19.


Sa isang virtual interview sa aktres kasama ang group hosted by Pepsi Philippines #HitSaSarap, aniya'y 'di nila alam na mapapanood abroad ang nasabing softdrinks ad, partikular na sa US.


Saad ni Kathryn, "Actually, hindi nila sinabi sa amin ‘yung tungkol doon kaya nu’ng lumabas ‘yun, nagulat din kami."


Naitanong din sa magkasintahan kung ano ang kanilang naging reaction sa pagiging bahagi ng ad na nakadispley internationally.


"Sino ba ang hindi matutuwa? It's a dream come true, 'di ba, for every artist na ma-feature roon. I never thought na mapupunta ‘yung faces namin doon.


"Not just in New York, pero pati sa Downtown L.A., nandu’n ‘yung faces namin and ‘yung TVC na ginawa namin.


"So sobra niyang surreal but nakakatuwa na na-experience namin ‘yun. It's such an honor."

Maging si Daniel ay feeling proud having the opportunity to represent the Filipinos abroad sa pamamagitan ng ad na ito.


Sabi ni Daniel, "Salamat sa Pepsi, nabigyan tayo ng pagkakataon na maipakita tayo, ang talento ng Pilipino, maipakita tayo roon sa New York, sa Times Square."


Dahil na rin sa kasalukuyang pandemya, mahalaga sa KathNiel ang ganitong klaseng tagumpay at pagpapahalaga.


Sey ni Kathryn, "So, ‘yung mga small wins namin ni DJ (initials ni Daniel), ‘yun ‘yung isine-celebrate namin ngayon.


"No matter gaano ‘yun kasimple, dapat maging grateful ka kasi may trabaho ka, 'andito pa rin, ‘di ba? So, mas na-appreciate lang namin lahat."


Ang bongga naman talaga ng KathNiel, 'di ba?

 
 

GIGISING KA, MAGKATALIKOD NA KAYO!


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 22, 2021




Naging emosyonal muli si Vice Ganda sa Reina ng Tahanan segment ng programang It's Showtime nitong nakaraang Friday episode (August 20).


Tungkol sa paglisan ng isang mahal sa buhay o "faded love" ang naging usapan nila ng nasabing contestant.


Naitanong ni Vice sa contestant, "Paano mo malalaman kung 'yung araw-araw mong katabi sa kama at araw-araw na kasabay mong kumain ay hindi (pala) totoo ang kanyang yakap at halik?"


Sagot naman ng ReiNanay na si Rebecca, "Alam n'yo po, kahit hindi na i-elaborate, mararamdaman at mararamdaman mo 'yan. Kasi dumarating tayo sa punto na... halimbawa, pagkatapos nating kumain, matutulog na tayo. Meron 'yang ginagawa (gaya ng), ang tagal-tagal niyang pumasok (sa kuwarto)," lahad ng contestant.


Dagdag pa ni Rebecca, "Mararamdaman mong ang kanyang yakap ay kamay na lang, wala na 'yung paa. (Siyempre) Magdududa ka na. Pero 'pag dumating 'yung pagkakataon na wala na 'yung kamay at paa, hala, napakahirap sa damdamin 'yun," aniya pa.


Sagot naman ni Vice, napakasakit sa damdamin na paggising mo, ang katabi mong matulog ay nakatalikod lang pala sa 'yo.


"Ang lungkot nu'n, 'no? 'Pag nakasanayan mo, tapos binabalikan mo."


Hindi man niya binanggit ang pangalan ng nobyong si Ion Perez, ayon sa kanyang salaysay, "Dati, nu'ng magkatabi kami, lahat ng bahagi ng katawan (niya), nakapatong sa 'yo. Tapos, unti-unting nawawala. Tapos, isang araw, gigising ka na lang na magkatalikod na kayo."


Saglit na napawi ang "faded love" topic nu'ng dumako sila ng contestant sa Q and A portion.


