top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 01, 2021




Hinirang na grand winner ng katatapos lamang na ikatlong season ng Your Face Sounds Familiar si Klarisse de Guzman. Second place naman si Lei Reposposa habang third placer si Vivoree Esclito.


Bukod sa tatlong big winners, kasama rin sa final showdown ang mga Kapamilya stars na kinabibilangan nina Geneva Cruz, Jhong Hilario, CJ Navato, Idolls na trio nina Lucas Garcia, Matty Juniosa at Enzo Almario, at Christian Bables.


Sa ginanap na final showdown noong Sabado, Mayo 29, pinabilib ni Klarisse ang mga hurado at mga manonood sa kanyang pag-awit ng kantang Over the Rainbow bilang si Patti Labelle para sa kanyang final performance.


Samantala, ang second placer na si Lie na dating Pinoy Big Brother housemate ay hinangaan para sa kanyang panggagaya sa OPM icon na si Dulce.


Habang si Vivoree na isa ring dating PBB housemate ay nanalo namang third placer matapos mag-ala-Ariana Grande.


Sa kabuuan, nakakuha si Klarisse ng accumulated score na 90, dahilan para maiuwi niya ang titulo bilang champion ng Your Face Sounds Familiar Season 3.


Sa kanyang panayam, aniya, "Sobrang hindi po ako makapaniwala kasi sobrang tagal ko na ring pinangarap na makahawak ng trophy as a title. Ito na po 'yun. Maraming-maraming salamat po at hindi ko po makakalimutan 'tong experience na 'to kasi parang iniba niya ako. Na-try ko 'yung mga bagay na hindi ko nagagawa dati," pahayag ni Klarisse pagkatapos magwagi.


Bilang grand winner, nag-uwi si Klarisse ng premyong P1 million in cash at house and lot mula sa Lessandra.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 31, 2021




Bukod sa female lead character na si Sunshine Guimary, kasama sa cast ng Kaka sina Ion Perez at Jackie Gonzaga, mga produkto ng It's Showtime.


Sa isang panayam kay Jackie, ito ang unang pelikula na makakatikim siya ng isang bida role.

"Dati kasi, mga cameo roles lang, padaan-daan, ganu'n lang. Dito sa movie na 'to, talagang umaarte," sey ni Jackie.


"Super na-enjoy ko kasi sa It's Showtime, isinasali lang kami sa Bida Man. Dito sa Kaka, kasama ko na ang mga legit na production," masaya niyang kuwento.


Masaya rin siya dahil kasama niya ang ilang beteranang artista sa kanilang trabaho.


"Ang dami kong natutunan sa mga kasama naming artista habang pinapanood ko sila."


Sabi pa ni Jackie, bawat opportunity na dumarating sa buhay niya, lalo na sa kanyang career, sinusunggaban niya.


"Gusto ko na kahit anong opportunity, grab lang nang grab," aniya.


Sa kanilang ginagawang pelikula, kapansin-pansin na lagi raw silang magkasama ni Ion Perez. Hindi kaya sila matsismis na magkarelasyon?


Kaya raw sila laging magkasama ni Ion, "Pareho lang kami ng manager ni Ion, kaya't maraming times na kami ay nagkakasama sa mga shows," paliwanag ni Jackie.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 25, 2021




Nakarating na kay Sharon Cuneta ang ilang espekulasyon na kaya bigla siyang lumayas ng 'Pinas at nagpunta sa US ay dahil sa sinaktan siya ng asawang si Senator Kiko Pangilinan.


Sa pamamagitan ng social media, nagbigay ng pahayag si Sharon tungkol sa kumalat na malisyosong dahilan kaya nagpunta siya ng Amerika at iniwan ang kanyang pamilya rito sa 'Pinas.


Bukod sa diumano'y pananakit sa kanya ni Sen. Kiko, may lumabas pang tsismis na may batang karelasyon si Sharon.


Hindi kaya inili-link lang sa kanya si Marco Gumabao dahil ito ang kanyang katambal sa ginawa nilang pelikula na Revirginized?


Sa kanyang paglipad papuntang Los Angeles, California noong May 11, 2021, binanggit ni Sharon sa kanyang post sa Instagram na pansamantala muna siyang mamamalagi sa Amerika, pero wala itong binanggit na dahilan kung bakit.


Sa pagkalat ngayon ng mga espekulasyon, pinabulaanan ng Megastar ang alegasyong sinaktan umano siya ni Senator Kiko kaya siya nag-alsa-balutan papuntang Tate.


“Ang OA naman ng istorya!” sagot ni Sharon sa artikulo ng entertainment columnist na si Cristy Fermin na lumabas sa isang tabloid.


“Bago pa ako madapuan ng kamay ng kahit sinong lalaki, eh, siguradong may nangyari na sa kanya!


“At ang bilin ng tatay ko (dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta), minsan lang akong saktan ng lalaki, iwan ko na agad!”


“Mula kay Gabby, awa naman ng Diyos, wala akong nakilalang nanakit sa akin!”


Itinanggi rin ng singer-actress na may karelasyon siyang mas bata.


Nagbiro pa si Sharon na puwede siyang pumatol kung ang bagets ay ang Korean stars na sina Ji Chang Wook at Cha Eun Woo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page