top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 14, 2021




Siya man ang pinakasikat among Pinoy celebs, dumarating din sa punto ng buhay ni Vice Ganda na nakakaramdam siya ng insecurities sa career, lalo na kapag ang napag-uusapan ay ang tungkol sa kanyang pagiging "unkabogable" sa showbiz.


Ngayong kasagsagan ng pandemic, napag-isip-isip din ng It's Showtime host kung siya pa rin ba'y tinitilian at natutuwa pa rin ba ang mga tao sa kanya.


“Meron akong gustong gawin, meron akong gustong ibigay. Tapos, ngayon, ang hirap. Hindi ko talaga alam kung nakakatawa pa ako o kung magaling pa ako kasi hindi ko naman naririnig kung may nagre-react. Wala namang audience,” aniya sa isang panayam sa kanya ni Ogie Diaz.


“Dati, lumabas pa lang ako, nagwawala na ‘yung audience. So, parang damang-dama mo ‘yung love, lalo kang gaganahan. ‘Ah, ito ‘yung mga nag-aabang sa akin. Patatawanin ko kayong lahat.’ Ngayon, wala nang ganu’n. Patatawanin mo, dingding,” biro pa niya.


Hindi makakalimutan ni Vice na minsa'y naging stand-up comedian ito sa mga comedy bars noong nagsisimula pa siyang hanapin ang kapalaran sa showbiz.


“Pero lagi, ang iniisip ko na lang din, ‘Huy, kabayo, ‘wag kang umarte. Ganyan ka rin naman dati. Nagsimula ka naman sa comedy bar na walang audience, pero bayad ka ng P250. So, kahit walang audience, kailangan mong magpatawa. Kaya ka nga nasanay nang ganyan, kaya ka nga na-train nang ganyan kasi nagpatawa ka na ang nanonood lang sa 'yo ay sulok, dingding.


“So, ‘yun na lang ang iniisip ko. Training ‘to. Magte-train ako na walang tao, walang tumatawa. Para ‘pag nagbukas na ulit, ‘pag may audience na ulit, mas bongga ‘yun. Kasi, kung dingding nga, kaya kong patawanin, mas kaya kong patawanin mo ‘yung mga totoong tao na may kaluluwa. Laban 'to,” pahayag ni Vice.


Sa parehong panayam sa kanya ng ex-manager na si Ogie, sinabi ng It's Showtime host na marunong siyang magtago ng kanyang nararamdaman dahil lagi niyang kasama ang kanyang mga supporters, ang kanyang mga suking nanonood sa kanyang bawat show, sa bawat concert at maging sa mga ginagawa niyang pelikula.


“Kasi nga, ‘yung trabaho ko is considering not just myself but considering a lot of people. ‘Di ba ‘yung magbabasa ka lang online, ‘Napapasaya mo ako lalo na ngayong pandemya. Stressed na stressed ako pero nawawala stress ko ‘pag napapanood ka.’ May purpose ka na,” ani Vice.


Malaking bahagi ng kanyang kasikatan ay ang milyon nitong kinikita, pero aniya, mahal niya ang kanyang ginagawa kaya't secondary na lang ang pera sa kanya.


“Hindi ito kaplastikan, ha? Malaking bagay ‘yung suweldo, pera. Pera-pera din, ‘di ba? Pero over and above the money, more than the salary, ‘pag tumagal ka sa ginagawa mo at mahal na mahal mo ‘yung ginagawa mo, hindi na ‘yun pera lang,” pagtatapos ni Vice.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 08, 2021




Ayon sa kuwento ni Mommy Min Bernardo, matagal na raw pangarap ng anak niyang si Kathryn Bernardo na magkaroon ng sariling studio.


Since busy at inabutan pa ng pandemic, pansamantalang naetsapuwera ang plano tungkol dito.


"Matagal na naming balak ang magkaroon ng studio. Pero balak lang 'yun. Akala ni Kathryn, wala akong ginagawa for that. Pero since nu'ng October, nakausap ko na ang kanyang architect, ang kanyang contractor, para tulungan ako kung paano namin maipapagawa 'yung studio na hindi nalalaman ni Kath,” pahayag ni Mommy Min sa kanyang vlog kung saa'y naidokumento na rin nito ang pagkakagawa ng studio.


At sinorpresa na nga ni Mommy Min ang anak dahil sa turn-over ng studio na dapat sana'y sa araw mismo ng ika- 25th birthday ni Kathryn nitong nakaraang Marso 26.


Siyempre pa, hindi magagawa ng ina ang plano nang mag-isa. Isa sa mga kinutsaba niya ay ang BF ng anak na si Daniel Padilla.