Subali't naungkat muli ang topic sa co-host nitong si Kim Chiu at naitanong ni Vice kung nakaranas din ba ang aktres na iwanan ng BF na kanyang ikina-traumatized.


Na si Vice rin naman ang sumagot, "Kapag nasa posisyon ka na masaya, 'pag naisip mo, parang nakakatakot. (At) Ayokong mangyari sa 'kin."


Nagbigay naman ang co-host na si Teddy Corpuz ng advice na napakahalaga ang nasabing diskusyon ni Vice at ng contestant.


Dito na napaiyak si Vice sa sinabi ni Teddy at sey niya, "Ayokong mangyari 'yun," with tears sa mata ng Unkabogable Star at napansin ng madlang pipol na nagpapahid siya ng luha.


May buwelta pa ang It's Showtime main host, "'Pag 'yung love story, ang ganda, parang 'yung pinapanood mo sa pelikula, ang ganda-ganda. Tapos, may biglang eksena na ipinapakita 'yung montage kung gaano sila kasaya nu'ng simula, tapos unti-unting nagbabago, ang lungkot," paliwanag ni Vice.


Hala! May pinagdaraanan kaya ngayon ang relasyong Vice-Ion? Just asking…

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 21, 2021




Pakilig daw online ang aktor na si Paulo Avelino. Ito'y pagkatapos niyang i-tweet sa halos 2.4 million followers niya na naghahanap siya ng makakainuman sa pamamagitan ng isang virtual drinking session.


Napag-usapan ang panibagong interaction ni Paulo with his fans sa panayam sa kanya sa Live with G3 ni G3 San Diego nitong nakaraang Lunes, August 16, sa Instagram.


“Right now I’m really bored, so puro workout na lang. Never din naman talaga akong lumalabas ng bahay unless magmo-motor ako nu'ng time na pre-pandemic. Pero minsan, kailangan talaga ng social interaction, eh, kasi nakakabaliw lang talaga. Actually, medyo inconsistent 'yung mga iniinom ko. May times na gusto ko, puro wine, may times na nagbi-beer ka lang nang nagbi-beer.


“I like drinking in quiet places. I like drinking with people I know. Pero masaya siya. In all fairness, tame naman 'yung mga tao, tapos nagre-raise sila ng hand sa Zoom. Ang galing-galing. Dapat nu'ng una, makikinig lang ako, eh, pero ang gulo kasi masyado, kasi walang nagku-curate,” saad ni Paulo.


Ipinaliwanag din ni Paulo kung bakit siya mas open mag-interact sa Twitter kaysa sa mga posts niya sa Instagram.


“It’s not really a persona. It’s everyday life. I think kaya maraming replies or retweets, it’s because people can relate to it. Kumbaga, hindi lang ako 'yung nag-iisang ganu'n. Marami tayo. If you try to look at the kids now, they talk like that. They’re straightforward. It’s not really about speaking their language, it’s like adding your humor to their language."


Sa totoong buhay, sinabi niyang he is not the type na ‘pakilig’ contrary to what his fans may assume from their interactions with him online.


“Parang hindi ako ganu'n. When I meet someone especially if I meet someone I like, parang I try to get to know the person more. At the same time, I try to get to know them as me, as I could, without any pretentions, without any pasosyal or anything. It’s just like bare me. So, they know ano 'yung pinapasok nila (laughs),” paliwanag ni Pau.


Sa dinami-dami o milyong fans niya sa social media, natutuwa naman si Pau sa pagtanggap ng mga ito sa kanya, pero naloka lang siya sa isang fan na ipinapakulam daw niya.


“Tame naman 'yung mga Paunatics. Meron lang akong nadaanan before na ipinapakulam daw ako. Bale parang 'di naman effective. Kulam as in galit yata na kulam. But I wouldn’t say that it’s obsessive or something like that in that manner. Kumbaga, I’m sure 70-80% sa kanila, nanti-trip na lang din. Kumbaga, sumasakay na lang din. They reply something witty and other people would read it then they’ll find it funny. It’s more about spreading good vibes."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page