top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 19, 2021



Isa sa mga tanong ni Wil Dasovich sa SuperHuman podcast interview niya kay Toni Gonzaga ay kung may plano bang tumakbo sa politics ang TV host-actress since nakagisnan na rin niya ang buhay-pulitika dahil dati nang naging public servant at konsehal ng kanilang bayan sa Taytay ang amang si Bonoy Gonzaga.


"I don't see myself in politics right now or anytime soon. But I don't wanna say... Never say never, ‘di ba?"


"But in my heart right now, I don't feel like that is something that I should be doing. That's what I feel," sagot ni Toni kay Wil.


Dahil paparating na ang national elections sa susunod na taon at tiyak na gagamitin ng ilang pulitiko ang iba't ibang platform gaya ng ginagawa ng mga vloggers, naitanong din ni Wil kay Toni kung ie-entertain ba nitong kapanayamin ang mga tatakbong politicians sa kanyang YouTube channel na Toni Talks.


"This is where I stand. I don't categorize the people I interview. I look at all of them as people who have stories to share.


"No matter how bad the person is, no matter how good the person is, no matter how cancelled the person is in the society, every single person in this planet has a powerful story to tell. And no matter how bad their story is, we can always learn from that person," sagot ni Toni

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 16, 2021




Parang teleseryeng inaabangan ang relasyon ng estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, dahil sa panibagong 'twist' na pinalutang ng isang netizen pagkatapos maghiwalay ng landas ang dalawa.


Kung noo'y ang natsitsismis na dahilan ng hiwalayan ay third party sa parte ni Aljur, ngayon nama'y si Kylie ang itsinitsismis na diumano'y romantically linked sa aktor na si JM de Guzman.


Pero maagap itong pinabulaanan ni Kylie sa kanyang Instagram reply sa isa niyang follower na nagtanong sa kanya kung totoo nga bang kaya iniwanan siya ni Aljur ay dahil "high maintenance wife" siya at marami siyang celebrity suitors, isa na nga ru'n si JM.


"'Yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza, eh," sabi ng netizen na ang tinutukoy ay ang businessman na laman ng mga headlines noong 2017 pagkatapos yayain ng date ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales na nakabalandra sa isang billboard ad sa Manila.


Sagot ni Kylie sa netizen, "Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true."


Habang nasa kasagsagan pa ang hiwalayang Kylie-Aljur, ang aktor naman ay inaakusahan ng pagkaka-link sa dati niyang nakasama sa Sandugo serye na si Maika Rivera, dating GirlTrends member sa It's Showtime.


Maging ang bago niyang leading lady sa pelikulang Nerisa na si Cindy Miranda ay romantically link daw kay Aljur.


Parehong idinenay ng dalawang aktres ang pagkaka-link kay Aljur.


Samantala, nagparating ng mensahe si Kylie sa GMA News kung saa'y nananawagan siya sa publiko para sa "respect" habang dumaraan pa siya sa process of "healing and moving on".


“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal. We forget the kids and people that are involved. In the past months, our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.


"All we need right now is respect—first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family — to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and to our families from both sides who have guided us along the way," kabuuang mensahe ni Kylie.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 15, 2021



Biktima rin pala ng COVID-19 ang magkasintahang sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.


Unang na-confine si Barbie dahil nag-positive sa deadly Coronavirus habang nasa locked-in taping ng kanyang seryeng Bagong Umaga.


Habang inaalagaan ang GF, nahawa rin si Diego sa virus. Pero ayon sa aktor, hindi naman malala ang tama ng COVID-19 sa kanya.


Ikinuwento niya ang pinagdaanan at kung bakit siya nahawa sa girlfriend.


“I was there with her. Pareho po kaming nagkaroon kasi hindi namin alam noong time na 'yun. I was taking care of her then nagpa-test siya, it came out positive, so I got to test din,” ayon sa pahayag ni Diego sa Push sa ginanap na face-to-face presscon ng Encounter na ipapalabas sa Vivamax simula sa July 23.


Ani Barbie, nagkaroon siya ng COVID-19 habang nagte-taping sila para sa Bagong Umaga.


Pero, hindi lang pala siya ang nagpositibo sa virus, kundi maging ang kanyang mga co-stars gaya nina Tony Labrusca, Nikki Valdez, Sunshine Cruz at Keempee de Leon, at masasabing nagkahawahan na nga sila.


Kuwento pa ni Diego, asymptomatic siya nu'ng naging positive sa test pero after two weeks, nu'ng muli siyang nagpa-test ay negatibo na siya.


“Mas malakas lang 'yung resistance ko sa kanya kasi it didn’t last long sa akin. Wala akong naramdaman, I’m asymptomatic.


“Wala pang two weeks, I tested negative already. Parang it passed me lang. Pero Barbie was okay, she got better. Malakas 'yung si Bie, she's strong."


Parehong COVID-19 survivors ang magkasintahan kaya't paalala ni Diego, huwag balewalain ang banta ng virus at dapat ay mag-ingat palagi.


“Honestly, I’m speaking for myself, it wasn't difficult like other people experiencing (it) around the world. 'Yung pinagdaanan namin wasn't so bad, thank God. Pero the virus itself is not a joke kasi there's people dying around the world because of it. Pero 'yung sa aming dalawa, we were okay. Thank God," pahayag pa ni Diego.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page