Sinabihan ni Mommy Min ang aktor na ito'y sikreto at siya ang isa sa mga kinausap niya along with the actress’ makeup artist and close friend, John Valle.


Pahayag pa ng ina, "Supposed to be, ibibigay ko sana 'to sa last birthday niya. Kasi 25th birthday niya (March 26). Hindi siya nakapag-enjoy kasi ito na naman, lockdown na naman. Kinausap ko si Daniel, sabi ko, 'DJ, meron akong isu-surprise sa kanya. Tulungan mo 'ko. So, alam ni DJ 'yung mga pinaggagawa ko. Minsan, pinupuntahan ni Daniel 'yun. Siyempre, hindi alam ni Kathryn,” ani Mommy Min.


Pahayag pa ng mommy ni Kath, gusto niyang magkaroon ng sariling studio ang anak para magkaroon ito ng space sa paggawa ng mga commercials, pictorial at tapings para sa bago nitong segment sa TGIS sa sariling YouTube channel, ang Everyday Kath.


"'Yun ang naisip namin kasi napapansin namin especially dito sa Quezon City, kokonti ang studios dito. Nag-decide na 'ko na gawin 'to kasi para meron tayong place para sa mga small gatherings. So, puwede na 'to sa kanyang commercials, sa pictorials, and most especially sa TGIS niya,” sabi ni Mommy Min.


May kasabihang: "Huli man daw at magaling, maihahabol din."


"Last May 22, nag-decide na ako na ibigay ko na 'yung surprise na 'to kahit hindi pa ganu'n totally finished. Tinawagan ko 'yung glam team niya, 'yung mga kakutsaba ko rito sa studio na 'to, kung papaano 'to mabubuo, and especially si DJ.”


Ayon naman kay Kathryn, hindi siya makapaniwala na finally ay meron na siyang sariling studio. Hindi rin maubus-ubos ang pasasalamat niya sa kanyang Mommy Min sa napakahalaga at napaka-sweet na surprise sa kanyang kaarawan.


"It's June already but turns out my birthday celebration isn't over yet! Thank you so much Mama and to everyone who took part in this sweet surprise. I can't believe I finally have my very own studio!" pahayag ni Kathryn.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 04, 2021




Sa isang panayam kay Klarisse sa Rise Artists Studio’s online show na #WeRiseTogether, sinabi niyang “It's a dream come true,” at naghintay siya ng ilang taon para makasungkit ng champion’s trophy gaya ng kanyang napanalunan sa YFSF.


“Sobrang tagal ko na rin na parang sana, one day na makakagawa din ako ng trophy, champion. Siyempre, nag-The Voice ako, nag-We Love OPM, and palagi akong hindi pinapalad sa finals. Ito, sobrang ‘di ako makapaniwala na nagka-title na ako sa isang show,” kanyang pahayag.


Sa YFSF, marami raw siyang ginawa na never niyang nagawa before.


“I’ve learned a lot of things sa Your Face Sounds Familiar kasi talagang na-push akong sumayaw, umarte sa stage. Ayun ‘yung mga iniisip ko nu’ng una, eh. Parang sabi ko nu’ng una, ‘Kaya ko ba?’ Siyempre, mag-o-audition din kami para maging performer. Siyempre napapanood ko before, sumasayaw,” aniya.


Itinodo na raw niya ang kanyang nalalaman, not to hold back and to level-up as a performer.


“Natutunan ko na lumabas sa shell ko, ipakita ang totoong Klarisse sa Your Face, kasi ru’n naipapakita ko na makulit (ako). Ayun nga, na huwag kang matakot, don’t hold back and mag-level-up.”


Ibang-iba raw ang ginawa niya sa YFSF dahil tatlong artists ang kailangan nilang gayahin every taping mula nang mag-pandemic.


At ang mga pinagdaanan ni Klarisse during competition?


“Three days na sunud-sunod ‘yun. Kunwari, tapos na kami sa isang artist, ‘di pa kami nakakahinga nu’n kasi bukas ulit. Tapos bukas ulit. So, ganu’n ‘yung challenge talaga.


"(Talagang) Nakaka-drain siya. Pero somehow, natsa-challenge mo ‘yung sarili mo. And ang sarap sa feeling na ikaw mananalo that week.


“Oh, my God. Kahit mahirap, ‘di ba worth it naman ang natutunan ko and sobrang worth it naman ang mga ginawa ko sa Your Face Sounds Familiar. Kaya sobrang thankful ako sa show na ‘yan. And ang pagkakaibigan talaga naming mga performers, sobrang saya talaga and enjoy lang. Kung manalo man, eh, di bonus na lang ‘yun,” masaya niyang pahayag.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page